40

1.2K 19 1
                                    

"Get up!" I shouted as I pour a bucket full of water and ice on Leana's face. Napatili naman siya sa lamig at napabangon mula sa pagkakahiga. Nginisihan ko siya at tinutukan ng baril sa ulo. Nang makita niya na ako ang nasa harapan niya ay bumakas ang galit sa mukha niya.

"Nasaan ang mga magulang ko?! Saan mo dinala sina Mom at Dad?!" inis na sigaw niya pabalik sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You'll know later." Itunuro ko ang dalawang anak niya na nasa tapat ng selda niya at naghihintay. Hawak sila ng mga tauhan ko at parehong nakaposas ang kamay sa likod. Nang mapansin niya ang itinuro ko ay agad siyang napabangon, pero hindi magawang lumapit dahil sa nakatutok na baril.

"Now, get up because I want you to see something. Labas!" Agad naman siyang sumunod kaya pinaposasan ko siya sa isang tauhan ko na naghihintay, at dinala sila sa living room. I smiled as I saw that Josiah and Peter were already there. Confusion was written on their faces. Ang dalawa ay kalmado lang na naghihintay. Hindi na kinailangang patalian o pabantayan sa malapit. They always obey my command. Hindi na sila kailangang gamitan ng dahas tulad ng pamilya nila.

Pinaupo ko ang mga bagong dating sa sofa at ang mga nagbabantay sa kanila ay nasa likurang parte naman. Isa-isa ko silang tinignan bago napako ang tingin kay Liah.

"Liah, how are you?" I put sincerity in my voice as I saw how pale she was. She never drinks any of the pain killers that were given to her. Pati ang paggalaw sa pagkain ay hindi ginagawa. She also doesn't want to get cured whenever I command the nurse to clean her wounds. Kasalanan niya kung bakit siya nahihirapan ngayon.

"Shut up, b-bitch!" she weakly hissed. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa sofa kung saan nakaupo si Dmitri na nagmamasid at naupo sa tabi niya.

"Ano na naman bang pakulo 'to?" Paolo said in a bored tone na para bang hindi interesado sa magaganap. Pinigil ko ang mapangiti nang maluwang. I hope that he will still remain bored after they watch the news.

"Nothing. Gusto ko lang makipag-bonding sa inyo. Let's watch television together," I said, and Dmitri looked at me. He slightly smiled at me and reached for my hand. Si Akira naman na nasa katapat naming sofa ang nagbukas ng television. Tutok ang mata ko roon at segundo lang ang binilang ko nang may lumabas na flash report.

Flash report: Former senator Mr. Leandre Lopez and his wife were found dead in their house.

That was the title of the report. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang report dahil sa title pa lang no'n ay paniguradong makukuha ko na agad ang mga reaksyon na hinihintay ko.

Binaling ko ang tingin ko kay Leana na nawalan na ng kulay ang mukha dahil sa napanood. Sumunod ang malakas na pag-iyak ni Liah at pagmumura ni Paolo ang pumaibabaw sa balita.

"Putangina! Anong ginawa mo sa kanila?!" Paolo shouted. Sinubukan niya akong sugurin pero kaagad na inilayo siya ni Mattheo sa akin. Pilit itong lumaban pero dahil mas malakas si Mattheo kaysa sa kanya, at dahil nakaposas ang mga kamay ay wala siyang nagawa.

Binalik ni Mattheo sa pagkakaupo si Paolo at binantayan. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ang galit sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

If looks can kill, baka namatay na ako ng ilang daang beses. Baka hindi rin ako tumuntong sa edad ko ngayon kung gano'n.

"Napakasama mo, Audrey! Demonyo k-ka!" I turned my head to Leana and saw her crying. Hilam ng luha ang mukha niya ngunit ang mga titig na binibigay nya sa akin ay katulad ng makikita sa mata ng anak niyang lalaki.

"Is that a compliment? Aw, thank you very much," I said and plastered a smile on my face. Pinabitbit ko pabalik ng basement sina si Liah, Leana at Paolo. I got irritated with their crying and angry voice. Mabuti pa na roon na lang sila sa baba umiyak at magluksa. Gusto ko lang naman talagang ipakita sa kanila ang balita para naman sama-sama kaming maganda ang almusalin.

DWS I: The LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon