"For the beautiful lady." A bouquet of red roses and sunflowers suddenly popped up in front of me that made me smile. Kasunod no'n ang pagpapakita sa akin ni Dmitri na may ngiti sa mga labi, at siyang may hawak ng bulaklak.
"Thank you, Handsome," I thanked him that made him chuckled. Kinuha ko ang bulaklak na dala niya at ibinaba sa mesa bago siya hinila palapit sa akin. I quickly pinched his cheeks. Agad naman siyang napangiwi dahil mukhang nasaktan siya pero hindi na ininda pa dahil tatawa-tawa naman.
Why does he always look good? Sa tuwing bibisitahin niya ako, hindi ko napipigilan ang sarili kong panggigilan siya. Dmitri is really handsome and I really love to see him everyday. As in, kung pwede lang na rito na siya sa mansion tumira para makila ko lang palagi, why not? Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay masyado akong sanay at masyado kong gusto ang presensya niya. I think siya ang pinaglilihan ko dahil sa kanya lang naman ako ganito.
Pagbitaw ko sa kanya ay sinapo niya agad ang pisngi niyang nasaktan na ikinatawa ko.
"How are you? Kumusta kayo ni baby? Hindi ka ba niya pinapahirapan?" he asked and tilted his head a little. Napangiti ako nang lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ang tiyan ko. Palagi niyang ginagawa 'yan simula nang maging visible ang pagbubuntis ko, lalo na noong nalaman namin ang gender ni baby.
Noong una ay naiilang pa ako lalo na't hindi ako sanay sa mga biglang kilos niya na gano'n, pero kalaunan ay nasanay na rin. Almost everyone thinks that Dmitri is the father of my child, and we just let them think that way because I hate explaining myself, at dahil sobrang discrete ng information tungkol sa kung sino ang totoong ama ng anak ko.
Dmitri also likes it that way when I confronted him one time, and said that he doesn't mind and that's for the better. Bukod kay Akira, siya rin ang palagi kong kasama kapag may check-up ako. He never misses any of it kahit na nasa ibang bansa siya. Ginagawa niyang kapit-bahay ang Japan para sa akin at sa anak ko, and I am really thankful sa lahat ng effort at oras na ibinubuhos niya.
It was just weeks ago noong nalaman namin ang gender ni baby. Bukod sa akin, kay Kyle, at kay Akira, si Dmitri ang isa sa sobrang natuwa nang malaman iyon. He even had a small dinner celebration the same day pagkauwi namin galing sa clinic because he's that happy.
My baby is a girl and she's already on her 24th week. She's growing up so fast, at nakakatuwa na healthy ang paglaki niya sa akin.
"Hindi naman niya ako masyadong pinahihirapan," I answered him. Napatango-tango siya at umakbay sa akin pagkatayo. Pumunta kaming kitchen kung saan nandoon ang ilang chef. I asked them to bake me a cake at mukhang kakatapos lang nila.
"Your food is ready, Young lady," said one of them. I bid my thank you to them before slicing a good amount of cake on a plate. Kinuha ko na rin si Dmitri at naghanda ng juice. Siya ang nagdala ng tray ng pagkain naming dahil dito ko siya inaya sa may gazebo na pumwesto.
"Audrey, I forgot to tell you that Mr. Zed Acuena contacted me. He told me that he wants to invite you on his 45th birthday next week. Nasa kotse ang invitation na pinadala niya." Napatigil ako sa pagkain ng cake sa sinabi niya dahil sa pagkabigla.
Uncle Zed's birthday. Napatampal ako sa noo. Sa lahat naman ng okasyon ay iyon pa talaga ang nawaglit sa isipan ko. Kung hindi pa ipinaalala ni Dmitri ay hindi ko maaalala ang birthday ni Uncle.
Kapag may celebration siya ng birthday niya, he always requires me to be there dahil magtatampo siya sa akin, pero ngayon? How?
Ibinaba ko iyong hawak kong tinidor at napayuko. Isa si Uncle Zed sa tumayong magulang ko. He's important to me and I know I should not disappoint him, but how? No one knows na buntis ako. Lahat ng nasa Pilipinas ay walang alam dahil never akong nagbalita sa kanila tungkol dito. I believe that Kyle also never mentioned about it to them dahil nirerespeto niya ang desisyon ko na huwag ipaalam sa iba nang minsang tanungin niya ako.
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...