Chap. # 11

77 1 8
                                    

Parang hanggnag 20 chap lang po ako.Tingnan nalang po natin ang flow ng story

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang sakit, sakit."

"Ok lang yan.Tahan kana"

Di ko mapigilan ang pag-iyak ko.Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Sa tuwing nakikita ko silang dalawa ay nasasaktan ako.Di ko alam pero parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin ako kay John na ngumingiti.Kahit kailan di ko siy nagawang pangitiin ng sobra.Mukhang ako lang talga ang masasaktan sa ganitong relasyon.Isang buwan na siyang nangliligaw pero hindi ko parin siya napasaya kahit kailan.

Ang manhid ko siguro kaya ganun.Magbago kana kasi ng ugali!Ibahin mo yang pagka loner mo......Pero paano? May mga kaibigan ka naman ulol!

"Ok na ako...Pero.Gusto ko nang magbago.Gusto ko nang ibahin ang ugali ko.Yung nagpapa-turn off sa akin.Gusto kong magbago.Gu-----"

"Stop it! You're beautiful just the way you are Aylin.Ang i like the small things that makes you happy and beautiful.Please don't change.Please.I understand that you have pain that makes you sad.But please.Don't change.You're beautiful inside and out.DOn't bother what people will say to you.The important thing is you'lla person that you'll call the one that will accept you just the way you are.''  Ngumiti si Lance at hinalikan ako sa noo.

Naka tunganga lang ako habang hinahalikan niya ako sa noo.Ang naala ko nalang sa next na pangyayari ay nag-aaway na sila John at Lance.May dugo din sa pisngi ni Lance.at nakahawak si John sa damit ni Lance habang akmang susuntukin ito.

"Tama na John!"

{ John's P.O.V }

"Tama na John!" Napatingin ako kay Aylin.

Kahit kailan di ko kayang labanan ang nararamdaman sa kanya.Walang akong magawa kundi tingnan lang silang dalawa kanina.Kaya ngayon di ko na napigilan na suntukin si Lim.Wala akong pakialam kung ano ang totoong pangalan ng Lim na yan.Ayokong nakikita si Aylin na hinahalikan ng ibang lalaki.Nagtitimpi lang ako kanina pero ngayon di na ako nakapigil.

"Wala kang karapatang halikan siya!!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit?! Boyfriend ka ba niya?! Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit siya umiiyak kanina! Hindi mo alam kung gaano ka sakit sa kanya na makita kang may kasamang iba!Alam mo..Kahit kailan di ko matatanggap na maraming lalaki ang nagpapa-asa at napapa-iyak ng mga babae!!Alam mo.Wala kang kwenta!" Sabi ni Lim.

Agad ko naman siyang binitawan nang malaman kung bakit umiyak si Aylin.Tumingin ako kay Aylin.Umiiyak siya habang nakatingin sa sahig ng gym.Marami ding mga estudyante ang naktingin sa amin.Yung iba bumubulong na sa mga katabi.

Lumapit ako kay Aylin.Di ko mapigilang masaktan sa mga nangyayari.Aykong makita siyang umiiyak.Ayoko.Hinaplos ko ang kamay niya pero iniwas niya.Hinawakan ko ang mukha niya para magkaharap kami pero umiwas siya.Niyakap ko siya ng mahigpit pero tinulak niya ako.

"Wa'g mo akong l-lalapitan.P-please.A-ayoko nang m-masaktan." Basag na boses na sabi niya.

Akmang yayakapin ko ulit siya nang tumakbo siya papalayo.Naiwan akong nakatingin sa kanya habang lumalayo.

"Nakaka-asar naman yung baabeng yun.Panira ng moment nating dalawa." Sabi ni Mikee habang nagpa-pout ng lips.

"Alam mo hindi kita gusto.Yung babaeng yun ang gusto ko at hindi ikaw.Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo! Siya ang gusto ko at hindi ikaw!" Sigaw ko sa kanya.

Umalis ako may galit at kirot sa puso ko.Di ko lang namalayan na nasa loob na ako ng classroom at naktawnaw sa isang baaeng nakadungo lang at parang wala sa pag-iisip.

Humakbang ako at nabigla siya kaya napatingin siya sa akin.

"Ba't ka nandito?" Basag na basag ang boses niya nang sinabi niyaa ng mga katagang iyon.

"Ba't ka umiiyak?M-may..N-nagseselos ka ba?" SAbi ko sa kanya.

"Umalis kana please."

"Ayoko hanggang di mo ako sinasagot."

"Pabayaan mo ako!" Sabi nito

"Hindi ako aalis."

"Ayaw mo talga? Ede ako nalang ang aalis.Pambirahang buhay toh!" Agad itong tumayo at nagsimulang luamakad

Pinigilan ko siya.

"May gusto kaba sa akin?"

"Ba't naman ako magkakagusto saisang katulad mo?!"

"Umamin ka nalang Aylin.Alam ko nagseselos ka kanina.Alam ko.At sinabi din sa akin ni Lance." 

"Wala.Akong.Gusto.Sayo!" Sabi nito habang pinipilit na bawiin ang kamay niyang hinahawakn ko nang mahigpit.

"Hanggat di umaa-amin, hindi gita bibitawan."

"Wala akong aaminin sa'yo!" Itinulak niya ako.

I pushed her to the wall.Inilagay ko ang isang kamay ko sa taas ng ulo niya at ang isa sa gilid ng ulo niya.Sisisguruhin ko na hindi siya makakatakas sa bisig ko.

"Sige.Papa-aminin nalang kita.Damhin mo nang maiigi."

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.Para bang unti-unti nag iba ang mundo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano na naman kaya ang binabalak ni John? Isang sampal kaya ang kapalit nun o iba?

Nerdy_me_laureana

Ms.SimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon