Pakiramdam ko ay kukunin na ako ng heaven at biglang sasabihin sa akin ni San Pedro na hindi ako tanggap sa langit kaya ibinabagsak ako."Chill!" ani Coelth sa tabi ko at naka-taas pa aang kamay habang nakasakay kami sa Anchor's Away
Pagalit ko itong nilingon habang nakahawak sa rail "Akala ko ba photoshoot ito pero bakit diretso langit naman na ako?"
"Hindi ka pa tatanggapin doon. Hindi ko pa naipararanas ang sayo ang mas masarap na langit." Ngumisi ito ng pilyo kaya naman pakiramdam ko ay nawala ang kaba ko sa pagkakaksakay sa lecheng Anchor's away na ito ngunit napalitan iyon ng pagkapahiya sa sinasabi ng lalaking katabi ko
"But if you really feel like you're dying don't worry." Tumgin ako sa kanya at ang labing minsang naging pilyo ay napalitan ng isang mala-anghel na ngiti.
"Cause I may not save you, I'll die with you." lumamlam pa ang mga mata nito at dahan-dahan lumapit sa akin kaya napapikit ako ng wala sa oras at napasingap ng hangin habang inintay na may dumapi sa aking labi ngunit napamulat ako nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa gawi ng aking tainga "Living without you is the same as eating thin air" Marahang dumampi sa pisngi ko ang malambot at mapupula nitong labi.
The ride ended with me feeling like I am about to vomit. Parang lahat ata ng internal organs ko ay umangat at handa nang lumabas ng aking katawan. Samantalang pakiramdam ko rin ay naging hybrid ako ng tao at kamatis sa pula ko. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya
If living without me is same as eating thin air then you leaving me is like air leaving me suffocated.
"Mommy! mommy! What does it feel to ride the flying ship?" My thoughts were drove away by the jumping and clapping little girl named Azaiah
Nanigas ako sa kinatatayuan ko namg umakbay sa akin ang braso ni Coelth
"It's fun batang toyoin. Next time isasama kita doon at ihahagis kita" Kalmadong sabi nito na natatawa sa huling sinabi
Tulad ng inaasahan ko ay inirapan lang ito ni Azaiah. Well, she's not like that. Taning kay Coelth lang mainit ang ulo niya
Inalis ko ang pagkakaakbay nito nang makabawi ako at sinamaan siya ng tingin ngunit ang loko hindi makuha sa tingin at ngisihan lang ako.
"Fun mo mukha mo." I glared at him for a few seconds and looked away when he saw me looking at his luscious lips while he chuckled at my reaction
Tumikhim naman si Hail na nagbabantay kay Azaiah habang kinukunan kami ng litrato mula sa ibaba kanina para kuhanin ang atensyon namin at agad naman kaming tumalima.
"Since gabi na malapit na ang fireworks display. Gusto ko kayong kuhanan habang nanonood non." Tinignan nito ang relo na ginaya ko rin
Shoot!
Lumayo ako ng bahagya sa kanila at agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan iyon para lang makita na tadtad pala akong texts at tawag mula kay Azrich
Hindi ko na iyon binuksan at agad nalang itong tinawagan. Matapos ang isang ring ay agad itong sinagot.
"Seila! Yung anak ko asan?" Sigaw nito sa kabilang linya dahilan para ilayo ko ng bahagya ito sa aking tainga
Huminga akong malalim "We're in Laguna. Uuwi rin kami ihahatid ko pa sa penthouse mo." Sabi ko rito at pinatay ang tawag panigurado ay bubulyawan ako nito
Naglakad na ako pabalik sa kanila ngunit si Coelth nalang ang naroroon tumigil ako sa tabi nito at agad na inilibot ang mga mata ko. Natigil lang ang paningin ko sa kanya nang hawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil iyon.
"Hail has Aza they're searching for a good spot." Paliwanag nito and as if on cue his phone rang
He used his other hand to answer the call and didn't even loosen his grip on my hand with sent millions of electrolytes through every muscle of my body.
"Andoon daw sila sa may Ferris Wheel." Tinuro nito ang Ferris Wheel at agad akong hinila papunta doon.
"Okay so this last ride hindi uli kami kasama ni Azaiah. Coelth will be the one taking photos." Paliwanag ni Hail nang makarating kami sa ibaba ng Ferris Wheel
Amang naman akong napatingin sa kaniya "Hindi ba at manonood tayo ng fireworks display? How come andito tayo sa Ferris Wheel?" tanong ko rito ng may pagkabahala dahil sa mahihiwalay na naman si Aza sa akin
"Well, yeah pero sa Ferris Wheel ang pinakamagandang spot para panoorin iyon not to mention na tanaw mula sa itaas ang kabuuan ng park. Ako na ang bahala kay Azaiah since Coelth will be the one taking the pictures for the two of you while ako naman kay Azaiah." Paliwanag nito sa amin "I though of adding a new part for my blog. 'A child's happiness'" Ngumiti ito ng sinsero "Kanina habang nasa rides kayo na hindi kasama ay naisip kong gawin iyon may mga shots na nga sa akin oh" He showed a photo of Aza holding a cotton candy while watching us
Tumango nalang ako at ngumiti sa kaniya "Ingatan mo si Aza ha?" Bilin ko at hinaplos ang pisngi ni Aza "Behave." Bilin ko rito na ikinatango naman nito.
"Enjoy." Ngising sabi ni Hail at binuhat na si Azaiah na para bang isang sako palayo sa amin at pumasok na para makasakay.
I watched them enter when Coelth lent his hand "Will you come with me?" He bowed his head like a royal prince
I smiled and withdrawn my hand and gave it to him me slightly curtsying that made him chuckle heartily.
YOU ARE READING
Subscribe (Offer Offer duology #2)
Teen FictionToo many 'what ifs' and 'whys' and also secrets to be told, questions to be answered and revelations about to behold. Will Seila still hear the reason she craved for or is it too late to hear the other side of the coin? Read Free Trial before this f...