Warning: Violence
Napamulat ako ng mata nang biglang may bumuhos na malamig na tubig sa akin. Halos manginig ako sa lamig na nanuot sa balat ko. Iginalaw ko ang kamay ko pero napakunot lang ang noo ko nang maramdamang nakatali ito sa likod ko at sa bawat paggalaw, sumasakit lang iyon dahil sa higpit. Sa pakiramdam ko ay magaspang na lubid ang ipinangtali sa akin dahil tumutusok iyon sa pulso ko sa bawat kilos.
Inaalala ko kung paano ako nauwi sa ganitong sitwasyon at natigilan nang manumbalik sa akin ang nangyari bago ako nagising sa ganitong ayos. Someone abducted me.
I don't know if I should be thankful that they didn't put a blindfond on me kaya malalaman ko kung saan nila ako dinala. Ang mabungaran ko ay ang nakangising mukha ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hawak niya ang isang balde na sa tingin ko, roon nanggaling ang tubig na binuhos niya sa akin. Hindi naman siya nagsalita at mapang-uyam lang ang tingin kaya hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.
I roam my eyes around the place at doon ko napansin na madumi at magulo ang paligid. I'm inside a small wooden house na madumi ang puno ng sapot at alikabok, at may ilang sira-sirang gamit. Nandito ako sa isang sulok at nakatali ang kamay at paa.
"Nasaan ako at anong kailangan ninyo sa 'kin?" kalmadong tanong ko sa lalaki bago inilipat sa kanya ang paningin, pero ngisi lamang ang isinagot niya sa akin. Hindi ko alam kung sanay ba siyang umintindi o ano, pero mukhang kahit anong tanong ko ay hindi naman siya magsasalita. Kahit anong pilit kong maging kalmado sa kabila ng nabubuhay na kaba dahil sa kondisyon ko.
Sa katanungan ko, roon lang din pumasok sa isip ko kung sino ang may pakana ng lahat na ito. Wala namang ibang taong galit sa akin bukod sa kanila.
"This is all Lopez's doing, right? They tasked you to abduct me," I said like I am so sure and aware of all the possibilities.
Biglang bumukas ang pinto at ang pumapalakpak na sina Liah, Paolo, at Leana ang pumasok. Sinamaan ko sila ng tingin at sinubukang makawala ulit. I knew it. Simula't sapul talaga ay mga halang na ang kaluluwa nila!
"Very well, my dear Stepsister. You got it right!" Liah said and laughed like there's no tomorrow. They are really unbelievable. Mga kinain na ng kabaliwan. Stooping this low just to get and do what they want. Hindi na ako magtataka kung bakit noon ay pinili rin ni Mom na lumayo at itago ako. Manang mana si Liah sa nanay niyang may sira sa utak!
"Ano bang kailangan ninyo sa akin?!" inis na tanong ko. Lumapit sila sa gawi ko at ngumiti ng matamis na para bang sila na ang nanalo. Doon ko napansin na malaki na rin pala ang tiyan ni Liah. I think she's six months pregnant. Himas ang tiyan habang nang-uuyam ang ngiti at tingin.
"Simple lang naman. We want you dead." Liah shrugged her shoulders na para bang napaka-simple lang ng gusto nila. Napairap na lang ako at napailing. Wala na talaga siyang pag-asa.
"Sa ginagawa ninyong 'to, halatang napaka-insecure ninyo sa akin. Gano'n ba kayo sobrang naiinggit kaya gusto nyo akong mamatay? Bakit, Liah? Hindi mo ba matanggap na ako ang mahal ni Josiah? Na ako at ako lang ang gusto n'ya kaya kahit magkakaanak na kayo, sa akin pa rin siya luluhod?! Ako at ako pa rin ang hahabulin niya?!" I asked and laughed. Sumama ang timpla ng mukha ni Liah at walang pasubaling sinugod ako at sinampal. Hindi ko ininda ang sakit ng sampal niya. Gusto kong makita niya at ipamukha sa kanya ang totoo kaya nginitian ko siya sa paraan kung paano siya ngumiti sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...