Chapter 17

5 0 0
                                    

Forgiveness

Pangalawang linggo ko na ito sa condo. Hindi ko na alam kung aalis pa ba ako rito, wala akong oras na humanap pa ng ibang lugar na lilipatan.

Nagising ako sa sunod sunod na mga katok sa aking pinto. Who could it be? Gabing gabi na ay kumakatok pa sa pintuan ko.

Lumapit ako sa pinto at sumilip sa peephole noon. Walang tao sa labas. Maya maya pa ay may kumatok ulit pero hindi ko makita kung sino iyon.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Natigilan ako nang makita ko si Laurent na nakasandal sa gilid ng pinto ko. Fuck!

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumasok sa unit pero nang isasara ko na ang pinto ay ihinarang niya ang braso roon at naitulak niya kaagad and pinto para buksan. Naitulak niya rin ako papasok sa unit. Shit.

Matagumpay siyang nakapasok sa condo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

"I came here to see you." lumapit siya sa akin.

Namumungay ang mga malulungkot niyang mata. Sinubukan niya akong abutin pero lumayo kaagad ako sa kanya. Ano bang ginagawa niya?

"Umalis ka na, the feeling isn't mutual, ayokong makita ka." seryoso kong sagot.

"Babe, what's the problem?" patuloy pa rin siya sa pag lapit sa akin.

"Laurent! Utang na loob, umalis ka na."

"Prim, dalawang linggo na kitang hinahanap. What happened? Your texts..."

"Paano mo ako nahanap? Paano mo nalamang andito ako?"

"Is it important? Bakit ayaw mong magpakita, Prim?"

Umupo ako sa sofa at napairap sa sinabi niya. At least, hindi siya tinulungan ni Adie na mahanap ako.

"Ang dami mong sinasabi. Tapos ka na? Pwede ka nang umalis." I said ruthlessly.

"Let us talk, please." nagsusumamo ang tinig niya.

"Wala na tayong dapat pag usapan. Break na tayo, at bakit wala ka sa Thailand ngayon? Hindi mo sinamahan ang bago mo?" I scoffed and opened the television for some distraction.

"Thailand? Anong gagawin ko roon kung nandito ka?"

Wow! Ang galing naman talagang mag sinungaling.

"Can we please cut the bull, Laurent? Kung puro kasinungalingan lang ang lalabas dyan sa bibig mo ay umalis ka na. Wala akong oras para makinig sayo." tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto, bago ko maisara ang pinto ay naiharang niya na ang kamay roon kaya hindi ko naituloy.

Ang hilig niyang ipitin ang katawan niya sa pinto.

Umirap ako at umupo sa kama.

"What happened to you that night? You texted me. I'm sorry, I fucked up."

Napatigalgal ako sa kanya. Halos matawa ako sa tanong niya sa akin. So he cares, huh?

"Kalimutan mo na ang gabing 'yon, I'm trying too hard to forget it and so should you."

"What really happened?" sinubukan niyang lumapit sa akin pero kaagad akong lumayo.

"What happened to you, Laurent?" kinuha ko ang aking phone at nag browse sa mga text mesaages at ibinato sa kanya ang cellphone. "Pagkatapos mong tingnan 'yan, umalis ka na. Hindi ako makikinig sa mga sasabihin mo." I said.

Lito siyang tumingin sa akin siguro ay dahil sa inaasal ko ngayon. He sighed depply before getting the phone. "What the... fuck." he whispered while looking at the pictures. "Hindi ko 'to alam, Adrielle. Makinig ka muna sakin."

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon