Chapter 9

6 0 0
                                    

Bittersweet

"I don't know, hindi ko alam kung... papaano ka ipapakilala kila Mommy. Kilala ka na nga e, natatakot ako, Lau." I said.

"We'll figure this out okay?" sabi niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Things went okay simula noong birthday ni Laurent, his family accepted me and it made me so glad. Laurent is my first boyfriend, masayang masaya ako sa gabing iyon.

Kung noong una ay medyo reserved si Tita Eleanor, noong kalagitnaan ng dinner naman ay nakilala ko na siya. She's actually jolly, madaldal at palatawa. Sa una nga lang ay nakakatakot. Ang dami niyang tanong sa akin, iyon daw ang mga tanong na hindi niya masabi kay Ate Hyacinth noon.

Tahimik naman si Tito Herman sa dinner, ngumingiti ngiti lang sa mga napag uusapan namin. Kung magsasalita o magtatanong man ay tipid na tipid, pa isa isa lang ang mga tanong na para bang tinitreasure na maigi ang bawat salitang ilalabas ng labi.

Kuya Kaius is friendly too, medyo busy nga lang dahil naroon sa tabi ang asawa. He's a joker, iyon ang hindi ko inexpect sa kanya. Like Tita Eleanor, medyo madaldal din siya at palaging inaasar ang kapatid. He's a businessman and I thought he's a very serious one since ganoon naman talaga madalas ang mga entrepreneurs

Hindi naman pikon si Laurent pero minsan ay napapatahimik din pero mas madalas na inaasar niya pabalik ang kapatid.

Ate Gia, Kuya Kaius' wife is very beautiful, tahimik pero palangiti at palatawa. She's lovely. Halatang halata rin na mayaman siya, just her name screams elegance. The way she talks and acts, parang ang mahal mahal niya. Na para bang kung lalaitin niya ako ay ayos lang  She's like Ate Hyacinth but far better. Nagkukwento rin at kinakausap ako, kaya naman sa buong dinner na iyon ay tuwang tuwa ako. Hindi ko inexpect na ganoon ang kalalabasan ng first meeting namin ng pamilya ni Laurent.

We went out on dates, halos linggo linggo ay naglalaan kaming dalawa ng free time para sa isa't isa. Iyon nga lang kapag tumatapat na busy ako ay wala kaming nagagawa kundi magtext o mag tawagan na lang.

"Turn on the canera, I want to see you." he said.

Pinindot ko ang icon ng camera roon at ngumiti sa screen. "Hi!" kumaway ako.

I saw him smirk. "Damn," he said huskily. "You look good in bed."

"Shut up, Laurent."

Pumasok kami sa isang malaking library, hrabe ang tuwa ko nang makita ang sobrang daming libro noon. Mabilis kong hinanap ang mga romance novels dahil doon ako mahilig.

Kinuha ko ang isang makapal na libro at binasa iyon. Pwede kayang hiramin 'to? Kaso busy ako, baka mamaya matagalan ang pagsauli at akalaing ninakaw ko.

Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng camera ni Laurent. Huli ka.

"Talagang pipicturean mo ako nang nakatalikod?" I asked.

"Who said I took a picture of you?" pagsisinungaling niya.

I smirked. "Talaga lang ah? Patingin nga ako ng phone mo." sabi ko at lumapit.

"Okay, tingnan mo pa." inabot niya sa akin ang phone niya, binuksan ko iyon gamit ang finger print ko.

Nagbukas ang phone niya at bumungad doon ang picture ko na wallpaper niya. Wallpaper niya kaagad!

"Really, Lau?" I laughed. "Dito ka, pipicturean din kita. Gagawin ko ring wallpaper."

Noong una ay ayaw niya pa pero wala ring nagawa. Lumapit siya sa mga libro at kumuha ng isa. Nagkunwari siyang binabasa iyon habang ako ay panay ang pindot sa camera.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon