"Waaaaa!" Tili ni Nic nang matanawan niya ako agad ako nitong nilapitan at inakap ng pagkahigpit. "Loka hindi ako makahinga." Sabi ko rito kaya pinakawalan na niya ako at iginiya papunta sa table namin sa taas kung nasaan ang VIP tables.
"Ano ba yan nakakasilaw ka!" hinampas nito ang braso ko "Aba at may palikod ka pa" she said when she noticed that my dress was backless
"Nakakasilaw talaga ang ganda ko" pagmamayabang ko rito at tinignan siya
She was wearing a Black racerback na nakatuck-in sa kanyang cargo pants at pares ng boots
"Gandang nakakasilaw pero nakuhang iwan." Biro nito kaya matalim ko itong tinignan "Chill!" itinaas pa nito ang kanyang mga kamay
Nang makarating kami sa table ay nakita ko sina Reia, Ate Aicee, Queah, Shanielle at Jiandria.
"May patawag-tawag ka pang nalalaman eh kakabugin mo rin naman pala kami." Ani Reia na tinawanan naman nilang lahat. Aga.d ko naman itong tinignan mula ulo hanggang paa.
nakasuot ito ng blue cropped tube saka puting widel-leg pants at High heels na blue. She also wore hoop earrings na pwedeng-pwedeng paglambitinan ng ibon
Tumayo si Queah at iniabot sa kain ang shot glass "welcome shot?" alok nito na agad kong tinanggap.
Humagod agad sa lalamunan ko ang lasa ng alak nang maubos ang laman ng shot glass ay tumabi ako kay Reia.
"Oh wala ata kayong mga baon?" Ngisi ko sa kanila habang naka-padekwatro
Napairap sa akin si Shanielle, Queah at Reia habang sina Ate Aicee, Nicrina at Jiandra ay nakangisi sa akin.
"Hindi ka sure." ani Nicrina
tumaas lamang ang kilay ko sa narinig.
natatawang tumingin sa akin si Ate Aicee "Pasunod na yung akin. Nagpatulog lang."
"Wow... Under sayo." hindi makapaniwalang anas ko
she flipped her hair and laughed
"Awts... pag nagbaon kasi isang putahe lang." uminom mula sa baso niyang may Jager si Jia. "Pwede naman akong mamili d'yan sa baba iba-iba pa..." Natawa kami sa huli nitong sinabi
"Gusto pala ng buffet!" buyo ni Queah
umirap naman sa amin si Jia at tumayo matapos alisin ang cropped jacket na suot at tanging ang bralette lang nito ang natira.
"At least may natitikman ako di tulad mo." Ganti naman ng isa "Dancefloor lang ako."
"Wag ka nang magpaalam. Hindi ka rin naman namin sa dancefloor mahahanap." Sigaw naman ni Ate Aicee
natawa na lamang kami at hinayaang umalis si Jia
Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay habang umiinom nang may biglang dumating.
"Love!" Tumayo naman si Nic upang lapitan at yakapin ang bagong dating.
love?
humarap ito sa amin kasama ang lalaking mala-Adonis kung ngumiti.
makalaglag pan...
panga!
"Gals meet Cethiel, my boyfriend." anunsyo nito na nagpakunot ng noo naming lahat.
wait what?
Ngunit kahit nagtataka ay hindi na lamang kami nagtanong because that would be rude to her 'boyfriend'. We smiled at the guy and offered him a drink.
"Mga loka! Siya ang may-ari nitong place!" sigaw naman ni Nicrina
Cethiel chuckled and nodded his head. "I'll go downstairs my friends are there." paalam nito na nagpanguso kay Nic kaya hinalikan na lamang siya nito sa may sentido.
nang makaalis si Cethiel ay sabay-sabay kaming kumuha ng chicharon at ng kropek para ibato sa kanya.
"Waaah What the fuck?!" pabebe nitong sabi habang pinapagpagan ang sarili
hay she may have matured in the business but not with us.
"Gaga ka! What happened with you and Liedin?" humalukipkip si Reia
napairap naman si Nic at saka umupo sa tabi ni Ate Aicee at inakap ang baywang nito saka ngumuso. "Ate Aicee oh..." Nagsumbong ito na parang isang bata
tinawanan lamang ito ng huli at saka tinapik ang balikat
"Ano ngang nangyari?" usisa rin ni Ate Aicee kaya napa-ayos ng upo si Nic
sumadal ito saka nag-iwas ng tingin.
"He's my story for another time." lumapit ito sa table saka nagsalin ng Black Label sa kanyang baso.
Hindi na kami nagtanong pa at nagpatuloy nalang sa pag-iinom.
"Easy-han mo lang. Alam mo namang nag-e-alien language ka pag nalalasing." awat sa akin ni Reia nang makitang ika-sampung baso ko na.
"That's Ilokano duh and fyi sister my alcohol tolerance is higher than your grades." pagmamayabang ko rito at ininom ang alak.
"Hindi kita iuuwi pag nalasing ka." bulong nito
Tumayo naman si Ate Aicee matapos ubusin ang Jager sa baso niya "Let's dance!"
YOU ARE READING
Subscribe (Offer Offer duology #2)
Teen FictionToo many 'what ifs' and 'whys' and also secrets to be told, questions to be answered and revelations about to behold. Will Seila still hear the reason she craved for or is it too late to hear the other side of the coin? Read Free Trial before this f...