Chapter 14

3 0 0
                                    

Angel

Wala akong ginagawa sa aiport habang nag iintay ng flight kaya naman kung ano ano pinagpipindot ko sa phone. Binuksan ko ang Facbook account ko at sinearch doon ang pangalan ni Vera.

Nakapatong ang isa kong braso sa handle ng maleta habang iniintay na mag load ang profile niya.

Vera Samson. Nakalagay sa bio niya na model daw siya at nakalagay ang e mail niya roon. Tiningnan ko ang mga profile pictures niya, halos lahat doon ay naka bikini.

Napairap ako sa bio niya, baka naman sa FHM magazine ka model.

Why are you bitter, Prim?

Fine. But without any bias, she's actually sexy and pretty, mukha nga lang masungit. Singkit, maputi at maigsi ang buhok.

She knows how to model clothes, specially swimsuits. Maraming likes ang profile pictures at ang mga comments ay mula sa mga kilalang model at artista. Iyong iba nga at mula sa mga agencies.

E bakit hindi ko siya kilala?

Friends sila ni Laurent at Gian sa Facebook. Siguro ay isinasama siya ni Laurent noon kapag may gala silang magttropa.

Sa wall ng account niya ay puro pictures na naka-tag sa kanya. Galing iyon sa mga maliliit na photographers.

Vera Samson x Pocholo | Summery Vibes. Iyon ang caption sa isang album. Tiningnan ko ang mga pictures niya sa album na iyon at ang isang picture, ni-like ni Laurent!

"Sino 'yan? Sexy ah!" si Ivy.

Halos napatalon ako sa gulat at mabilis na itinago ang phone sa likod. "Ivy! Oh my gosh," tumayo ako at niyakap siya.

"Na-miss ko kayo, nasaan si Nala? Hindi tayo masyadong nagkikita rito, nakakainis."

"Oo nga e, nasa loob pa. Nag lulunch pa siya." I said.

"Oh, e sino 'yang tinitingnan mo sa cellphone?" sabi niya at itinuro ang kamay kong may dala ng phone.

"Uh, w-wala." sabi ko at pinatay ang phone. "Model, tinitingnan ko lang."

"Bakit? Wag mong sabihin na naiinsecure ka dyan? Aba, Primrose, masyado kang maganda para mainsecure dyan ah. E sino ba 'yan? Patingin nga ako!" mabilis na kinuha ni Ivy ang phone sa kamay ko.

"Huy! Ivy ano ka ba, wala lang nakita ko lang sa timeline ko 'yan!" I lied.

Nabuksan niya ang phone ko dahil alam niya ang passcode noon. "Really? Nakita lang sa wall pero narito ka sa mismong profile, naku! Sino 'to ha?" usisa niya.

"Uh, dating fling ni Laurent." mahina kong sagot.

"What the, really?" bumaling siya sa akin at tumingin ulit sa phone. "Sexy ah." she laughed. "Joke lang, Prim! Mas maganda ka pa rito, at mas sexy din ah. Wag kang mag alala, hindi ka naman ipagpapalit ni Laurent dito."

"You think so?" I said.

"You think so?!" ulit niya sa sinabi ko.

Nawawalan ako ng confidence. Hindi ko na niloko pa ang sarili, Vera is beautiful. Kurbang kurba ang katawan, makinis at maputi. Ganito ata ang type ni Laurent na babae, not like me.

"Are you jealous? Tingin mo talaga ipagpapalit ka?" lumapit si Ivy sa akin at ngayon ay nakatitig na sa mata ko.

"I-I don't, pero when you take a look at it. Kung ganyang klase ng babae ang nakakahubilo ni Lau... a-ang layo kasi ng personality ko kumpara sa kanila." tipid akong ngumiti nang masabi ang nasa isip.

"Gosh, Prim! Ang ganda ganda mo, okay? And you're you, your personality is unique. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Wag mong alalahanin 'yan ha. Ikaw ang mahal ni Laurent, tulad nga ng sabi mo. Dating fling lang 'yan."

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon