Chapter 20

8 0 0
                                    

Fly High, Adrielle

Hindi nakikinig ang nakababatang kapatid ni Hyacinth. Abalang nakatingin sa kanyang cellphone habang ngiting ngiting nagtitipa ng mensahe roon. She's even giggling at naagaw lang ang atensyon nang tawagin ni Tita Alice.

"Good evening... po."

Nag angat siya ng tingin at tipid na ngumiti. I smiled back at her.

She looks just like Hyacinth. Ang pinagkaiba lang ay ang tangkad at katawan pati ang features ng mukha. She has soft features while Hyacinth's are defined.

Her name is beautiful too. Bagay sa kanya, but her other name attracted me more. Adrielle, wala ni isang tumatawag noon sa kanya. And everytime Hyacinth invited me to their family gatherings and parties, I learned that they always compare her to Hyacinth.

May mga pagkakataong nakakausap ko siya, pero hindi madalas dahil mailap talaga. Kapag may salu salo ang pamilya nila ay halos ayaw niyang sumama sa kanila sa iisang table. Minsan ay makikita mong nakaupo sa gilid, minsan naman ay nilalaro ang golden retriever niya.

Naiintindihan ko iyon dahil totoong palagi siyang kinukumpara kay Hyacinth, kahit sa maliliit na detalye sa kanya ay nakikita pa ng kapamilya at nagagawa pang punahin. They like Hyacinth more, I'm sure of that. But there's nothing to hate about Adrielle. She's kind, sweet, bubbly, soft-spoken but also confident. Nawawala nga lang ang confidence na iyon sa tuwing kaharap na ang pamilya, pakiramdam ay laging mayroong mas magaling sa kanya.

But I saw her strength. Isang araw at nakausap ko siya sa bakuran, habang nakikipag laro siya sa aso.

"Apollo, catch!" she laughed.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked the obvious.

Lumingon siya at ngumiti. "Uh, nilalaro ko lang si Apollo." tipid niyang sagot.

Tumango tango ako at naupo sa katapat niyang sun lounger.

"What's your dream, Adrielle?" seryoso kong tanong.

Mabilis siyang napatingin sa akin at nawala ang ngiting dala ni Apollo. Kumunot kaagad ang noo.

"Adrielle?" she chuckled. "Ikaw lang ang tumawag niyan sa akin." she smiled and looked down.

"Bagay sayo ang pangalan na 'yon." humilig ako sa sun lounger. "Anong pangarap mo." I asked again.

As far as I know, her parents wants her to be a lawyer. Iyon ang madalas pag usapan sa hapag tuwing napupunta kay Adrielle ang atensyon ng mga magulang.

"Flight Attendant." she said. "I wanna fly the world." she laughed like it's a joke.

Seryoso kong tiningnan ang kanyang mata, there's no humor in it.

"But, it's impossible... Ayaw nila Mommy na ganoon ang kuhanin ko."

Dama kaagad ang lungkot sa boses niya.

"Do what makes you happy," I said softly. "Buhay mo 'yan, kaya dapat ikaw ang nagsedesisyon." I smiled to lighten the mood.

"I will. Kung kailangan kong sumuway ay gagawin ko para sa pangarap." she smiled. "Kaso baka hindi ako pag aralin kung malaman na iyon ang kursong gusto ko."

She's really strong-willed. And I guess I can help with her education?

"Babe, saan tayo?" Hyacinth asked.

Hyacinth, compared to Adrielle, is more controlled by her parents. Simula pagkabata, lahat ng gusto ng magulang at iyon ang sinusunod. Kahit maliit na bagay, katulad ng damit na isusuot, kakainin, ay ang kanyang Mommy ang nagdedesisyon.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon