Chapter 18

5 0 0
                                    

Whispers

Kumatok ako sa pinto ni Laurent. Matagal ko nang naisauli ang key card niya noong ibinalik ko ang hanger na kinuha ko. Inilapag ko ang key card kung saan ko inilagay ang kwintas noon pero wala na 'yon doon.

Tumunog ang pinto hudyat na binuksan iyon. I smiled when I saw Laurent, nagulat pa siyang makita ako sa harap ng unit niya.

"Hey. Come in." nilakihan niya ang bukas ng pinto at pumasok ako roon. "Uh, drinks?"

Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng baso saka nagbukas ng ref.

"Pineapple juice na lang, hindi rin naman ako magtatagal." sabi ko bago umupo sa sofa at nilibit ang paningin sa unit.

Tumango siya at nagmamadaling magsalin ng juice. Lumapit siya sa akin at inabot iyon, uminom din siya ng sa kanya habang nakatayo at nakatingin sa akin. Nasesense ko na kinakabahan siya kaya hindi na ako nagpaliguy ligoy pa.

"Gusto ko lang sanang itanong kung ikaw ba ang dahilan kung bakit natanggal si Robyn sa trabaho?" pagkatapos ay uminom ako ng juice.

"Let me explain-"

"Thank you, Lau." ngumiti ako at inilapag ang baso sa glass table. "Hindi na dapat ako magrereklamo tungkol doon, akala ko kasi wala rin namang mangyayari dahil wala naman akong ebidensya. Turns out, marami palang katulad ko kaya... salamat." nag iwas ako ng tingin.

Umupo siya sa harap ko at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit.

"Anything for you." he whispered.

"Paano mo pala nagawa 'yon?" I asked.

"I have... connections." I know.

Ilang minuto rin kaming natahimik bago ako nagsalita. "I just want to say sorry too. I'm sorry kung ikaw ang sinisi ko noong gabing iyon at kung hindi kita pinakinggan sa mga explanations mo." tumungo ako at mabilis na sumulyap sa kanya.

Tumango siya. "Vera is in jail now." he said softly.

My eyes widened with what he said. Hindi ako makapaniwala roon. Ipinakulong niya talaga si Vera? Napatingin ako sa kanya at siya naman ang nag iwas ng tingin at tumungo, nakatingin sa mga kamay naming dalawa.

Lumapit ako at niyakap siya. I want to feel his warmth. Miss na miss ko na siya at mahal na mahal ko pa rin siya.

"Take me back, Baby. Please..." he said.

I smiled bitterly. Hindi ko alam kung kaya ko na.

"Give me more time, Lau. I love you and I will always do. Tandaan mo 'yan, at kung sakaling hindi tayo sa huli. Please know that I'm thankful for having you kahit sandali lang iyon." I said softly.

Binitiwan ko siya at tumayo na para lumabas na sa unit. Hindi ko na rin siya tiningnan pa pabalik. Hindi ako umiyak, I'm proud of myself.

I love gim ofcourse, sa kanya ako unang nainlove at siya ang unang lalaki na nagmahal sa akin. Ofcourse it wouldn't be ghat easy to let him go, iyon nga labg ay talagang punong puno na ako. A lot of things happened in such a short period of time and it's too hard for me to go along with it.

Masyadong traumatizing ang nangyari sa akin at hindi ko alam kung kailan ako makakaget over doon.

The next day, I went home with petals scattered all around my condo unit. Ano 'to?

Ang kusina ay maayos na naka set up at medyo madilim sa buong lugar. Tanging ang scented candles lang sa mesa ang ilaw.

Kinapa ko kaagad ang bukasan ng ilaw at binuhay iyon. Nang lumiwanag na ay nakita ko si Laurent na nakatayo sa mesa. Aatakihin ako sa puso nito dahil sa kanya e.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon