28: Touchdown!

54 10 0
                                    

JESSIE

" Last set na! Kayanin nyo na yan! Tapusin na natin 'to at sabay-sabay na magcelebrate, okay?! " sigaw ni Sir Harry nung magpatawag sya ng timeout.

Uminom ako ng tubig at napatingin sa scoreboard. Konti na lang, matatapos na rin.

5th set na ng finals, at lamang kami ng 2 points.

13-11 ang score.

" Kaya natin 'to, Swerd! Tiwala lang! Matatapos na! Laban lang! " dugtong pa nya.

Napatingin naman ako sa mga nanonood. Karamihan sa kanila ay isinisigaw ang pangalan ng school namin. Nakakatuwa dahil kahit kami naman ang naglalaro ay ramdam ko rin ang tensyon nila.

" Go Swerd! Laban lang! "

" Go Jessie! MVP ka naman nyan! "

" Fight, Swerd! Fight! "

Sigaw sila nang sigaw na para bang walang bukas. Dinig ko na nga ang pagpiyok ng ilan.

Pumito ang referee, hudyat na tapos na ang timeout. Nagpatong-patong kami ng mga kamay at sabay-sabay na sumigaw ng, " Swerd! Laban! "

Lalong humiyaw ang mga tao at bumalik na kami sa court. Nasa unahan ako, kaya mas malaki ang porsyento na sakin ibibigay ang last 2 points.

Kamusta na kaya ang baby ko? Miss ko na sya. Hindi na kami masyadong nagkakasama dahil sa sportfest. Tatapusin ko na talaga 'to, at pagkatapos sya at ang future naman namin ang aatupagin ko. Hehe.

Napangiti ako sa naisip ko. Kahit na busy kasi kaming pareho ay may time pa rin talaga kami para sa isa't-isa. Medyo maikli nga lang kumpara nung mga panahong hindi pa nagsisimula ang sportfest.

Nanalo na kaya sila?

" Jessie! Sayo! " sigaw nung setter namin na nagpabalik ng wisyo ko.

Medyo nahuli ang pagtalon ko dahil nawala ako sa focus. Hindi ko na yon na mapapalo pa, masyadong alanganin at mas delikado kapag pinalo ko pa kaya tinulak ko na lang ang bola.

Pumasok ang bola sa kalaban at nabigla sila nung tinulak ko lang ang bola. Kahit ako rin naman. Hindi ko inaasahan yon.

Huli na para mailigtas nila ang bola. Bumaba na yon sa sahig at pumuntos na naman kami.

Last point! 14-11 ang score.

" Go Swerd! Isa na lang! "

" Ang galing mo talaga, Jessie! MVP! "

" Isang point na lang, Swerd! "

" Laban, Swerd! "

Hmm... naamoy ko na ang MVP title!

" A-Ah, Jessie! Ikaw na ang magseserve! " tawag sakin ng kasamahan ko.

Hehe. Sorry naman!

Tumakbo ako papunta ng service line at humingi ng bola. Tumingin ako sa gawi nila Sir Harry. Nagthumbs up sya sakin at ngumiti.

Pumito ang referee kaya kinalma ko ang sarili ko. Isa na lang! Wag ka ng papalpak!

Pinalo ko ang bola at medyo napalakas yon kaya lumabas ng court. Nagtaasan ng kamay ang mga players ng kabilang team, senyales na ipinaparating nila na outside ang bola.

Aish! Katangahan!

Hindi naging malinaw ang resulta ng serve kong yon kaya nireview nila yon. Pinalapit din ng referee yung mga line man at tinanong.

Nung matapos mag-usap ay pumito ang referee at sumenyas na samin ang point.

N-Nanalo kami?!

" Yessss! Ang galing nyo talaga, Swerd! Nanalo na naman! "

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon