Chapter 3

5 0 0
                                    

Broken

"Apollo, come here!" tawag ko sa aking aso.

Mabilis na tumakbo papunta si Apollo sa akin at humiga sa aking harapan. Nakaluhod ako ngayon sa damo sa bakuran habang nilalaru laro siya.

"How are you little boy?" hinaplos ko ang kanyang balahibo.

"Prim, ano 'yong bulaklak sa kwarto mo?"

Mabilis akong nanlamig nang marinig ang sigaw ni Ate. Hindi ko pa masyading narinig iyon, siguro ay nasa sala siya kaya ganoon.

Kaagad na hinanap ng aking mga mata si Ate Jean. Mabilis akong tumayo at iniwan si Apollo para puntahan si Ate Jean sa kusina.

"Ate Jean, wag mong sasabihin kahit kanino kung sino ang nagbigay noong bulaklak ha?" I said

"O sige. Alam mo namang kakampi mo ako." she smirked.

I smiled at her too, relieved.

"Uh, bigay ng manliligaw ko." I shouted back.

"Wow, tumatanggap ka na pala ng manliligaw ngayon?" muntik ko nang marinig ang panunuya niya.

"Talaga, Prim? May manliligaw ka?" usisa ni Mommy.

"Hindi ko po pinapayayan, binigay lang ang bulaklak at tinaggap ko." I said and looked at Ate Jean.

Bahagya siyang napatawa sa sinabi ko kaya napangiti rin ako. Napansin ni Ate ang pagtawa ni Ate Jean kaya napatingin siya sa kanya.

"Schoolmate mo?" she asked.

Tumango ako. "Yeah." I lied.

Alangan namang sabihin ko na galing sa boyfriend niya?

"Lanta na ang bulaklak ah, bakit hindi mo pa itapon?" she asked again.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at napakurap kurap. Hindi ako nagsalita, wala akong maisagot doon. I'm treasuring the flower, ayoko na ngang itapon iyon, kahit lanta na ay gusto kong nakadisplay lang sa aking kwarto.

"Uh, gagamitin ko sa bullet journal bilang design.." I lied again. "Papasok na po ako, bye." I said when I finished eating.

Ngayong araw may iilan kaming training na gagawin. Uunahin ata ang swimming lesson.

"Mabuti ka pa, Prim. Marunong kang lumangoy. Kami ni Nala ay parang pusang ihinagis sa pool." si Ivy.

Tawang tawa ako sa sinabi niya. Ibang klase ring mag joke ang isang 'to.

"Kung gusto niyo, tuturuan ko kayo sa susunod. Doon tayo ulit sa bahay okay?" I said.

Muli kong nakita ang pag aalangan sa mukha nilang dalawa. They were thinking about my parents. Aware sila na hindi sila ganoon kagusto ni Daddy. Si Mom naman, hinayaan na rin ako sa desisyon when it comes to my friends. They were my friends, anong magagawa nila?

"Oh? Bat ganyan naman ang mukha niyo? Akala niyo kinaganda niyo 'yan?" I teased. "Pupunta kayo sa amin, wag niyong alalahanin ang pamilya ko, okay? Basta andon ako, ako ang bahala sa inyo." I said.

"Aba, bwisit ka! O sige, sa inyo ulit tayo sa Sabado at turuan mo kaming lumangoy. Ayokong magaya kay Ivy na ang pangit tingnan sa pool." Nala laughed.

"Ay ang kapal ng mukha! Akala mo kung sinong supermodel sa pool! Ganda ka?" Ivy fired back.

We laughed together, times like this are so precious for me. Kapag wala ako sa bahay ay sobrang saya ko. Wala naman kasi akong ibang naituturing na kaibigan doon kundi si Ate Jean lang at Nana Amor lang.

Buong araw ay pagod na pagod kami dahil sa pag langoy langoy. Halos lahat ng itinuro roon ay alam ko na rin naman.

Umupo ako sa benches na malapit sa pool at kinuha ang tuwalya. Binuhay ko ang aking cellphone at nakitang mayroong message si Ate Jean doon.

Fly High, AdrielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon