6

53 6 0
                                    

Halos paliparin ko ang aking kotse para lang makarating sa kompanya. Mabuti na lamang at hindi nakisabay ang traffic.

Dali-dali akong nagpark bago pumasok na gulo-gulo ang aking buhok. Halos lahat ng empliyado ay nakatingin sa akin dahil sa suot kong coat habang humahangos.

Hindi ko na lamang sila pinansin at saka pumasok sa elevator para pumunta sa floor niya.
"Good morn-"

Nilagpasan ko na lamang ang kanyang sekretarya at dire-diretsong binuksan ang pinto ng kanyang pinakamamahal na opisina.

"What is it now, Siege?" bungad na tanong ko sa kuya kong prenteng naka-upo at humihigop ng umuusok niyang kape pagkapasok na pasok ko sa kanyang office.

Bumuntonghininga ito bago tumayo at inalok ang upuan sa harap niya. "Take a seat." He said in a voice full of authority. Kaya kahit naguguluhan ay sinunod ko ito at muli siyang bumalik sa pagkakaupo.

"Sei, Calm down. No one's life is at risk." He said still serious

I exhaled and then looked at him "If you want me to chill can you tell me already?" nabubwisit ko nang sabi.

kinuha nito ang isang folder at iniabot sa akin.

Tinanggap ko iyon saka binuksan.

Tinignan ko siya "Tarzaga Group?"

"Nicrina's Company." Kaswal na nitong sabi

naguguluhan ko siyang tinignan "Why tell me this?" tinaas ko ang folder

inirapan niya ako "Read further dummy."

hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang aking pagbabasa. Sumandal ako sa upuan habang minamasahe ang aking sentido. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"CDS Firm?"

oh boy

"Ms. Tarzaga would want us to collaborate our firm with theirs to build her house." Paliwanag naman sa akin ni kuya.

tinagilid ko ang ulo ko. "Eh bakit mo nga sinasabi sa akin ito? I don't work here you know." Ipinatong kong muli sa mesa niya ang folder saka kinuha sa bag ko ang scrunchy at panyo  upang ayusin ang aking sarili. Inayos ko ang aking buhok at nagpunas ng pawis at nagkalagy rin ng lipstick nang makitang putlang-putla na ako

"Hindi nga pero ikaw ang gusto ni Ms. Tarzaga na magdesign ng bahay nila." ikinrus nito ang kanyang mga braso saka sumandal sa kanyang swivel chair. Tinago ko na ang panyo at lipstick ko saka siya nagtatakhang tinignan.

nila?

"Artist ka at architecture ang pinakukuha namin sayo noon pero nagpumilit ka lang na mag-doctor." Muli ay sabi nito.

I rolled my eyes when he brought up the course thingy.

I want to make my own name by my own and not by my family's company.

"We won't get this project if you don't join and this is a big one. Tinanggap na ng kabila ang offer tayo nalang ang hinihintay dahil nga sayo. Hindi basta bahay ang pinagagawa ng kaibigan mo, Ylzi. It's a fucking grand mansion." dugtong pa nito

Tumingala ako at nag-isip isip. "Okay. Fine I'll take this pero magpapatulong ako kay Architect Elira." Tukoy ko sa isa sa pinakamagaling naming architect.

Nagliwanag naman bigla ang mga mata nito nang marinig ang aking pagpayag "Ikaw ang architect na kinuha sa firm natin and you will be working with Architect Kristette from CDS Ayos lang ba sayo?"

ngumiti ako sa kanya. "The one who topped the boards? Sige as long as I work with someone who is in this field. Kuya, I'm warning you I'm not an architect. I might blow this shit up" sumimangot ako

"Sa amin nila Mama at Papa ay ayos lang even if you're not a licensed architect dahil request naman ito ng kaibigan mo she already told us na may tiwala siya sayo. Kaya ikaw lang inaalala namin. Are you sure na gusto mo if we're collaborating with them?" paninigurado pa niya

Ngumiwi ako "The only problem I see is my schedule." umalis ako sa pagkakasandal sa upuan at hinarap siya "It's not like si Coelth ang kinuhang engineer sa kabila right?"biro ko pa.

yumuko ito "Your friend wants the best for that mansion..."

Napalunok ako ng wala sa oras. Bigla ay bumaha ang kaba sa aking buong pagkatao.

"So about that..."

hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.

Wag kang lilingon, Sei. Pag lumingon ka marupok ka.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now