Chapter 2

11 0 0
                                    

Flowers

"Good morning, Mom. Mamaya po, pupunta ako boyfriend ko rito ah." Ate Hyacinth said.

"You have a boyfriend?" si Dad.

Kumakalansing ang mga utensils na gamit namin habang kumakain. It was Monday morning and my sister is telling us about her boyfriend.

"Yes po, I met him because of Engineer Constancia. Yung kasama ko pong gumawa ng beach house sa Batangas."

"Oh, the one you designed?" Dad asked proudly.

"Opo." mas lalong lumaki ang ngisi ni Ate Hyacinth.

"That's great, Anak. Anong trabaho niya?" si Mom.

At tuluyan nang naalis ang atensyon nila sa pagkain. Lahat ay kuryoso sa boyfriend na ito ni Ate Hyacinth.

Binitiwan niya ang kutsara't tinidor at nagpatuloy na lang sa pagkukwento. "He's an Engineer too, pumasa po sa board exam nito lang. I'm so proud of him, Ma. I'm sure you'll like him." she said with a wide smile.

Samantalang ako ay abala sa pagkain. Baka mamaya ay ako na naman ang mapagbuntunan.

"How about you, Prim? How's your studies?" Dad asked.

Sabi ko na nga ba e.

"Ayos naman po, matataas naman ang mga grado-"

"Dapat lang, madali lang kursong 'yan tapos ibabagsak mo pa. Nakakahiya ka naman kung ganoon." he scoffed.

Napainom ako ng tubig doon. "Dad, hayaan niyo na si Prim sa gusto niya. Andyan na 'yan e, at least be happy for her." Ate Hyacinth smirked and touched my thigh.

"Well, tama naman ang Daddy mo. Madali lang kursong iyan kaya kung babagsak pa, ay ewan ko. Baka hindi na pag aralin."

I was shocked at that. Baka hindi na pag aralin? What the hell?

"Maghanda ka mamaya ah, gandahan mo ang suot mo. Nakakahiya kung makikita ng boyfriend ko na hindi maganda ang suot mo. He's rich so..."

I looked at my clothes. Umaga pa kaya nakasuot lang ako ng isang oversized t-shirt at shorts. Anong problema rito? Atsaka talaga namang mag aayos ako dahil may bisita. Hindi ko naman ipapahiya ang sarili ko.

Mabilis akong kumilos dahil ayokong ako ang mahuli sa pag aayos. Gusto ko ring tumulong sa mga katulong mamaya sa pag hahanda.

Nagsuot ako ng isang cream halter dress at isang itim na doll shoes. Maayos na sinuklay ang buhok, nag lagay ng lip gloss at hoop earrings at bumaba.

"Ako na po niyan, Nana." kinuha ko ang babasaging tasa na may lamang ulam.

"Naku, ikaw talagang bata ka! Hindi ka bagay dito, ang ganda ganda mo pati ng suot pagkatapos ay nandito lang sa kusina." sabi ni Nana Amor.

"Ano ba kayo, Nana. Sanay naman akong tumulong di ba? Sige kahit ito lang, ako na ang magdadala roon sa mesa."

"Naku, ikaw na bata ka! Ibang iba sa Ate mo." ngumiti si Ate Jean.

Wala na siyang nagawa kundi ibigay sa akin ang tasa. Ibinaba ko iyon sa lamesa at inayos ang mga disenyo roon.

"Anong ginagawa mo? Katulong ka ba para gawin 'yan? Tara na, papawisan ka. Nakakahiya sa bisita." si Ate Hyacinth.

Ngayon ay nakasuot ng isang purple jumpusit kung saan kitang kita ang mga kurba ng katawan. Ayos na ayos din siya at halatang gustong magpa impress sa boyfriend.

Nakatayo na si Ate malapit sa pinto, iniintay ang pag pasok ng boyfriend. Tumunog ang cellphone ko nang magchat si Nala sa aming group chat sa messenger.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon