4

50 6 0
                                    

"Ah shit." napahawak ako agad sa aking sentido nang magising.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa bathroom para mag-hilamos. Nagbabaka-sakaling mabawasan ang sakit ng aking ulo.

Nang matapos kong mag-hilamos at mag-toothbrush ay kumuha ako sa fridge ng lemon at ng luya saka iyon hiniwa matapos hugasan saka pinakuluan. Hinayaan ko muna iyon para kumulo saka kinuha ang clutch na dala ko kagabi

bumalik ako sa kitchen para hanguin ang pinakukuluan ko. kumuha ako ng colander at itinapat iyon sa teapot saka ibinuhos ang pinagpakuluan ko roon. Matapos kong ilagay sa lababo ang aking pinaggamitan ay agad kong nilagyan ng honey ang aking inumin

binuksan ko ang clutch at akmang dadamputin ang cellphone ko nang may pumukaw ng aking mga mata. "Saan galing to?" kinuha ko ang isang piraso ng papel.

'Don't drink too much -B' Sabi ng nakasulat sa papel

kumunot ang aking noo ngunit inisip nalang na baka para sa iba iyon kahit na may kung ako sa akin ang bumabagabag dahil paano naman mapupunta ang note na iyon sa clutch ko kung hindi akin iyon?

humigop na lamang ako sa aking tsaa nang maramdaman kong muli ang sakit ng ulo sa masyadong pag-iisip sa sulat na iyon . Umiling na lamang ako sa tinawagan si Reia.

"Mmm? Aga-aga." She grunted from the other line. Mukhang  naabala ko ang pagkakahimbing niya.

napapabuntonghinanga kong binaba ang tasa ko. "Where's my car?" tanong ko

nakarinig naman ako ng mga yabag sa kabilang linya. Siguro ay bumangon na ito "Asa bar." humihikab nitong sabi.

"Thank you" Sabi ko rito at papatayin na sana ang tawag nang marinig ko siyang magsalita

"'My alcohol tolerance is higher than your grades.'" she mocked at me and laughed 

I rolled my eyes and hung up.

naisipan kong mamaya na lamang kuhanin ang kotse kapag hindi na masakit ang ulo at katawan ko.

"Fuck. Tumatanda na ata ako." Hinipan ko ang tasa saka ininuman iyon.

nagpa-deliver na lamang ako ng breakfast dahil bukod sa masakit ang katawan at ulo ko ay tinatamad na akong magluto.

kumain ako habang nanonood ng sinusubaybayan kong TV series. Nag-shower rin ako matpos niyon at pumunta sa aking walk-in close para kumuha ng puting shirt at high waist na shorts.

hindi na ako nag-abalang magsapatos at nagflip-flop nalang bago lumabas ng bahay para abangan ang binook kong sasakyan.

"Saan po tayo ma'am?" tanong ng driver 
ngumiti ako rito "Sa Pop Bop po, Tatay." magalang ko sagot

ilang minuto lamang ang naging biyahe nang makarating ako sa bar.

nang makapagbayad ako ay pumunta ako sa parking lot at agad kong natanawan ang gray kong Audi A7 dahil maaga pa nga ay sarado pa ang bar kung kaya walang ibang nakapa-park.

nilapitan ko iyon at nagulat ako nang makitang may papel na nakaipit sa wiper noon. Una-una ay akala ko pa nga ay ticket iyon ngunit  paano ako mati-ticket-an kung nakapark naman ako sa parking lot?

kinuha ko iyong papel at agad akong nagulat nang makitang kaparehas ng handwriting nito ang ganon sa nakita ko sa may clutch  ko. 

"Take care on the way home." basa ko sa bagong note saka iyon binulsa nalang

creepy...

bumalik ako sa penthouse ko at pinagpatuloy ang panonood ng medical k-drama na nakita kong pinapanood ni Shanielle.

nakaka-ilang episode na ako ngunit hindi maalis sa isip ko ang note kanina.

kinapa ko ang bulsa ko saka inilabas ang papel

tinignan kong muli ang naka-sulat rito

'Take care on the way home. -B'

-

who the hell is 'B'?


Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now