2: Young & Wild

121 10 0
                                    

PENELOPE

Lumipas ang oras at puro na lang pagpapakilala ang ginawa namin. Well, maliban na lang sa isa.

Dumating ang lunch break at naglabasan na kami sa room. Karamihan sa mga kaklase ko ay nagpunta ng cafeteria. Habang ako naman ay dumeretso sa library.

May dala naman akong tinapay. Yun na lang siguro muna ang kakain para sa lunch.

Sayang kasi sa oras kung mag-iistay ako sa cafeteria imbes na mag-aral na lang. Hindi ako pwedeng bumagsak. Sayang ang pagkakataon.

Naglalakad ako papuntang library. Alam ko na ang daan patungo ro'n. Sinadya ko talagang alamin nung araw pa ng orientation.

Nice. Pero yung room ko hindi ko pinuntahan.

Nasa tapat na ako ay saka ko lang napansin na sarado ang library. Sa susunod na araw ang pa raw ang pagbubukas.

Baka nag-aayos pa sila ng mga libro.

Wala akong choice. Tinahak ko ulit ang daan papunta ng room nang may madaan akong pasilyo. Walang tao ro'n. Nasa labas iyon ng building pero hindi naman mainit dahil sa mga naglalakihang puno.

Doon na lang ako naupo at saka inilabas sa bag ko ang tinapay na dala ko.

Nagbabasa ako ng hand outs na binigay samin habang kumakain ng tinapay.

" Aray! " napahawak ako nung biglang may bola ng volleyball na tumama sa ulo ko.

Tae. Ang sakit!

Kahit ang sakit ng ulo ko, pinilit kong imulat ang mata ko. Nakita ko si Jessica na tatawa tawa kasama yung baklang kasama nya kaninang umaga. Nag-apir pa silang dalawa at sak tumawa nang tumawa.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at naghintay ng ilang segundo. Nung medyo hindi na ko nahihilo ay saka ko iminulat ulit ang mata ko.

Tumayo ako at saka lumapit sa kanila. " Anong problema mo? " pilit nagpapahinahong tanong ko na nakatingin kay Jessica.

Ngumisi sya sakin. " Sorry, medyo mapalakas yung palo ko ".

" Ah talaga? " sarcastic kong sagot saka tinapakan nang malakas yung paa nya at nung mapatungo ay saka ko sya sinapak nang malakas.

" F*ck! " aniya habang hawak-hawak ang gilid ng labi nya na pumutok yata.

Ako naman ngayon ag napangisi. " Sorry, napalakas yata yung sapak ko. Hehe ".

Saktong tumunog yung bell kaya nagmamadali kong niligpit yung mga gamit ko saka sya pabanggang tinalikuran.

Dumeretso naman ako sa room at pabagsak na naupo.

Masama kutob ko rito. Tsk!

JESSIE

" Tumigil ka sa kakatawa r'yan, Rolando. Hindi ako natutuwa sayo ". Muli kong pinunasan ang gilid ng labi ko at pinagpag ang polo ko.

" HAHAHAHA mukha kasing ewan, bakla! Sabi ko naman kasi sayo wag mo ng gawin! Ano? Nakinig ka ba? " tatawang aniya.

" Tsh! You know me, Rolando. Alam mong hindi ko sya titigilan ".

" Bakla ka! Tigil-tigilan mo nga kakatawag sakin ng Rolando! Its creeping me out! " maarteng saad nya pa. " It's Rolly, okay? "

" Whatever ".

Umayos na ako ng tayo at saka nauna na sa paglalakad papunta sa room. Hindi ko na sya pinansin.

Tsk! Paniguradong mapapansin 'to sa bahay!

Napailing ako sa naisip ko.

Mapapansin nga, pero walang may pakialam.

Pumasok na ako ng room at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sakin. Paniguradong nagtataka sila kung sino ang may lakas ng loob na magpaputok ng labi ko.

Tsk! Badtrip!

Tumingin ako sa gawi nung babaeng sumuntok sakin. Ngisi-ngisi syang nakatingin kaya ginantihan ko sya ng ngisi saka ko sya sinamaan ng tingin.

Nagtutuloy ang pagpapakilala nung mga sumunod na oras. Karamihan sa kanila ay nag-iiwan ng mga gawain na kailangang ipasa o tapusin sa mga susunod na araw.

Inayos ko na ang bag ko at saka binitbit ito. Sumabay ako kay Madrigal sa paglalakad palabas ng room.

Sinadya kong banggain sya nang malakas dahilan para matulak nya si
Nami, isa sa mga mean girls ng school.

Now, this is interesting.

" S-Sorry... H-Hindi ko s-sinasadya... " mahinang sambit nya.

Sinampal sya ni Nami. Oohh! Paniguradong masakit yon!

Kitang kita ko kung paanong ang natatakot na itsura ni Madrigal kanina ay napalitan ng blankong mukha.

Natigilan ang lahat ng mga kaklase namin dahil sa nangyari. Napatingin sila sa dalawa. Nagsimula na ring magbulungan ang iba. Tsk! Tsk! Gulo na 'to!

" How dare you para dikitan ako? Now look at me kung natutuwa ako sayo! Bwisit ka! You're new here pagkatapos ang lakas ng loob mong---! " OA rin neto ni Nami. Edi sana nagpatayo sya ng sarili nyang eskwelahan kung ayaw nyang madikitan sya.

" Nagsorry ako sayo. Hindi ko na problema kung hindi mo yon tatanggapin ".

" Hah?! At sa tingin mo tatanggapin ko yon?! Why don't you try na lumuhod? Baka sakaling magbago pa isip ko?! Ang kapal ng mukha mong pagsabi--- " hindi na natapos ni Nami yung sasabihin nya nung bigla syang batukan ni Madrigal, sapat na para mawalan sya ng malay.

Nagulat ang lahat sa ginawa nya. Bahagya pang napaawang ang mga labi ko sa sobrang pagkabigla.

" Tsh... daming kuda " untag ni Madrigal saka tumalikod saming lahat at magsimulang maglakad. Napasunod na lang ako ng tingin sya.

Agad namang binuhat nung mga kaklase ko si Nami. Napailing ako. Ibang klase.

PENELOPE

Naglakad na ko palabas ng school, hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin sakin.

Tsk! Paniguradong bukas ay lahat sila nakakaalam na.

" Sige po, Kuya ". Binati ko ang guard at ngitian naman nya ako nang tipid.

" Ingat ka, hija ".

Tumango ako sa kanya at dumeretso na palabas. Nilakad ko na lang pauwi kahit medyo may kalayuan ang bahay namin sa school. Sayang kasi sa pamasahe. Tutal ay hindi rin naman ako nagmamadali.

" Oh? Kuya Oca? Anong problema mo? Nakasimangot ka? "

Isa si Kuya Oca sa mga 'tropa' ko. Pero iba ako sa kanila. Mahilig kasi sila na sumali sa mga street fights samantalang ako ay kung kelan lang aatakihin ng trip. Sila ay nagkikipagbasag-ulo para sa pera, habang pakikipag-away lang ako kung kailangan. Parang libangan, gano'n.

Saan ako natuto? Sa kanila rin. Kakasama ko sa kanila ay natuto na rin ako.

" Gutom na ko, Pen. May pagkain ka bang dala? " aniya na humimas pa sa tyan.

Inilabas ko ang dala kong tinapay na hindi ko nagalaw saka inabot yon sa kanya.

" Salamat, Pen " nilantakan nya agad yon.

Tumango lang ako sa kanya at nanahimik.

" May problema ba? Balita ko nag-aaral ka raw sa Swerd? " pagpapatungkol nya sa school na pinapasukan ko ngayon. " Bigtime ka na ah! " ngumunguyang sabi nya.

Napatawa na lang ako nang mapakla. Maganda na sana ang unang araw ko eh. Bwiset lang talaga yung gwapong bakla. Abno!

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon