23: Sunset

57 10 0
                                    

JESSIE

Nung matapos ang movie ay sabay kaming naglakad palabas ng sinehan. Umakbay ako sa kanya kaya napasimangot na lang sya.

" Ano ba! Tigil-tigilan mo nga yang kakaakbay mo sakin! " sita nya.

Tumawa lang ako at hindi pinakinggan ang sinabi nya. " Saan mo gustong pumunta? 'Wag mong sabihing nagugutom ka na naman? Maghihirap ako dahil sayo eh ".

" Edi sige. Isusuka ko na lang lahat ng nilibre mo sakin para magtigil ka na sa kakasumbat mo sakin! "

" Hehe. Hindi na. Alam mo namang, kiss mo lang--- bayad na bayad ka na sakin! HAHAHA! "

Siniko nya ako sa tyan kaya uubo-ubo akong natigil sa pagtawa. " Yang kaadikan mo sa labi ko, kontrolin mo kung ayaw mong bugbugin kita! "

Ngumisi ako at tatawa-tawang hinalikan sya sa gilid ng ulo. " Alam naman nating dalawa na hindi mo magagawa sakin yon ".

Tinapatan nya ang ngisi ko. " Ah talaga? Pero kayang-kaya kong gawin sayo yon ".

" Lalaban din naman ako, baby. 'Wag mong minamaliit ang bakla mo ".

Napanguso sya at hindi nagsalita. Kahinaan talaga nya kapag tinatawag ko syang baby, hehe. Kapag kasal na kami, hindi nya ko mapapataob!

" Hoy! Sa'n tayo pupunta? Hindi naman ako nagugutom " saad nya na nagpabalik sa diwa ko.

" Gusto mo sa arcade? " tanong ko.

" Sige. Pero saglit lang tayo ah? Malapit nang mag-alas tres eh ".

Hinila ko na sya papuntang arcade. Sya na ang pumila para bumili ng tokens namin, tutal na sa kanya naman ang wallet ko. Dumeretso na lang ako sa loob at nagtingin-tingin sa paligid.

" Tsh! Oh. Tokens mo! " sabi nya sabay abot ng tatlong balot ng tokens.

" Ang dami naman ng binili mo! Mauubos na yung pera ko sa kakagastos sayo! Baka mamaya hindi pa tayo kinakasal--- namumulubi na tayo! " sigaw ko na dinuro pa sya.

" A-Anong---? Grabe naman talaga yang imagination mo, Graciano! Tsh! Kakapalan na ng mukha yan! " dinuro-duro nya rin ako.

Napapatingin yung iba samin dahil sa sigawan namin. Sinamaan nya lang ako ng tingin saka iniwan ako. Nagsimula na syang maglaro pero hindi na nya ako pinansin.

Tsh! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Ayoko lang namang dumating ang panahon na wala na kong mapapakain sa kanila ng mga anak namin!

Naglaro ako nang naglaro at hindi ko na rin sya pinansin. Nakaipon na ko nang maraming tickets pero hindi pa rin ako nagsasawa.

Napatingin ako nung may kumalabit sakin. " Bakit? " takang tanong ko kay Madrigal.

" A-Ano... ". Tumungo sya at pinaglaruan ang mga daliri nya.

" Ano? " Sinilip ko ang mukha nya at hinawi pa ang buhok nya.

Nag-angat sya ng tingin sakin at ngumuso. " Akin na lang yang tickets mo, please? Gusto kong makuha yung teddy bear! "

Natawa ako nang mahina at dinilaan sya. " Ayoko nga! "

" Dali na! " pamimilit nya.

" Ayoko! Akin 'to! "

Mabilis kong ipinapalit ang lahat ng tickets na meron ako pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kanya.

" Oh " ani ko saka inabot sa kanya yung teddy bear. Nagtatalon naman sya saka ngumiti nang malaki sakin.

" Thank you! " galak nyang saad at hinila na ko palabas ng mall.

" Bakit? " tanong ko.

" Anong bakit ang sinasabi mo? Malamang! Uuwi na tayo! "

" Mamaya na! Punta tayo sa likod ng mall. Ang ganda ng view ro'n lalo na kapag sunset " pang-uuto ko.

Tumango naman sya at magkahawak-kamay kaming nagpunta sa likod ng mall.

Bumitaw sya sa kamay ko nung makita nya yon. " Woooww! Ang ganda! " namamahang aniya.

Kahit ako ay napatulala sa ganda ng sunset. Lumapit ako sa kanya at umakbay. " Ang ganda nga... "

Yumakap sya sa bewang ko at isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Napabuntong hininga na lang ako, kuntento sa kung anong meron kami ngayon.

" Thank you for this day... " mahinang bulong ko.

" And thank you, too... " usal nya at yumakap na sya sakin.

Natahimik kaming dalawa. Walang may gustong bumasag sa katahimikan na meron kami. Tuluyan na ring lumubog ang araw at papadilim na ang langit pero nakatayo pa rin kaming dalawa sa pwesto namin.

" Ano kayang nangyari satin...." pambabasag ko sa katahimikan na meron kami. " ..... kung hindi tayo nagkakilala? "

Ramdam kong humigpit ang pagkakayakap nya sakin. " Edi baka hanggang ngayon, hindi pa rin tayo masaya parehas ".

" Bakit? Masaya ka ba kung anong meron ka ngayon? " inosenteng tanong ko.

Sana ay napapasaya kita, sa paraang alam ko at kaya ko.

Tumingala sya sakin pero hindi pa rin nya inaalis ang pagkakayakap nya. " Masaya ako.... sa kung anong meron tayo ngayon " nakangiting pagdidiin nya.

" Ako rin. Masaya ako sa kung anong meron tayo " nakangiting ganti ko.

Natawa sya nang mahina at umalis na sa pagkakayakap sakin. " Lika na. Baka umayaw na sayo si Papa bilang son-in-law nya ".

Bumalik na kami sa kotse ko at inihatid ko na sya sa kanila. Naabutan kong naghahain na ang Mama nya pagdating namin.

" A-Ah... Good evening po ".

Napatingin naman sakin ang Mama nya at tinawag ako. " Oh, Jessie! Sakto ang dating nyo! Dito ka na kumain samin " yaya nya.

" Sige po. Salamat ".

Ipinaghanda nila ako at maya-maya lang ay sabay-sabay naman na kaming kumain.

" Sa'n kayo nanggaling na dalawa at ginabi naman yata kayo? " ani ng Papa nya na mukhang karadating lang.

" Sa mall po " ngumunguyang sagot ni Madrigal. " Nagdate ".

Napainom na lang ako ng tubig. Ang alam kasi ng Papa nya ay sosorpresahin ko sya pero hindi ko sinabi ang lugar. At mas lalong hindi ko sinabing magdadate kami!

" Jessie? Nagdate kayo? " taas-kilay na tanong sakin ng Papa nya. Napalunok naman ako at napatigil sa pagkain.

" A-Ah... a-ano po... "

Nagsalubong ang kilay ni Madrigal. " Bakit? Hindi mo ba sinabi? "

" Ang alin? " tanong din ng Papa nya.

Bumaling si Madrigal sa Papa nya. " Ah... kaya pala pinayagan mo kong sumama sa kanya kasi hindi naman nya sinabi ang totoo? "

" S-Sir.... " singit ko.

" Ano yon? "

Kinakabahan ako at nanlalamig ang mga kamay ko. Aish! Sana makauwi pa ko!

" B-Buntis po ang a-anak nyo... " nakayukong untag ko.

" Ano?! " sigaw ng Papa nya at napatayo pa sa kinauupuan.

Hindi naman napigilan ni Madrigal ang matawa. Nahawa ako sa pagtawa nya kaya taka kaming nilingon ng Papa nya.

" J-Joke lang po yon " natatawang saad ni Madrigal.

Inis naman kaming nilingon ng Papa nya. " Kayong dalawa! Humanda kayo sakin! Natututo na kayong pagtripan ako! "

Uh-oh. Mukhang hindi pala 'to magandang ideya!

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon