Chapter 15

3 0 0
                                    

Break Up

"Prim, Oh my gosh! What the hell happened?!" nagpapanic na tanong ni Ate.

Tulala lang ako sa sasakyan. Hindi pa kami umaalis sa lugar at nakatigil lang iyon doon. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak, hindi tumitigil sa pagbagsak ang mga luha.

Lumapit si Ate sa akin at niyakap ako. I didn't hug her back. Nanatiling ganoon ang posisyon ko. Nang matapos ang yakap ay pinaandar niya na ang sasakyan.

"Nasan si Lau? Bakit hindi ka niya sinundo? Sa bahay ka ba uuwi?" she asked.

Umiling kaagad ako. Ayokong umuwi roon, baka mamaya ay pagtawanan pa ako nila Mommy at Daddy kapag nalamang ganito ang sinapit ko.

"Nasaan si Laurent?"

I don't know. Wala akong alam sa kanya ngayon.

Panigurado kapag nalaman nila Mommy ang nangyari ay sasabihin nila sa akin na ito na nga ba ang sinasabi nila. Dahil hindi ako marunong makinig, kaya hanito ang nangyayari sa akin.

"Hindi ako sa bahay uuwi. Sa condo ni Laurent mo na lang ako ihatid." I said.

She sighed. Tumango siya at hindi na nagsalita. Buong byahe ay tahimik lang kaming pareho, tanging ang kanta lang sa radyo ang naririnig sa buong sasakyan.

Nakatulog din ako, sobrang pagod ang naramdaman ko. Physically, mentally and emotionally. Sa halo halong bagay, sa dami ng nangyari sa araw na ito. Nagising lang ako nang maingay na tumunog ang phone ko kasabay ng vibration dahil sa sunod sunod na text messages.

Binuksan ko ang message, galing iyon sa unknown number.

Parang napunit ang puso ko nang makita ang picture ni Laurent na nakabukas ang unang tatlong butones ng long sleeve shirt, nakapikit at nakangisi habang nakaupo sa sofa. Mayroong babae na nakakandong sa harap niya pero hindi iyon kita dahil nakatalikod siya.

Napahawak ako sa kwintas na nakasabit sa aking dibdib. Halos mabaliw ako nang mapagtanto kung sino ang babaeng nasa picture. Baka naman hindi, Prim. Siguro, kamukha lang.

Trust in him, Prim.

"Prim?" si Ate. "Who texted you?"

Tumulo ang luha ko. Sobrang sakit na ng puso at naninikip na ang dibdib ko.

Sa higpit ng hawak ko sa kwintas ay nasasaktan na ang kamay ko sa matutulis na edges ng pendant.

Hindi ko siya pinansin at binuksan ko ang isa pang picture. Sa pangalawang litrato ay nakadila ang babae sa clavicle ni Laurent na mayroong asin, may dala ring shot glass ang babae habang ang isang braso ay nakayakap kay Laurent.

Nag bobody shot sila.   

Putangina, Laurent. Kaya ba hindi ka sumasagot, dahil dito?

My heart was shattered into pieces when I saw the last picture. In the third picture, Vera is sticking out her tounge while kissing Laurent. Habang si Laurent ay nakangiti at namumungay ang mga mata.

It's like déjà vu, na kung anong nangyari kay Laurent at Ate noon, ako naman ang dumadanas ngayon.

"Prim, are you sure you're okay? Andito na tayo." tanong ni Ate.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang nakaparada na ang sasakyan sa labas ng entrance ng condo.

Tumango ako at binuksan ang pinto.

"Wag na sanang makarating kina Mom ito, Ate." I smiled and went out of the car.

Kinuha ko ang maleta sa likod na upuan. Lumabas din si Ate sa sasakyan at niyakap ako.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon