27

34 2 1
                                    

"At saan kayo galing?" Tanong ni Azrich sa mahinahon ngunit matalim na tono habang nakaupo sa single sofa niya sa sala nang makapasok ako sa bahay niya matapos kong ilagay ang code niya na alam ko habang buhat-buhat si Azaiah sa mga bisig ko

Napairap ako at nagpatuloy na lamang sa paglalakad patungo sa kwarto ni Azaiah. Naramdaman ko namang sumunodito sa akin.

Nagdiretso ako sa kama at maingat na idiniposito roon ng mahimbing nang natutulog na bata. Humarap ako kay Azrich na nakasandal sa hamba ng pintuan.

Marahan akong bumuntong hininga "Let's talk outside." Sabi ko rito

Umupo kami sa may sala na magkaharap "We went to Laguna. Enchanted kingdom to be precise." Panimula ko

nakinig lang ito sa akin "I was at a meeting with Nicrina, and the CDS frim, I believe you know why." Tumango naman ito "We were in the middle of the meeting until and emergency came up to the Architect Tanejo. Nicrina, being the Good Samaritan that she is offered her a ride."

"And itong si Azaiah inaya ako sa Amusement park, handa na sana akong tumanggi but then Coelth offered because he has a project in Laguna kaya ayon." Sabi kong muli sa kaniya

Naiiling-iling naman ito sa hindi ko malamang dahilan "Ang tagal niyo naman ata?" Usisa nito kalmado na ang boses at wala ng bahid ng kahit ano mang nakakakaba

"So we bumped into one of Coelth's friend who turns out to be a blogger. He asked us to be his subjects because he's tired of searching for one." Paliwanag kong muli "Nag-enjoy naman si Aza" Pagtatapos ko

Nakangiti na itong tumago "Sure kang anak ko lang ang nag-enjoy?" Mahihimigan sa pananalita nito ang panunudyo

"Whatever."

Tumatawa naman itong lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko "Basta, wag mag-feeling kung wala namang meaning."

Naiinis kong tinabig ko ang mga kamay niya "Palibhasa kasi ay mahal ka pa ng ina ni Azaiah." Nagulat ako ng mapagtanto ko ang aking nasabi. Hindi ko dapat sasabihin sa kanya iyon dahil nakiusap sa akin si Coelth na huwag naming pakikielaman ang hindi naman sa amin

Ngunit mas nagulat ako sa sinagot ng kaibigan ko "Alam ko." Simpleng tugon nito saka ako hinila patayo "Ngayon umuwi ka na at gabi na. Gusto man kitang ihatid ay paano naman ang anak ko."

Ngumiti nalang ako sa kanya "Ayos lang may naghihintay naman sa akin sa baba" Gumanti naman ito ng ngiti. Isang ngiting aso na nanunudyo.

Inihatid niya ako hanggang sa pintuan at ako naman ay nagpunta na sa elevator para bumaba.

"Saan tayo?" Tanong ni Coelth nang makasakay ako sa sasakyan niya at kasalukuyang inilalagay ang seat belt ko

"Sa Royal Heights." Sabi ko rito saka tinignan ang suot kong Hublot Big Bang rose gold wristwatch na tumerno sa suot kong old rose button up shirt saka light blue cheeky jeans kasama ang white canvas shoes ko

He drove away to Royal Heights where my new penthouse is located. Binalik ko na lamang ang luma kong penthouse kay kuya na talaga namang kanya noong panahong pinagagawa pa lamang niya ang bahay nilang pamilya at humanap ng bagong malilipatan dahil sa rasong may mga alaalang nakaukit sa bawat sulok ng flat na iyon. Madlim na ang daan dahil halos 9:30 na ng gabi.

"Alam mo na ba ang nangyari kay Liedin at Nic?" tanong ko rito nang alisin ang nakakagimbal na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi pa rin kasi maialis sa aking buong sistema ang sinabi n ito sa akin kanina sa may Ferris wheel

bumuntonghininga ito habang ang paningin ay nakauon sa daan at marahang tumango "I very well know."

"What can you say?" Tanong kong muli

Sumulyap ito sa akin saka muling ibinaling ang tingin sa harap "Wala akong pake. It's their life and plus, kung makikialam lang ako. Ako lang din ang mahihirapan lalo na at pinsan ko si Cethiel at kaibigan ko si Liedin." Napanganga ako sa sinabi nitong impormasyon tungkol kay Cethiel

"Wait what?" Takhang tanong ngunit nag-isang linya lang ang mga kilay nito

"Wag mo nang ayusin ang buhay pag-ibig ng iba kung yung sarili mong lovelife ay hindi mo maisa-ayos" Sabi na lamang nito kaya nanahimik nalang ako habang binabaybay ang daan.

"What about Kaedan?" Tanong ko na naman sa kanya

"Just like Liedin isa siya sa mga inhinyero ko sa kompanya. Xeidon took over his dad's construction company in Switzerland if you're aking him next." Parang nababanas na sabi nito sa hindi ki malamang dahilan

Bipolar ba'to?

Huminto ang kotse niya sa harap ng Royal Heights ilang minuto lang ang nakalipas. Agad kong inalis ang seat belt ko at saka humarap sa kanya upang magpasalamat

"Thanks for the ride." hindi makatingin sa mga mata niya kong sabi

tumalikod na ako at akmang bubuksan ang pinto nang bigla nitong hablutin ang braso ko dahilan para mapasinghap ako ng hangin ng wala sa oras hinarap ito. Ganoon nalang ang gulat ko nang pagharap ko ay gahibla nalang ng buhok ang pagitan ng mga mukha namin

Naamoy ko ang hininga niyang pinaghalong strawberry at mint.

Ngumisi ito ng bahagya nang makita ang pagkagulat sa mukha ko

"Lunch tayo bukas." Mahina at natatawang sabi nito sa ako hinalikan sa gilid ng labi ko

nanigas ako sa ginawa niya kaya namandumukwang ito abutin niya ang pinto sa gilid ko at binuksan iyon

"Have a good night bub."

agad akong bumaba nang makabawi at tinanaw ang kotse nitong papalayo bago pumasok sa tower.

Subscribe (Offer Offer duology #2)Where stories live. Discover now