28

34 1 0
                                    

"Reia uuwian mo ako ng maraming Swiss miss ha?" Bilin ni Nicrina habang ka-facetime si reiajay sa kanyang cellphone

Natawa naman ako sa iniisip na pasalubong nito "Really?" Hindi makapaniwala ko itong inirapan. Kasalukuyan kaming nakatambay  sa Blend N' Blues ni Nicrina  matapos kumain ng agahan kanina habang kausap si Reiajay na nasa Switzerland naman

"Andaming Swiss Miss d'yan sa Pilipinas papabili ka pa sa akin!" Napapairap na ring sabi nito kay Nicrina "Ikaw nga itong pinakamayaman sa ating tatlo tapos ikaw hindi makabili ng Swiss Miss." tumikhim naman ito saka tumingin sa gawi ko "Ikaw anong gusto mo?" Tanong nito sa akin

"Toblerone?" Pabiro kong sabi ko at saka iyon binuntunan ng tawa. Napailing-iling nalang siya sa mga pinabibili namin ngunti bigla akong sumeryoso "Kidding aside, just get me a bag from Poon Switzerland. Kahit maliit lang, tell me the price isesend ko nalang sa bank account mo iyong pera." Sabi ko rito. God knows how much I want to buy from that shop!

"Wag na  ako na ang bibili  pasalubong nga di'ba?" She smiled warmly and I suddenly remembered something.

Ngumiti naman ako na kita ang lahat ng ngipin at nagtataka naman niya akong kinunutan ng noo. "What?" Nag-isa ang mga kilay nito

"Bakit ka sa Switzerland nagbakasyon?" Nakangisi kong tanong.  Nakita naman ng mga mata ko na bigla itong natigilan sa tanong ko

Nag-iwas ito ng tingin "Alam niyo naman na dream destination ko ang Switzerland." hindi makatinging anito

"Liar! Bakit hindi ka makatingin? Hindi ko alam kung bakit tinanong iyon ni Seila pero we know you're lying." Nakahalukipkip na sabi ni Nicrina

Sa lahat ng bagay na pwedeng mong gawin kay Nicrina isang bagay lang ang pinakaaayawan niyang gawin sa kanya ng isang tao and that's lying. Ayos lang rito ang loko-lokohin ngunit hindi sa paraang pagsisinungaling. She believes that it is a form of betreyal.

"Fine" Buntonghininga nito senyales ng kanyang pagsuko "I heard he's staying here at nagbakasyon lang siya sa Pilipinas noong huli ko siyang makita." Kwento nito na kumikibot na ang labi.

She just saw him recently. The day that she told me about that craniotomy. 

"Alam ko naman ang kakulangan ko..." May tumakas nang isang butil ng luha sa kanyang mga mata "Pero sapat ba iyon para iwan niya ako?" Suminghap ito ng hangin "Tangina, he has no idea on the troubles he brought me... I was almost sued!" She exclaimed tears are now streaming on her face "Pero kahit ganoon... it doesn't change the fact that he is the one and only dream left para sa sarili ko at heto at iniwan niya ako..."

 I was shocked  at the information na muntik na itong makasuhan. Gusto ko man itong tanungin ay hinayaan lang namin siyang maglabas ng sama ng loob

"Wait, you're almost what?" tanong muli ni Nicrina

"Gusto akong kasuhan noong pamilya ng namatay sa craniotomy ko..." And my hunches was confirmed "But good thing Ate Reijahn handled it. Hindi nila tinuloy ang kaso."

Bigla naman ay tumigil ang mga luha nito at napuno ng pagtataka ang mukha niya "How did you know he's here?" 

Ako naman ang nag-iwas ng tingin at wala sa oras na napalunok "I heard." 

ngunit biglang nagtanong si Nicrina "From?" taas kilay  nitong tanong nang salubungin ko ang mga tingin nito

"A friend." mahinang bulalas ko

"Sigurado kang sa kaibigan? Baka naman sa multo?" Tanong naman sa akin ni Reia 

Nakabukas na ang aking bibig at handa nang magsalita nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at bago ko pa man iyon makuha ay nasa kamay na iyon ni Nicrina.

"Multo nga." Pairap nitong iniabot ang cellphone ko matapos tignan ang notification 

"Kamusta naman pala iyong EK adventure niyo?" Rinig kong tanong ni Reiajay mula sa kabilang telepono ngunit hindi ko sinagot bagkus tinignan ang aking cellphone. Tinanong kasi ni Nicrina kung bakit daw gabi ko nang maihatid si Azaiah at nakatikim daw siya ng sermon kay Azrich.

Nakita kong text iyon ni Coelth sa notifications palang. We exchanged numbers noong nagpunta kaming Ek kahapon

I opened his message.

Engr. Sayson: We'll have lunch mamaya. I'll pick you up at 11:30.

Hindi ko na nireplyan ang message niya at hinarap ang dalawang kaibigan kong hindi ko namalayang pinag-tsi-tsismisan na pala ang nangyari kahapon

"Ayon mga naging model doon sa may blog ni Hail Dhaz Malidor." si Nicrina ang tumugon kay Reia

nangunot naman ang noo ni Reia na akala mo ay hindi umiyak kanina "You mean the blog of the heir of City Heights Mall?" 

Mariin akong tumango saka tumayo at kinuha ang bag ko ngunit bago ako makatayo ay itinuro ni Nicrina ang bag ko

"Hindi ba iyan iyong bag na bibilin mo sana ngunit may babaeng kumuha? You know back in college?" Takhang tanong nito sa akin

hindi niya alam na ang babaeng iyon din ang nagbigay nito sa akin at nanay iyon ni Coelth.

Napalingon anamn ako sa hawak na bag at saka tumango. Mabilis akong tumayo bago pa ito magtanong at nagpaalam sa mga ito.

"I need to go." Sabi ko na lamang "I'll send you the interior design tonight."

tumango lang ito sa akin at ngumiti 

"Enjoy your lunch!" Pahabol nito nang malapit na ako sa pintuan 




Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now