Chapter 10

6 0 0
                                    

Good bye

"Anong meron at nagpunta pa tayo rito para mag dinner, Prim?" Daddy asked.

"Uh, ipapakilala ko po ang boyfriend ko." I said.

"Nagkaroon ka ng boyfriend na hindi man lang namin nalalaman na may manliligaw ka?" si Mommy.

"Mom, makikilala niyo rin naman po siya, maya maya po."

Umupo kami sa kanya kanyang upuan. Simula pa lang ng dinner ay may tensyon na kaagad dahil hindi nila alam na may manliligaw pala ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may manliligaw ka, Prim? Hindi man lamang nakilatis iyan. Baka mamaya ay hindi matino, I don't trust your taste, Prim." si Mommy.

Kasama pa ni Ate si Cairo. Family dinner ito, bakit kasama niya si Cairo? Simula pa lang ay alam ko na, this dinner will be very awkward for everyine. Especially Laurent and me.

Napapikit ako at huminga nang malalim. Nilingon ko ang pinto at sakto ang pag pasok ni Laurent doon. Mabilis niya akong nakita at agad siyang lumapit sa akin. Nang makalapit na ay hinalikan ang aking buhok at hinawakan ang likod. "You look beautiful." he whispered.

"Good evening, Sir, Ma'am." sabi niya at lumipat ang tingin kay Ate. "Hyacinth." he smiled.

Tipid akong ngumiti at tumingin kay Mommy at Daddy. Parehong nakakunot ang noo at naguguluhan sa nangyayari.

"What the hell is this, Primrose?" bumaling si Ate Hyacinth sa akin.

"Mom, Dad, Ate. Si Laurent po, boyfriend ko." kabado kong sabi.

"Primrose, ano 'to? He is your sister's ex boyfriend." matigas na sagot ni Daddy.

"Dad, I know but-"

"Primrose! Ano ba? Wala kang respeto sa kapatid mo? Ex boyfriend ng Ate mo ang boyfriend mo ngayon! Ikaw ba ang dahilan ng break up nila?" paratang ni Mommy.

"Baby..." hinagod ni Laurent ang likod ko.

"What? Mom, no!" sabi ko at tumingin kay Ate na nakakunot ang noo ngayon. "Mom, please. Tanggapin niyo na lang po na-"

"Primrose! Nakakahiya ka talaga!" sigaw ni Daddy.

"Dad, wag naman po tayong gumawa ng scene rito sa restaurant, nakakahiya po. Please. Kumalma muna po kayo." pagmamakaawa ko.

Sabay na tumayo si Mommy at Daddy kaya tumayo rin kaagad ako at lumapit sa kanila.

"Sana naisip mo 'yan bago mo ipinakilalang boyfriend ang dating kasintahan ng kapatid mo!" Daddy shouted.

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy. "Mom, please. Hear me out first, please, Mom?" naiiyak kong sambit.

Binitiwan ni Mommy ang kamay ko. "Prim, are you a bitch? A mistress? For goodness' sake! Ex boyfriend siya ng Ate mo! Nakakahiya, Primrose." nagtagis ang bagang niya. "Nakakahiya ka."

Narinig ko ang tunog ng upuan nang tumayo si Laurent at lumapit din sa akin. Sinubukan ko uling kuhanin ang kamay ni Mommy. This time, I knelt in front of her.

"Mom, please po. Please, Daddy, pakinggan niyo lang ako. Tanggapin niyo lang kami." I pleaded.

Pilit akong itinatayo ni Laurent mula sa pag luhod pero hindi ako tumatayo.

"Tumayo ka, Primrose! Mukha kang tanga!" si Mommy.

Wala na akong pakialam sa mga taong nanunuod sa loob ng restaurant. Halos lahat sila ay nakatingin na, ramdam ko iyon pero wala na akong pakialam.

"Let's go, Alice." Dad said.

"Dad! Please naman po." I pleaded more.

"You are truly a disgrace to this family. You don't deserve our surname, Primrose." sabi ni Dad at iginiya si Mommy palabas ng restaurant.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon