Chapter 16

4 0 0
                                    

Flight

Tumunog ang alarm ng phone ko. Bumangon ako at naghilamos, narealize ko na wala nga pala akong pagkain dito. Siguro mamaya ay magpupunta na lang ako sa grocery.

Nag vibrate ang phone ko sa counter bar ng kusina. Tumatawag si Ate sa akin. Shit, sinabi niya ba kina Dad ang nangyari?

"Hello?" inilagay ko sa loud speaker ang tawag.

"Prim! How are you? Hindi ka ba umuwi sa condo ni Laurent? Prim, may mga police rito sa bahay kanina, nag report daw si Laurent na nawawala ka. Nagpunta siya rito kasama ang pulis."

What the hell?

"Ate, andito lang ako sa condo. Pero hindi ako sa unit niya nakacheck in ngayon, please wag mong sasabihin kay Laurent kung nasaan ako." kabado kong sagot.

"What? Nag aalala sila Mom at Dad sayo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kanina. Are you sure you're okay? Atsaka ano bang nangyari, nag away kayo? Bakit hindi ka roon sa unit niya umuwi?" sunod sunod na tanong ni Ate.

"Is he still there?" I asked.

Ate sighed. "No, umalis na kanina pero nagpapa-update sakin kung uuwi ka o kung macontact kita."

Nag aalala sila Mom, really? Halos matawa ako roon. Parang napaka imposible atang mangyari noon.

"I'm fine, Ate. Sa susunod ko na lang ikukwento, masyadong mahaba para pag usapan sa telepono. Tell Mom and Dad, they should not worry about me." just like what they do all the time.

"I have time, Prim."

"Ate, ayoko pa munang pag usapan. Sige na, kakain lang ako." I said.

"Okay, mag ingat ka. Kung may kailangan ka Prim, sabihin mo lang.."

"Wait, Ate! Uh, pwede bang ipamili mo ako ng groceries ngayon? Feeling ko kasi hindi ako makakalabas, baka makita kaagad ako ni Laurent. I'll just send the payment online."

"Sure, free ako ngayon. No meed to pay me, Prim. Pero paano kong dadalhin dyan?"

"Ipaiwan mo na lang sa lobby, ako na ang bahala. Isesend ko na lang sayo ang listahan ng bibilhin, salamat." sabi ko at ibinaba ang tawag.

Kinuha ko ang telepeno at idinial ang number sa lobby. Nag order ako ng breakfast, nag request na rin ako ng details tungkol sa babayaran kong bills dito sa condo.

Dumating ang breakfast sa labas ng unit ko, nasa tapat na ng pinto ang nagdeliver. Binuksan ko iyon at mabilis na kinuha ang pagkain.

Habang kumakain ay naglilista ako ng mga kailangan sa condo, ang dami na noong nasa listahan ko dahil wala talaga akong gamit dito. Parang napalayas na naman tuloy ako.

Isinend ko kay Ate ang listahan ng mga kailangan. Nanunuod na ako ng TV nang makareceive ng tawag mula kay Adie.

"Hi." tipid kong bati.

"Hello, Prim! Oh my goodness, buti sumagot ka. A-Are you okay? Nasaan ka? Sabi ni Laurent nawawala ka raw? Nag report na siya sa police, magkasama kami ngayon do you want to talk to him?" natatarantang tanong ni Adie.

Mariin akong napapikit at napahawak sa sentido. Dapat pala ay hindi ko na sinagot ang tawag ni Adie. Baka mamaya malaman pa ni Laurent na na contact ako ni Adie.

"No, no, Adie. Nasa labas ka ba? Wag mong ipaalam na nakausap mo ako, please?" I said.

"H-Huh? Why not, alalang alala siya sayo, Prim..."

"Ayoko lang, sige na." sabi ko at agad na ibinaba ang tawag.

Sa susunod na tawag ni Adie, baka hindi ko na 'yon sagutin. Kabado ako lalo na't kasama niya si Laurent ngayon, sana lang ay hindi niya sabihin na nakausap niya ako.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon