(1) Sino yung nagsalita?

201 34 2
                                    

Tik tak tik tak tik tak

Tanging tunog ng orasan lamang ang maririnig sa loob ng kwarto ni Samara. Hating gabi na ngunit hindi pa rin sya dinadalaw ng antok. Kahit anong pilit nyang matulog ay balewala lamang. Naalala nyang naka apat na beses nga pala syang nagkape kanina. Naka ugalian na nya ang pag-inom ng kape ng apat na beses sa tuwing may exam o di kaya'y may quiz sila. Kaya heto't daig pa nya ang mga paniki sa labas ng kanilang bahay na gising na gising.

Pumikit sya at ipinatong ang kanyang braso sa kanyang noo. Inalala nyang lahat ang mga kinabisado nya kanina. Tatlong subjects nalang ang kailangan nilang tapusin sa exam. Nagmulat sya at napangiti. Mabuti nalang at hindi nya nakalimutan ang mga inaral nya.

Hindi sya katalinuhan ngunit masipag itong mag-aral. Lumaki siyang ang kanyang ina at nakababatang kapatid na lalaki na si Cyan ang kasama nya sa kanilang bahay. Matagal ng hiwalay ang kanyang mga magulang kung kaya't ganoon nalang ang kagustuhan nyang makatapos ng pag-aaral upang matulungan nya ang kanyang ina sa pag-papaaral sa nakababata nitong kapatid. Munting karinderya lamang at dalawang videoke na pinapaarkila ang bumubuhay sa kanilang tatlo.

Napaka imposibleng mangyari pero umaasa pa rin sya na mabubuo ulit silang pamilya. Mayaman ang kanyang ama ngunit ayaw ng mga magulang nito sa kanyang ina dahil sa estado ng buhay nito. Kahit na hindi nila nakakasama ang kanyang ama ay hindi pa rin ito nakakalimot na mangumusta sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

Bumangon sya at lumabas ng kanyang kwarto. Nagtaka sya habang naglalakad tungo sa kusina. Bukas ang ilaw at ganoon nalang ang pag-aalala nya ng makitang nakadukdok sa mesa ang kanyang ina na mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga na lamang sya at lumapit sa kanyang ina. Nakita nyang hawak pa rin nito ang ballpen. Nakatulugan na naman nito ang paglilista ng mga sangkap para sa lulutuin nito. Marahan nyang tinanggal ang ballpen sa kamay ng natutulog na ina. Saglit na pumunta ang dalaga sa kwarto para kumuha ng kumot. Pagbalik nya sa kusina ay naabutan nyang gising na pala ang kanyang ina. Napakunot ang ginang ng makita sya.

"Oh, Samara bakit gising ka pa? Diba may exam ka pa mamaya?"

Lumapit sya sa mesa at naupo sa tapat ng kanyang ina na ngayon ay naglilista na ulit sa papel nito.

"Hindi ako makatulog ma." Nangalumbaba sya at pinagmasdan ang kanyang ina sa ginagawa nito.

"Paano ka namang makakatulog eh ginawa mong parang juice ang kape. Hindi ba't sinabi ko na sayong isang beses ka nalang magkape pag nagkakabisado ka."

Nginusuan lamang nya ang kanyang ina. Nahuli sya nito at saglit na inihinto ang ginagawa. "Haynako bata ka. Magtimpla ka ng gatas dyan at pagkatapos mo matulog ka na ulit. May exam ka pa mamaya tapos nagpupuyat ka pa."

Tinitigan lamang nya ang kanyang ina. Maya maya'y napakunot na rin sya ng noo. Dapat ay magpahinga na rin ito dahil tiyak na marami pa itong gagawin pag sapit ng umaga. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at sinunod ang sinabi ng kanyang ina. Kumuha sya ng tasa at nilagyan ito ng gatas at asukal. Pagkatapos ay sinalinan ng mainit na tubig galing telmos.

Bumalik sya sa kanyang upuan at maingat na hinalo ang kanyang gatas.

"Ma, bakit ho ba hindi pa kayo natutulog? Mag aala una na ah. Magpahinga na ho kayo at ako nalang ang magpapatuloy nyang ginagawa nyo."

"Kaunti nalang naman itong idadagdag ko sa listahan at matatapos na ako. At ikaw naman Samara dali-dalian mo dyan at matulog ka na. Mamaya baka makatulog ka pa sa exam mo." Wika ng kanyang ina habang patuloy pa rin ito sa pagsusulat.

Napakamot sya ng ulo sa narinig nya. Kakatimpla lamang nya ng gatas ay gusto na agad syang patulugin nito.

*****

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon