Chapter 12

2 0 0
                                    

Seatbelts

Maaga akong nagising para sa training. This is our last day at pinagsusuot lang kami ng casual attire. Sabi ni Laurent, pwede ko raw ilagay ang mga gamit ko roon sa kwarto.

Halos kumpleto ng gamit ang kwarto niya. May maliit na table at salamin, pati wardrobe. Sa table inilagay ko ang dalawang jar ng bulaklak at ang ilang makeup ko at hygiene kit.

Ang mga damit ay nakalagay na din sa wardrobe. Kumuha ako ng isang itim na polo shirt at faded pants. Suot suot ko ang isang puting sneakers at naka-bun ang buhok.

"Ihahatid kita sa training, anong oras ka kailangan doon?" tanong ni Lau.

Nakahilig siya sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.

"Alas diyez pa naman, maaga pa." sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap.

Ginawa niya nang routine ang pagkuha ng seat belt sa gilid ko, siya ang palaging nagsusuot noon sa akin.

"Baka naman masanay ako na ikaw ang kumukuha niyan para sa akin? Paano pag nag break tayo?" I joked.

Natigilan siya sa sinabi ko at mabilis na kumunot ang noo. Oh shit, bad joke.

"What?" sabi niya habang titig na titig sa mata ko.

"I'm just kidding, pero totoo naman. Laging ikaw ang kumukuha ng seat belt. Baka makalimutan ko na kung paano gamitin 'yan." I chuckled to lighten the mood.

"Hindi tayo magbibreak." he said and locked the seat door. "Gusto mong may ibang kukuha ng seatbelts mo?"

Nanlaki ang mata ko. "I'm just kidding! And we're not breaking up." I laughed.

Hindi naman talaga. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Mamaya ay mag away pa kaming dalawa.

"Good morning, Prim! Hindi ka masyadong nagrereply sa group chat natin kagabi ah? Busy ka?" Ivy hugged me.

"Uh, oo medyo pagod e..." I said.

"Pinagod ka ni Laurent?" Nala laughed.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo ako, Nala." I said.

"Jusko, sa gwapo noong boyfriend mo Prim, matatanggihan mo ba 'yon kung sakaling humiling?"

Feeling ko nahaharass ako sa topic naming ito.

"Alam niyo, pumasok na tayo. Baka ma-late tayo nyan e. Last day na, mamaya hindi tayo maka graduate." sabi ko at hinila ang dalawa papasok.

"What? It's true! Jusko mala Hercules ang jowa, kung ganyan ang jowa ko ay baka hindi na rin ako makapag reply sa group chat natin. Mag deactivate pa ng Facebook." nakakahiyang tugon ni Nala.

Nagtawanan silang dalawa ni Ivy samantalang ako ay namumula na at nahihiya sa sensitibong topic.

"Sa tingin mo naman makakahanap ka ng gabyang kaguwapong jowa ha Nala? Tingin mo lang 'yon." panunuya ni Ivy.

"Ang kapal ng pagmumukha mo Cecilia Ivy!"

Pag pasok sa venue ay pansin kong ayos na ayos 'yon. Hindi katulad ng usual na ayos kapag training, mayroon pang mga pagkain na nakalatag sa long tables.

"Celebration 'to?" si Ivy.

"Sa tingin ko rin, dahil last day na natin."

Napansin kong lumapit sa akin ang isa sa mga lalaking trainor namin.

"Primrose." he said.

"Sir Franz, hello po." I smiled.

Napaubo si Ivy at Nala sa gilid ko. "Uhm, upo na kami Prim ha."

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon