5

43 6 0
                                    

"Pagod ka sis?" tanong ni Reia bago mag-inat

Tamad ko itong tinignan bago uminom ng kape.

Isang linggo ang lumipas matapos umuwi ni Nicrina at ngayon ay heto kami ni Reia parehong pagod dahil halos sunod-sunod ang operasyon. Kulang na lang ata na sa OR na ako tumira.

"Nakatulog ka?" tanong ko sa kanya

Mabilis itong umiling bago isubo ang kutsarang punong-puno ng kanin. "Ikaw?" balik nito sa tanong ko bago sumubo ulit.

Marahan akong tumango "Oo, thirty minutes." ngisi ko rito

Umirap ito saka ngunmuso "Nakakainggit ka!"

may naglapag naman ng isang panibagong tray sa mesa namin.

"hay." buntonghininga ni Shanielle nang makaupo

"Oh yung pinakamagandang medtech andito na asan naman yung pinakasexy?" nanunuyang tanong ni Reia.

And as if on cue si Jiandra naman ang naglapag ng tray sa mesa "Miss mo ko?" ngisi nito kay Reia ngunit bakas ang pagod sa mukha nito.

"Si Queah?" ani Jia habang binubuksan ang lalagyan ng pagkain

"Nagtutusok ng anesthesia pamaya-maya pa siguro siya"  paliwanag ko sa kanya

Napabuntonghininga ako "Anong oras out niyo?" tanong ni Reia sa dalawa

tumingin naman parehas si Jia at Yelle sa kani-kaniyang relo.

"5:00 ako." naunang sumagot si Shanielle

Napalatak naman si Jia "Awit 6:30 ako." pagbabahagi nito

Tumayo ako para bumili ng tubig ngunit hinuli ni Reia ang kamay ko

"Ikaw?" tanong nito sa akin na parang isang batang takot maiwan ng kanyang ina

muli akong bumuntonghininga at hinawi ang sleeves ng coat ko upang tignan ang aking relo. "Pagkatapos kong mag-rounds." pagod kong sabi

"Di'ba may operasyon ka pa mamaya?" tanong nito sa akin

ngumiti ako ng bahagya rito "Oo, kasama sila Doc Justale at Dr. Siderima" saka ako umalis para bumili ng tubig.

------

"Clear!" Sigaw ni Dr. Siderima na siyang aming senior

ngunit tuluyan nang nag-diretso ang linya sa monitor.

tinignan nito ang relos "Time of Death 5:13 am." Deklara nito

Bago ko pa man pasukin ang propesyong ito ay takot na ako. Hindi sa dugo at gumagalaw na mga organs ako takot kundi sa posibilidad na mawala ang buhay na hawak namin at sa pamilya nitong nawalan ng minamahal.

Noong unang beses akong namatayan ng pasyente kahit na senior namin ang nag-opera ay iniyakan ko iyon sa isiping may isang asawang nabyuda at may mga anak siyang naulila. Doon ko napagtantong hindi basta-basta ang trabaho naming nasa larangan ng medisina.

pagod ka na nga unsuccessful pa ang huling operasyon sa araw na ito.

"Good morning SP!" pinilit kong maging masigla ang bati sa pasyente kong si Sonica Praine

inalis nito ang paningin sa laptop nang maulanigan ang aking boses. "Morning Doc." bati nito at muling binalik ang mga mata sa laptop.

"Wag kang papakapagod Praine." sabi ko rito habang tinitignan ang IV nito

bumuntonghininga naman ito sa akin "I need to check some files." sabi niya

"Files or dating app?" biro ko rito

"Uh both?" inosente nitong sabi saka tumawa

"how are you doing?" tanong ko rito

ngumiti ito saka natawa "Honestly, I'm worried." she told me

nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya "That's the last thing we need right now, Praine." sabi ko sa kanya umupo ako sa tabi niya "What is it?"

"You know I'm already getting old..." panimula nito saka nagpakawala ng isang buntonghininga "And you know that what happens when I turn 35." Nag-aalalang sabi nito

I pursed my lips and help her hand. "You'll find one soon." sabi ko bago ako nag-paalam na aalis na

Siya ang huli kong binisita bago umuwi. Pumunta muna ako sa quarter's upang kunin ang aking gamit ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong dinukot sa bulsa ng aking coat at nakitang ski kuya ang tumatawag

agad ko iyong sinagot

"What do you need?" I asked in an exhausted voice.

He sighed from the other line. "I know you're tired but I need you to come to the company."

I looked at my watch and saw that it was already 9:21 am and I still haven't sleep. I scratched my nose "kuya.." I whined

"It's an emergency." He said in a serious tone

I don't know but fear immediately surged my whole system.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now