PENELOPE
" Isang game na lang pala, sa finals na ang punta natin! " narinig kong usap-usapan ng mga kasama ko.
" Oo nga. Sana manalo tayo ngayong taon, no? Last year pa naman na natin " sagot nung isa.
" Sana nga. Ang balita ko pa naman ay magaling ang makakalaban natin kung sakali ".
" Kaya natin yan no! Ang galing kaya ng team natin! Magaling din kasi si Penelope kaya malaki pa rin ang posibilidad na manalo tayo! "
" Tapusin na natin yung laban natin ngayon para finals na lang ang proproblemahin natin ".
" Naku! Sana madali lang ang maging laban natin ngayon! "
Hindi ko na narinig pa ang usapan nila at pinili ko na lang na magfocus sa pagprapractice. Lumapit ako sa mga assistant para magpalagay ng bandage sa kaliwang kamay. Medyo nanakit kasi yon dulot na rin siguro ng pangangalay.
Yeah, right. Pagkatapos naman ng sportfest ay academics na naman ang kalaban namin.
" Penelope! Patulong naman ako oh! Hindi kasi ako kumportable sa ganito eh! " sigaw ng kasama ko.
Nagpapatulong sya kung papaano ang pagseserve, yung katulad nung sakin. Sa totoo lang ay hindi lang naman sya ang nagpapatulong sakin, marami sila lalo na yung mga panibago pa.
Isa kasi ako sa mga kakaiba ang style pagdating sa pagseserve. Kapani-panibago yon kaya kadalasan sa mga nakakalaban namin ay nagugulat sa paraan ko ng pagserserve. Nagiging dahilan din yon para makakuha ako ng aces na nakakatulong sa mga laban namin.
" Iangat mo muna 'to bago ka tumalon. Hindi. Hindi ganyan. Kailangan kasi ay marelease mo na muna ang bola bago ka tumalon " pagtuturo ko pa.
" Salamat! " tugon nya at pinilit na sunundan ang sinabi ko.
" Penelope! Dito na muna kayo! Break na muna! " sigaw ni Sir Harry.
Hindi naman talaga si Sir Harry ang coach namin. Sa pagkakaalam ko ay sya lang ang acting coach namin dahil nagkaproblema yata yung coach talaga namin. Sa boys talaga nagcocoach si Sir Harry kaya kapag sabay ang laro namin nila Jessie ay iba ang coach namin. Iyon din ang dahilan kung bakit may pagkakataon na sabay ang practice namin kina Jessie, kagaya na lang ngayon.
Nagpunta ako kung saan nando'n yung bag ko para kumuha ng tubig. Nagulat pa ko nung bago pa ko makapunta ro'n ay may nag-anot na sakin ng tubig.
" Thanks... " pasasalamat ko kay Jessie na syang nag-abot ng tubig sakin tapos ay kinuha sa kanya ang bote ng tubig.
Umiinom ako ng tubig nung mapansin ko ang kilos nya.
Parang balisa. Hindi ko maintindihan, ang weird. Ano na naman kayang nangyayari sa bakla ko?
" Uy! " tawag ko sa kanya at tinakpan ang bote. " Natatae ka, no? " panunukso ko pero gano'n pa rin ang itsura.
Uminom na lang ulit ako at hindi na pinansin pa ang kaweirduhan nya.
" U-Uhm... A-Ano... ". Sa wakas ay nagsalita na sya pero wala pa ring nagbabago sa mgakinikilos nya.
" Ano ba yon? Problema mo ba? " tanong ko at tinunghayan ko pa sya.
" A-Ah... A-Ano kasi... " aniya na hindi nakatingin sakin.
" Ano nga?! " nagsisimula na kong mainis sa kanya.
Ayaw na lang kasi sabihin sakin kung ano ba yung sasabihin eh!
" A-Ano... Uhm... " tumikhim na muna sya at bumuntong hininga. " M-Manliligaw n-na ko, ah? "
Napatulala ako. Kaya naman pala sya hindi mapakali ay dahil do'n ang sasabihin nya?
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Malay ko ba kung anong isasagot ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi na nakapagsalita. Ano bang sasabihin ko?
'Wag ka ng manligaw? Dahil tayo na?
Lihim akong napailing. Parang easy to get naman.
Sige. Pumapayag na ko, basta maraming flowers at chocolates?
Muli akong napailing. Baka nga hindi pa kami ay wala na syang mai-pangdate sakin. Sasabihin na naman sakin na ang taba-taba ko na.
Kinompose ko ang sasabihin ko sa kanya at bumuntong hininga. Pinapungay ko ang mga mata ko at pinalungkot ang itsura ko.
" Sige. Pumapayag na ko. Kaya lang ay baka hindi pa tayo pero maubos ko na ang pera mo. Tapos sasabihan mo na naman akong mataba, patay-gutom--- "
" Hindi kita sinabihang patay-gutom no! " putol nya sa sasabihin ko. " S-Saka ano... "
Pigil ko naman ang matawa dahil parang ngayon pa lang ay nakokonsensya na sya. " Ano yon? "
" A-Ano... N-Nag-apply na ko bilang trainee sa company namin ".
Nanlaki ang mga mata ko. " Talaga? Edi magtratrabaho ka tapos swesweldo ka rin na parang employee talaga? "
Tumango lang sya at bumuntong hininga. " Oo. Pero yung mga trabaho ko ay hindi pa gaanong kabigat para hindi raw ako mabigla sabi ni Dad. Magsisimula na ko next week. Pinapatapos lang nila yung sportfest para hindi magkaproblema. Isisingit ko na lang sa schedule ko ".
Binatukan ko sya. " Tsh! Hindi mo naman yon kailangang gawin! "
" Kailangan ko yon no! Naghahanda lang ako para sa future natin---"
Imemental ko na talaga 'tong baliw na 'to! Kung ano-ano na ang naiisip eh!
" Isa. Tatamaan ka sakin! Tigil-tigilan mo ko, Graciano! Nagsisimula ka na naman! " sigaw ko.
Ngumuso lang sya at nanahimik na. Unti-unti namang nagsink-in sakin ang lahat ng mga sinabi nya. Really? Paghahandaan nya pati future namin? Patay na patay sakin ang bakla ko ah?
" By the way... " pambabasag nya sa katahimikan. " Isang game na lang pala, sa finals na ang punta namin ".
" Talaga? Kami rin eh. Medyo nakakapagod nga lang pero worth it naman ".
" Yeah. Worth it lahat ng pagod kapag nanalo sa laban. Mas nakakapagod lang talaga kapag umaabot ng limang set ang game ".
Tumango rin ako. " Kahit nga sa practice pa lang ay feeling ko mamatay na ko sa sobrang pagod ".
Nagkwentuhan pa kami na nauwi lang sa pang-aasar nya sakin dahil mataba na raw talaga ako. Naputol na ang pag-uusap namin nung tinawag na ulit kami dahil tapos na ang break.
" Hahatid kita mamaya ah? " pahabol nya pa kaya tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
Muling kaming nagpractice para paghandaan ang laban namin na magaganap ng sabay mamaya. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula ang laban namin mula sa ibang school.
Bagamat umabot ng limang set ang laban namin ay naipanalo naman namin yon. Nahirapan talaga kami dahil aminado naman akong magaling talaga ang kabilang team. Mas nakakapagod lang talaga dahil umabot yon ng limang set, idagdag mo pa ang katotohanang maglalaro ka sa buong game at tanging mga timeouts lang ang pahinga mo.
One more time, and we'll be the champions.

BINABASA MO ANG
ATTRACTING THE SAME MAGNET POLES
Novela JuvenilJessie Graciano has everything that a girl could wish for. He has the looks and the wealth. Yun nga lang, kabaro rin ni Adan ang hanap nya. Sayang at rainbow ang favorite color nya. While on the other hand, Penelope Madrigal is an ordinary girl. Pay...