16: Heart Shaker feat. Changing!

60 10 2
                                    

JESSIE

Mabilis na natapos ang weekend. Lunes na naman at kailangang pumasok ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala rin naman akong choice.

" Ay, bakla! Anong nanyari nung nakaraan? Chika ka naman! " natigilan si Rolando at maang na napatingin sakin. " A-Anong nangyari sa mukha mo? Mukha kang zombie, bakla! "

Pinuyat kasi ako at pinaiyak nung kaisa-isang babaeng minahal ko. Masyadong masakit, hindi ko na yata kakayanin.

" Napuyat lang " palusot ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan.

" Sus! Ano ngang nangyari? Ano? Kayo na ba? " natawa pa sya sa mga pinagsasabi nya. " 'Wag mong sabihin saking nililigawan mo pa lang sya? Kalurkey, ang beauty mo! HAHAHA! "

" S-Sige na. P-Papasok na muna ko. M-Magkita na lang tayo mamaya sa practice ".

Tinahak kong mag-isa ang daan papunta sa room. Pagdating ko ay nandoon na si Madrigal.

" Balita ko ay nireject daw ni Penelope si Jessie! Oo! Ang sabi ay nasa park daw sila na malapit kila Jessie tapos ay narinig daw nilang nagtapat ng feelings si Jessie pero nireject sya ni Penelope! Marami rin ang nakarinig no'n eh! "

" Talaga? Ang kapal naman ng mukha ni Penelope! Eh nakita ko kaya silang naghahalikan nung nakaraan! Ano yon? Plinano talaga nyang ma-fall sa kanya si Jessie? "

" Baka pineperahan nya lang! Alam nating lahat kung gaano kayaman sila Jessie! "

" Yuck! Ang kapal talaga ng mukha! A gold-digger! "

" Tsk! Tsk! Nasa loob ang kulo, Hahaha! "

Pinag-uusapan sya ng mga kaklase namin pero parang wala lang sa kanya. Umupo na lang ako sa upuan ko at nagbasa.

Nagsimula na ang klase. As usual, ginagawa ko na naman ang best ko para hindi ako bumagsak. Hindi ko kayang madisappoint pa ulit sakin ang parents ko.

Natatakot akong tuluyan na masira yung tiwala nila sakin.

Kapansin-pansin ang pananahimik nya sa klase na dati ay hindi naman nya gawain. Kung may kalaban kasi ako sa academics, sya yon. Parehas naming ginagawa ang lahat kung gusto naming makapaglaro pa.

Nakakasagot naman sya pero halatang lutang sya. Utal-utal din ang pagsagot nya at tensyonado.

Dumating ang lunch break at ayon na naman ang mga bulungan nila. Binagalan ko ang pagliligpit ng mga gamit ko at nagpahuling lumabas ng room.

" Grabe sya no! Ang gwapo gwapo ni Jessie tapos ginano'n nya? Sino ba sya sa tingin nya? Hindi naman sya maganda! "

" Hahaha! Wala tayong magagawa! Ang mga mukhang perang tulad nya, dapat pinapaalis sa lugar na 'to! "

Nagpunta ako sa cafeteria at nakita ko sya ro'n, mag-isang kumakain sa pinakadulong mesa.

Maya-maya ay lumapit sa kanya si Nami na may dalang isang bote ng juice. Kinakausap sya ni Nami pero parang wala syang naririnig. Pabagsak nyang ibinaba ang mga kubyertos nya at inis natumingin kay Nami.

Halata namang hindi yon nagustuhan ni Nami dahil binuhusan sya ni Nami ng juice saka tatawa-tawang umalis.

Mas nabigla ako nung unti-unting dumami ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanya. Pinalibutan nila sya kaya hindi ko na sya nakita.

Nagsimulang umingay ang cafeteria at nakarinig ako ng mga tunog ng kubyertos kaya lumapit na ko sa kanila.

Hinawi ko ang mga nakapalibot sa kanyang estudyante at nagulat naman sila nung makita ako.

" Jessie! "

" Hoy, si Jessie! "

" Si Jessie! "

Tumabi sila at napatingin sakin. Naglakad ako palapit kay Madrigal at doon ko lang nakita ang kabuuan nya.

Marumi na ang uniform at maraming dumi ang ulo nya. Nakatungo sya at tila walang pakialam sa mga tao.

Nag-angat sya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. May kung anong kumirot sa puso ko. Masakit talaga. Yung makita pa lang kita ay hindi ko na kaya.

Iniwas ko sa kanya ang paningin ko at saktong tumama yon sa bote ng grape juice na hawak nung isang babae.

Hinablot ko sa kanya yung bote at muling tumingin kay Madrigal. Dahan-dahang naglakad ako papunta sa gilid nya at binuhos sa kanya yung juice.

I'm sorry, baby.

Napasinghap ang mga nakakita. Kita sa kanila ang pagtataka at pagkagulat.

Tumalikod na ko at naglakad palabas ng cafeteria. Dumeretso ako ng library at sinubukang magbasa pero wala akong sa focus. Sa huli ay umalis na lang ako ng library at wala sa sariling naglakad papunta kung saan.

Nagulat pa ko nung mapunta ako sa lugar kung saan ko sya binato ng bola. Sa lugar kung saan nya ako hinayaang yakapin sya.

Naupo ako sa isang bench na nandoon at isinandal ang ulo ko ro'n. Napapikit na lang ako habang inaaalala ang mga nangyari samin.

Hindi mo ba talaga ako mahal? O natatakot ka lang na mahalin ako?

Nagtataka talaga ako kung bakit nya 'to ginagawa. Hinayaan nya akong hawakan sya sa kamay, hinayaan nya akong halikan sya. Wala lang ba sa kanya yung mga yon?

O baka ako lang ang gumagawang big deal sa mga yon?

Bumalik na ko sa room at maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin. Napansin nyang naka-t-shirt si Madrigal kaya tinawag nya 'to.

" Ah, Miss Madrigal? " alangang tanong sa kanya nung teacher namin sa Oral Communication.

" B-Bakit po? "

" Bakit ka nakasuot ng t-shirt? Wala ka bang uniform? "

" Ah kasi po... m-marumi na yung uniform ko. T-shirt lang po ang dala kong extra ".

" Pero malinaw ang usapan sa school na 'to. I'm sorry, Miss Madrigal. Lumabas ka na muna ng room ".

Nanlulumong nagbaba sya ng tingin at nagligpit ng gamit. Saka sya naglakad palabas ng room.

Nagtuloy-tuloy ang panghapon na klase namin at walang nagagawa si Madrigal kundi ang lumabas kapag pinapalabas sya.

Nung matapos ang klase ay mag-isa akong pumunta ng gym para sa practice. Mabilis akong nagpalit ng damit dahil mukhang galit si Sir Harry.

" Ano ka ba naman, Penelope?! Umayos ka nga?! Ano bang nangyayari sayo?! Kumain ka ba? Sinabi ko naman sa inyong ayusin nyo ang mga sarili nyo kapag oras ng practice! Ang titigas talaga ng ulo nyo! Malapit na ang sportfest tapos saka pa kayo maggaganyan?! " narinig kong sigaw ni Sir Harry.

Naextend ng 30 minutes ang oras ng practice namin dahil sa galit ni Sir Harry. Umatungal ang mga kasama ko at masamang tumingin kay Madrigal.

Nung matapos ang practice ay nag-ayos na kami at nagpalit ng damit. Saka kami sabay-sabay na naglakad palabas ng school.

Nagpahuli ako ng paglalakad at tumabi sa kanya. Inilabas ko ang 4 na notebook ko at inabot yon sa kanya.

" Andyan yung mga diniscuss kanina nung wala ka. Ibalik mo na lang sakin bukas " ani ko at tumango sa kanya.

" Mauna na ko " pamamaalam ko at naglakad papuntang parking lot.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon