Chapter 6

10 0 0
                                    

Sundo

Our classes and training went on smoothly. Masayang masaya ako na matataas ang gradong nakuha ko sa lahat ng subjects, kahit na alam kong hindi naman iyon ma aappreciate nila Mommy at Daddy.

I still have Nana Amor and Ate Jean to tell. They're always so proud of me. Lalo na si Nana Amor, she says she remembers her late daughter eveytime she sees me. Namatay ang anak niya noon pa lamang ten years old iyon, pangarap din sanang maging flight attendant pero naudlot nang dahil sa malubhang sakit.

That's before she worked with our family. At first, she thought Ate Hyacinth will be the living reminder of her daughter but she's not. Ate was the total opposite of her daughter, masiyahin daw at bibo ang anak niya at si Ate Hyacinth ay may pagka mahiyain. And when I was born, she had her hopes high for me.

Because unlike Ate Hyacinth, I am jolly. Bibo ako sa lahat ng bagay, ganoon din daw ang anak ni Nana Amor noon. Palaging kumakanta o sumasayaw, lalo pa raw niyang naalala ang anak nang malamang nabubuo sa munti kong isip na maging flight attendant din.

That's why she supported me, pakiramdam niya ay iyong anak niya ang sinusuportahan niya sa pangarap nito.

"Seryoso na ba talaga 'yan Primrose? Sigurado ka na dyan sa kukuhanin mong course?" Mommy said.

"Yes, Mom. Alam niyo naman pong pangarap ko na 'to noon pa." I answered.

"Better pass all your subjects for four years, ayokong babagsak ka, kahihiyan pa iyon sa pamilya." si Dad.

Tumungo ako at tumikhim. "Yes po,"

Ngayong araw magppresent kami ng demo kung papaano ang gagawin mung sakaling magkaroon ng emergency sa eroplano.

Ipapakita namin kung paano gawin ang first aid, isa isa. Magsisilbi iyong final exam namin.

Hinawakan ko ang aking leeg at napagtanto kong wala roon ang kwintas. Palagi ko iyong hinahawakan sa tuwing kinakabahan ako, at ngayon wala iyon dito.

Five days na ang nakalipas sa linggong ito, simula noong gabi ng party ay hindi ko pa nakikota ulit si Laurent. Hindi niya pa naibabalik sa akin ang kwintas. Ibabalik niya pa kaya 'yon?

"Quintana, Primrose." tawag ni Sir Franz.

Natapos ang demo, everyone did well. Tuwang tuwa ang professor namin sa ipinakita naming performance.

Itinext ko ang driver namin para sabihin pauwi na ako. Mabilis siyang nagreply sa akin at sinabing hindi niya ako masusundo ngayon dahil may iniutos sa kanya si Daddy. What? E paano ako makakauwi?

I've never tried to commute, all my life. Hindi ako pinapayagan at the same time, natatakot ako. Also, hindi ako nagdadala ng kahit anong cash sa akin, just coins and credit cards. Paano ako mag cocommute kung ganito? Sa tingin ko, hindi kakasya ang coins ko para makauwi sa amin.

Nakaupo ako sa upuang nasa ilalim ng puno. Iniisip kung paano ako uuwi ngayon. Ivy and Nala went home already, pinauna ko na sila dahil gaya ng tradisyon ay susunduin nga ako ng driver namin.

Muli kong hinawakan ang aking leeg. Shit, wala nga yung kwintas, Prim.

Kinuha ko ang wallet ko at binilang ang mga baryang naroon. Ten, fifteen, sixteen. Sixteen pesos lang na puro piso pa! Paano na ako nito?

"Adrielle." a man called.

Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. It was Laurent.

"A-Anong ginagawa mo rito?" I asked.

"I'm taking you home." he said.

"U-Uh," balak ko pa sanag tumanggi dahil sa tingin ko ay magiging awkward para sa aming dalawa ang oras na nasa loob kami ng sasakyan.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon