Chapter 7

8 0 0
                                    

Cheat

"Oh, Prim. Hindi ka raw kumain kagabi, Anak?" salubong ni Nana Amor.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Opo, wala po akong gana e. Pagod na po kasi." sabay tingin kay Ate na nasa hapag na.

Nakatingin din siya sa akin. Hindi ako kumain dahil jay Ate but I wasn't blaming her for it. Choice ko na hindi kumain dahil ayokong pag usapan ang nangyari kahapon.  Para sa akin ay wala iyong sense dahil wala naman talagang nangyayari.

Umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. I really need to stay away from Laurent, simula ngayon.

"It's not good for your health, Prim. Dapat ay kahit kaunti, kumakain ka parin kahit na pagod ka." si Mommy.

Is she concerned?

"Okay lang po, dadamihan ko na lang ang kain ngayon. Pero sige po, sa susunod." I replied.

We went through a lot of trainings these past two years. Sobra sobra ang natutunan ko sa school, kung ano anong bagay na tungkol sa eroplano, sa airport, pati mga bansa ay sinasaulo.

Tinuruan din kami mag aral ng ibang language na enjoy na enjoy naman ako.

"Grabe ang hirap noong Dutch, kung ano anong pinagsasabi. Ang hirap ipronounce ng ibang words." reklamo ni Ivy.

I spent most of my time reading books. Kung noon ay mahilig akong manuod ng movies kaysa magbasa ng libro, ngayon ay halos ubusin ko ang isang araw para lang magbasa ng libro.

My favorite book is Hamlet by William Shakespeare.

We spent two of our summer vacations in Venice, Italy and Palawan. Sa Italy, kung ano anong libro ang nabili ko. Kaya naman noong pauwi ay ang bigat ng bagahe dahil sa mga 'yon. Nagbayad pa ng fee dahil sa excess baggage.

Natatawa na lang ako nang namomroblema ang pamilya sa bagahe ko. As if they paid for it, syempre hindi. Akala ko nga noong una ay papagalitan pa ako sa airport o di kaya ay ipapaiwan doon. I'd rather be left in Italy, though. Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa mga libro.

Kung ano anong pictures din ang naipon namin, iba't ibang city ang pinuntahan namin sa Italy, kaya naman punong puno rin ang mga social media accounts ko ng mga pictures.

This is the most interesting vacation for me, siguro ay dahil hindi ko pa naaappreciate ang mga lugar na pinupuntahan namin noon.

Sa sobrang pag eenjoy ko sa bakasyon ay halos makalimutan ko na ang mga naiwan sa Pilipinas.

I was facing a window while thinking about the moments I treasure.

Apat na taon na akong may crush kay Laurent. Ganoon ako ka-tiyaga, kahit alam na walang pag asa ay crush ko pa rin siya. Wala namang problema roon, it's just a crush. Mawawala rin ito, hindi ko naman inaalis sa isipan na boyfriend siya ng Ate ko.

Ang tagal ko nang iniwasan si Laurent simula pa noong huli naming pagkikita. It was the right thing to do.

Nang makauwi sa Pilipinas, agad kong inasikaso ang mga requirements ko para sa fourth year ko sa college, this is my last year. Sobrang bilis ng mga pangyayari, there are things that happened unexpectedly.

Mid last year, Ate Hyacinth and Laurent broke up. Hindi malaman ang dahilan. Hindi ko rin alam kung bakit kasabay noon ay dumami ang manliligaw ko.

Third year college ako ay hindi ako makapaniwalang biglang pila ang gustong manligaw sa akin. I don't know why, maybe because they don't see my sister anymore inside the school? Or is it because I look like her that's why they're after me now?

Not minding that, Hindi ko alam kung bakit sila nag hiwalay, gulat na gulat pa ako nang malaman iyon. Kasi, parang imposible. Ilang taon na sila, pwede na ngang mag propose si Laurent sa tagal nila ni Ate.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon