JESSIE
Hindi ako makatulog. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga pangyayari kaya lalong hindi ako makatulog. Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama ko pero wala pa ring nangyayari. Ayaw akong dapuan ng antok. Dilat na dilat ag mga mata ko kahit na pagod na pagod ako. Hindi ko makalimutan yung mga nangyari kahapon, yung kwentuhan, yung asaran, yung tawanan, yung kiss.
Aish! Magpatulog ka, Madrigal!
Pinilit kong matulog kahit na para akong bulateng binudburan ng asin sa kakapaikot-ikot.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ganado akong nagbreakfast mag-isa, kahit pa bitin ang tulog ko kagabi kakaiisip. Umaalis kasi nang maaga ang parents ko at madalas ay late na rin sila kung umuwi dahil sa business.
Napatigil ako sa pagnguya nung pumasok ulit yon sa isip ko. Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa pisngi ko kaya mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka nagdrive papasok sa school.
Nagulat pa ako nung makita ko si Madrigal sa room. Nakaupo sya sa upuan nya at maangas ang tingin sakin.
Napangisi naman ako sa kanya. " Good morning! " bati ko sa kanya.
Nagulat ako nung maglakad sya palapit sakin saka tumingkayad saka ako hinalikan... sa lips.
Aaaaccccckkkkkk!!!
Ngumisi sya sakin. " Pambawi ko kagabi. Good morning din ".
Napalingon naman ako sa paligid namin. Nakatingin samin ang mga kaklase namin at nanlalaki pa ang mga mata. Sinenyasan ko lang silang manahimik sila saka ako bumaling kay Madrigal.
Nagbabasa sya kaya umupo na ko sa upuan ko at nagbasa na lang din.
Nagsimula na ang klase pero lutang pa rin ako. Nakakasagot naman ako pero wala ako sa sarili. Kaya nung maglunch tim ay basta ko na lang hinigit ang braso ni Madrigal palabas ng room.
Kinaladkad ko sya papunta ro'n sa lugar kung saan ko sya binato ng bola. Gaya ng dati ay walang tao ro'n kaya solo namin ang lugar.
" Problema mo? " takang tanong nya sakin.
Ikaw.
Isinandal ko sya sa pader at itinukod ang mga braso ko sa magkabilang gilid nya, kinukulong sya. Nanatili kaming tahimik at walang kibo sa isa't-isa.
Dahan-dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat nya, ipanapahinga ang utak ko. Nagulat ako nung gumalaw ang mga kamay nya at dahan-dahang hinaplos ang buhok ko.
Damn. Never akong naattract sa scent ng babae pero masyadong nakakabaliw ang amoy nya.
" Let's just stay like this for awhile, please? " pakiusap ko at yumakap sa kanya.
Hindi naman sya sumagot sakin. Tahimik lang kaming dalawa at walang bumabasag sa katahimikan. Wala kaming imik sa isa't-isa pero hindi awkward ang katahimikan. Nakakagaan ng pakiramdam.
" Oo nga pala, pupunta ka ba mamaya sa bahay? " tanong ko saka kumalas ng yakap sa kanya.
Kumunot ang noo nya. " Kung okay lang sayo? "
Ngumiti ako at tumango. " Of course ".
Tumango rin sya at pumunta kami sa library. Sabay kaming nagbasa at nag-aral. Kataka-takang hindi naman kami kumain ng lunch namin pero parehas kaming hindi nakaramdam ng gutom.
Mabilis na lumipas ang oras. Nung matapos ang practice namin ay sabay kaming tumakbo papuntang parking lot at saka sumakay sa kotse ko. Maya-maya lang ay nasa daan na kami papunta sa bahay namin.
" Dito ka na muna " sabi ko sa kanya at pinaupo sya sa couch. Palinga-linga sya sa buong bahay, hindi mapirmi ang mga mata. " Magpapalit lang muna ako ".
Hindi na sya sumagot kaya umakyat na ko. Binilisan ko ang pagpapalit ng damit saka ako nagmamadaling bumaba.
Naabutan kong magkausap sya at si Yaya Tanya. Ngumiti sila nung makita ako.
" Oh, sige. Maiwan ko na muna kayo. Sa kusina lang muna ako, Jessie. Tawagin nyo lang ako kung may kailangan kayo. Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain " usal ni Yaya Tanya at tumango naman ako saka nagpasalamat.
Nung pumunta na si Yaya Tanya sa kusina ay saka ako bumaling sa kanya. " Lika. Nasa taas yung claw machine ".
Inilahad ko sa kanya ang kamay at nakangiting inabot naman nya yon. Magkahawak-kamay kaming umakyat papunta sa isang kwarto.
Nagulat ako nung binawi nya kamay nya at patakbong lumapit sa claw machine. Parang bata.
" Teka. Wala akong tokens " nakasimangot na atungal nya.
" Oh ". Inabot ko sa kanya yung limang balot ng token. " Buksan mo na lang yung nasa baba para pwede mong kunin yung tokens na nahulog mo na ".
Naglaro lang kami nang naglaro. Kumain din kami ng pagkain na dala ni Yaya tapos ay laro ulit. Nung mapagod kami ay pareho kaming napaupo sa couch.
Idinausdos nya yung ulo nya sa balikat ko. " Bakit? " tanong ko.
" Inaantok na ko... " humihikab na bulong nya.
" Ganun ba? Ihahatid na kita ".
Tumango lang sya saka kami sabay na tumayo. Nagpaalam na muna ako kay Yaya Tanya bago kami umalis ng bahay.
Nung nasa daan na kami ay walang nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa dahil tutok ang atensyon ko sa pagdridrive.
Tumikhim ako. " T-Thank you for this day... "
Walang sumagot sakin kaya napalingon ako sa kanya at noon ko narinig ang mahihinang hilik nya kaya mas binilisan ko na ang pagmamaneho.
Napatigil ako sa pag-iisip nung may narealize ako. Hindi ko alam kung saan sya nakatira. Maya-maya ay itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng isang subdivision para gisingin sya.
Tumikhim ako. " P-Penelope... " niyugyog ko pa nang bahagya ang balikat nya.
" Madrigal... "
Hindi pa rin sya sumasagot.
" Pen.... gising na..."
Still, no response.
" Penny... c'mon, wake up, baby... "
Dahan-dahan syang nagmulat ng mga mata at ngumiti sakin pero hindi sya nagsalita.
" S-Saan ba yung sa inyo? " tanong ko pero nanatili lang syang tahimik at nakangiting nakatingin sakin.
Nagulat ako nung dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin saka ako hinalikan.
Kababaeng tao, adik sa halik.
Nung maghihiwalay na sana ang mga labi namin ay marahan kong kinagat ang pang-ibabang labi nya at mas hinapit ko sya palapit sakin saka ko sya patuloy na hinalikan.
Naging malikot ang mga labi ko. Naging mapaghanap. May gustong marating. May gustong puntahan.
Gumapang ang mga labi ko sa panga nya at nung hindi ako makuntento ay bumaba yon sa leeg nya.
Ayon na naman ang amoy nya. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko, masyadong nakakapanghina.
" J-Jessie... " ungol nya.
Bigla ay natauhan ako. Nanigas ako at napapahiyang napatingin sa kanya. " I'm sorry---- "
Nabigla ako nung halikan nya ako ulit. " Nandito na tayo ". Tinuro nya yung subdivision. " Doon kami nakatira. Good night! "
Tumango naman ako sa kanya. Hinalikan nya na naman ako bago sya bumaba ng sasakyan.
Napailing na lang ako. Tsh! Hinabol-habol pa nya ko nung hinalikan ko sya pero ngayon naman, sya naman ang halik nang halik sakin.
At ako naman ang habol nang habol sa mga labi nya. Yeah, right.
Kumakaway syang nagpaalam sakin kaya nagdrive na rin ako pauwi.
Damn it! Mukhang hindi na naman ako makakatulog nang maayos nito!
BINABASA MO ANG
ATTRACTING THE SAME MAGNET POLES
Novela JuvenilJessie Graciano has everything that a girl could wish for. He has the looks and the wealth. Yun nga lang, kabaro rin ni Adan ang hanap nya. Sayang at rainbow ang favorite color nya. While on the other hand, Penelope Madrigal is an ordinary girl. Pay...