3: Going Crazy

96 10 0
                                    

PENELOPE

Nagpaalam na ko kay Kuya Oca at umuwi na samin.

" Ma! Andito na ko! " binaba ko ang bag ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay saka ako dumeretso sa kusina.

Asan yung mga yon?

" Piri-Piri?! Ma! " pumunta ako sa kwarto nila. Lumabas na akong muli ng bahay dahil wala talaga silang lahat sa loob.

" Pen! Yung mama't papa mo namalengke raw saglit! " dinig kong sigaw ni Mang Kanor, may-ari ng tindahan sa tapat namin.

" Eh si Piri-Piri ho? " tanong ko pabalik.

" Ewan ko ba sa kapatid mong yon! Baka kalaro na naman sila Jetro! Manang-mana sayo! Parehong kayong sama nang sama sa mga lalaki! "

Luh. Kaloka sya oh. Tinatanong ko lang naman kung asan yung kapatid ko.

" Hehe. Sige ho, Mang Kanor. Salamat! " nilingon ko ang paligid ko.

Huminga ako nang malalim at saka nameywang. " PACIFIC MADRIGAL!! UMUWI KA NA RITO!!! "

" Hoy! Piri-Piri! Tawag ka na ng ate mo! Umuwi ka na raw! " sigaw ni Mang Kanor.

Kumakaripas namang tumakbo papalapit sakin si Piri-Piri. Humihingal syang tumigil sa tapat ko. Nung normal na ulit ang paghinga nya ay saka ko sya piningot sa tenga.

" Ikaw! Kababae mong tao sama ka nang sama kila Jetro! Ano ba?! Tomboy ka ba?! " panenermon ko sa kanya.

" Eh bakit ikaw ate? Tropa mo nga sila Kuya Oca pero hindi naman kita pinipingot dyan " sumbat nya pabalik sakin.

Mas piningot ko naman sya dahilan para mapaigik sya sa sakit. " Aray ko ate! "

" Syempre ako, disi-syete anyos na! Eh ikaw? Hoy, Pacific! Onse anyos ka pa lang, ha! " binitiwan ko na ang tenga nya. " Lukaret 'to ".

Pumasok na ko sa loob ng bahay at pumunta ng kusina. Maghahanda na sana ako ng mga ingredients para sa adobo nung pumasok sina mama sa kusina.

" Oh, Pen? Andito ka na pala ". Inilapag nya ang dalawang bayong na hawak at lumapit sakin. " Adobo lulutuin mo? "

" Yun sana, Ma. Bakit? May lulutuin ka na ba dapat? " nilingon ko ang mga inilabas ko. " Ililigpit ko na 'to ".

" Hindi na. Sige na. Magluto na ".

Bumaling na si Mama sa mga pinamili nya at sinimulan na 'tong ilagay sa ref.

Ako naman ay sinimulan na ang pagluluto. Tahimik lang kami pareho ni Mama.

Kagaya ng ibang babae, hilig ko rin ang pagluluto. Ang kusina rin ang pinakapaborito kong lugar sa bahay. Pero ABM pa rin ang kinuha ko. Desidido kasi akong mag-Accountancy sa kolehiyo.

" Sya nga pala. Kamusta ang unang araw mo? " pambabasag ni Mama sa katahimikan. Akala ko ay hindi na sya magtatanong pa.

" O-Okay naman..." sana.

Pinili kong manahimik na lang at hindi na dinugtungan ang mga sinabi ko. Ayokong makarating pa kay Mama ang mga ginawa ko. Paniguradong madadamay sila Kuya Oca kapag nalaman nyang may katarantaduhan na naman akong ginawa. Sisihin na naman nya sila dahil bad influence raw sila.

Hindi na nadugtungan ang usapan namin. Mabilis kong tinapos ang pagluluto at sabay-sabay kaming kumain.

" Ma, pasok na ko sa kwarto. Mag-aaral pa ko eh ".

" Sige na. Mag-aral ka na ro'n. Huwag ka masyadong magpupuyat ah? " bilin nya pa.

Hehe. Nakatakas pa sa hugasin.

JESSIE

Nagdrive na ko pauwi saka dumeretso paakyat sa kwarto ko. See? Walang may pakialam sakin?

Sanayan na lang yan.

Nagpalit lang akong damit sa nahiga sa kama ko. Nagkulong ako sa kwarto hanggang sa dumating ang hapunan.

Mayroong kumatok sa pinto. Maid siguro.

" Madam Jessie! Handa na ho ang hapunan ninyo! " sigaw pa ni Yaya Tanya.

" Ito na po! " lumabas ako ng kwarto at naabutan ko naman syang sinasalinan ang baso ko ng juice.

" Yaya Tanya naman. Sabi ko naman sa inyo na Jessica nga po " nagtatampong kunwari ani ko.

" Ah oo nga pala. Sorry, Sir Jessica ".

Kulet talaga!

Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar nya at nagsimulang kumain.... mag-isa.

Simula ng magkaisip ako, hindi ko na nakakasama pa ang parents ko. Business palagi ang inaatupag nila. Siguro ay nasa 4 hanggang 5 beses kung bumisita sila rito sa bahay. Only child din ako kaya wala talaga akong makausap.

Siguro nga ay hindi pa nila alam na dalaga na ang unico hijo nila.

Napailing na lang ako sa naisip ko.

Hayst.

Naalala ko tuloy nung graduation ko nung elementary. Wala kasi ako sa honor noon kaya hindi umattend ang parents ko. Kahiya-hiya raw kung aattend sila sa graduation ng anak nila na gragraduate lang ng elementary ay alanganin pa ang average.

Kaya sa huli ay si Yaya Tanya ang kasama ko noon.

Dahil din sa business ay napilitan akong magtake ng ABM kahit ayaw ko. Wala naman akong choice. Balita ko pa naman ay mahirap ang ABM.

Tinapos ko na ang pagkain ko saka ako sumigaw kay Yaya.

" Yaya! Tapos na po ako! Akyat na ko sa kwarto! " nagsimula na akong umakyat sa hagdan. " Kumain na rin po kayo! "

Hindi ko na sya hinintay na makasagot pa at pumasok na ko sa kwarto.

Dumeretso ako sa CR ng kwarto ko saka ako nagtooth brush at naghilamos.

Humilata lang ako sa kama ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw na 'to kahit wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw.

Kailangan ko na ring ipahinga nang mabuti ang katawan ko dahil paniguradong paguran na naman next month dahil sa sportfest sa Swerd.

Varsity ako ng volleyball sa school. Pero wala namang sinasabi sakin ang parents ko. Marahil ay wala na naman silang pakialam.

" Aish! Wala na naman pahinga nito! " wala sa sariling nabatukan ko ang sarili ko dahil sa frustration.

Natigilan ako nang may maalala.

Si Madrigal!

Muli akong nairita dahil sa naalala kong pagsapak nya sakin kanina. Mabuti na lang at hindi na napansin ni Yaya Tanya dahil baka makarating pa sa parents ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa gilid ng labi ko na tinamaan nya.

Natigilan ako. Muli kong naalala yung ginawa nyang pagbatok kay Nami. Hindi naman sya sobrang lakas pero taob yung isa. Tsk! Tsk!

Bukod doon kung maglakad sya ay parang walang nangyari. Kahit maraming mata ang nakatingin sa kanya ay hindi nya yon pinansin pa at nagtuloy-tuloy sa paglalakad na para bang sya lang ang tao.

Napailing na lang ako sa mga naisip ko.

Hindi kaya nababaliw yon?!

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon