Chapter 8

7 0 0
                                    

Family

"Hindi ka pa magbboyfriend, Prim? Jusko, sa ganda mong 'yan ikaw pa ang single sa ating tatlo?" si Ivy.

"Masyado mo naman akong nilait niyan! Ikaw lang naman ang hindi kagandahan sating tatlo, si Prm nga lang ang pinaka pinagpala." sagot ni Nala.

Mabilis na kumuha ng unan si Ivy at ibinato kay Nala. "Kung makalait ka sakin ha! May jowa naman ako." she laughed.

Natawa na lang ako sa pinag uusapan naming tatlo. "Malapit na akong magka-boyfriend." I said without looking at them.

Natigilan din naman ako sa nasabi, wow naman, Prim?

"Talaga lang, Prim? E nagsisimula pa nga lang magpahayag ng nararamdaman ang manliligaw ay iniiwasan mo na? Paano kang magkakaroon ng boyfriend niyan?"

Nakatingin ako sa librong binabasa, I am reading Romeo and Juliet by William Shakespeare. Another lovestory to fulfill my fantasies.

Halos maramdaman ko ang paglaki ng mata nilang dalawa. "May manliligaw ka!?" usisa ni Nala.

"Bakit hindi mo alam?" tanong ni Ivy.

Tumango ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa libro.

"Go wisely and slowly. Those who rush stumble and fall."

It's true, maraming hindi magagandang bagay ang nangyayari sa taong nagmamadali.

Hindi ko alam kung kailan ko sasagutin si Laurent. Limang buwan na siyang nanliligaw sa akin simula pa noong graduation namin. No one knows, ako lang. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa pamilya ko na ang ex ni Ate Hyacinth ay nililigawan ang kapatid niya.

Ang maybe, I should make him wait too?

I am scared. But at the same time, it is a dream come true. My fantasies about Laurent will all be fulfilled.

"Congratulations, sister! Job well done." Hyacinth smiled.

Inabot niya ang isang paper bag sa akin. "Gift namin ni Cairo." she said.

I smiled and hugged her. "Thank you, Ate!" ngumiti rin ako sa kay Cairo na nasa likod niya.

"Congratulations, Prim. You really did well," sabi ni Dad habang inililibot ang mata sa venue ng graduation.

Inabot ni Mommy ang isang maliit na itim na pouch sa akin bago ngumiti. "Gift namin ng Daddy mo. Congrats, Anak." she said.

Wow. I was shocked, hindi ko na matandaan kung kailan niya ako huling tinawag na "Anak."

Primrose Adrielle F. Quintana, Bachelor of Science in Tourism, Summa Cum Laude.

My two other friends graduated Cum Laude, marami pa kaming pagdadaanang trainings, hindi pa ganoon kalapit pero malaki ang posibilidad na maabot ang pangarap.

"Salamat po, Dad. Upo na po kayo. Pupunta na po ako sa upuan ko." sabi ko at umalis na roon.

"Prim, Nala, shet! Graduate na tayo, salamat sa Diyos talaga!" Ivy said.

Nagyakapan pa muna kaming tatlo bago umupo.

Sobrang saya ng araw na ito, after the graduation ceremony, nagpunta pa kami sa isang restaurant at doon nag dinner. Noong una ay hesitant pa ako dahil hindi makakasama ang mga kasambahay namin pero nag promise si Mommy na magkakaroon ulit kami ng celebration sa bahay.

"Congratulations, Anak!" Nana hugged me. "Pasensya na at ito lang ang regalo ko ha?" she said.

"Nana! Ano ba kayo, nag abala pa po kayo. Salamat po!" kinuha ko ang dala niyang box.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon