6: Cheer Up

73 11 0
                                    

PENELOPE

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko mababawi pa. Kasali na ko dahil gipit na rin sila sa oras.

Problema ko pa ba kung maarte ang mga babae sa school na 'to?! Badtrip!

Napatingin ako kay Jessie. Parang mapupunit na ang mukha nya kakangiti. Siyang-siya na sya sa lagay na yan?

Badtrip talaga!

" Pero... setter po ang nilalaro kong posisyon ".

" Sakto! Iyon ang nga ang kailangan namin! "

" P-Pa'no po yon? H-Hindi po kasi ako papayagan ng mama ko... " nanlulumong saad ko. Alam kong walang magbabago dahil kasama na ang pangalan ko, pero nagbabaka sakali akong mapakausapan ko sila.

" Naku, gano'n ba? Hindi ka naman pala papayagan eh. Pano yan? Hindi ko na talaga pwedeng bawiin " napapailing na sabi nya.

" Eh wala naman po kasing problema sakin. Kaya lang po yung mama ko, sya po talaga ang ayaw na sumali ako sa sports... "

" Gano'n ba? Pwede mo bang papuntahin na lang dito bukas ang mama mo para makausap ko sya? "

Napatango na lang ako. " S-Sige po. K-Kayo na lang po ang kumausap sa kanya... "

Nagsimula na rin ang sukatan para sa jersey namin. Pumila kami isa-isa habang kinukuha ang mga sukat namin.

" Apelyido mo, hija? "

" Madrigal po ".

" Anong number? "

" 7 po ".

Kinuha na ang mga sukat ko pero parang wala ako sa sarili ko.

Tiyak na papagalitan na naman ako.

Napailing na lang ako. Hindi ako makapaniwala na muli kong gagamitin ang number 7. Simula nung maglaro kasi ako ng volleyball, yon na talaga ang ginagamit ko. Ewan, lucky charm ko yata.

Hindi rin naman nagtagal ang pagsusukat ng jersey. Pinulong ulit kami nung teacher para paalalahanan sa mga bagay na kailangan naming gawin at tandaan.

Nung matapos yon ay isa-isa na kamin nagsialisan sa gym. Kinausap ulit ako nung teacher na papuntahin si Mama bukas.

Nagulat ako nung may babaeng sumampal nang malakas kay Jessie. Halatang masakit yon dahil tumabingi ang ulo nya.

Parang mahihiwalay na ulo nya no'n eh. Tsk! Tsk!

Sa tingin ko ay nasa late thirties na yung babae. Kasama nya yung lalaki na mukhang asawa nya. Noon ko lang napansin ang pagkakahawig nila kay Jessie.

Baka parents ni Jessie.

" At ang lakas ng loob mong sumali ng volleyball pero hindi mo man maipasa ang mga subjects mo! Puro ka kahihiyan. Akala mo ba papayagan kitang sumali?! " halos mapigtal yung mga ugat nung babae kakasigaw sa kanya. Pilit pa rin syang inaawat nung lalaking kasama nya.

" Kakausapin ko ang principal nyo para hindi ka payagan na makasama! Mag-aral ka muna na hindi yung puro paglalandi ang inuuna mo! "

Nakatungo lang si Jessie habang sinasabihan sya. Nakakuyom ang dalawang kamay nya at nanatiling tahimik.

Naglakad ako patungo sa babae at tumingin sa kanya. " Ang mama ko... tutol din sya sa paglalaro ko hindi nya ko sinabihan ng mga ganyang salita ".

Nagsalubong ang kilay nya. " At anong gusto mong sabihin? "

" Na sobra ka naman yata ".

Natigilan silang lahat. Ginawa ko naman yong hudyat para bumaling kay Jessie.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. " Halika na " ngumiti pa ako nang tipid sa kanya.

Lumipas ang ilang segundo ay walang imik na tinanggap nya yon saka namin nilagpasan silang lahat at naglakad palabas ng school.... na magkahawak-kamay.

JESSIE

Tahimik lang kami nung tumigil kami sa tapat ng isang coffee shop.

" Tara sa loob. Ilibre mo ko " yaya nya sakin.

Kapal ng feslak!

Naupo naman kaming dalawa sa bakanteng mesa. Lumapit samin ang waiter pero si Madrigal na ang umorder para saming dalawa. Hindi man lang nya ako tinanong kung anong gusto ko at basta na lang nagtuturo ng kung ano-anong kape at cake sa waiter.

Nang makaalis yung waiter ay bumaling sya sakin at ngumiti.

" Magkwento ka, makikinig ako ".

Hindi ko alam pero sa apat na salitang sinabi nya, tuluyang nahulog ang mga luha ko.

All my life, akala ko walang makikinig. Akala ko walang may pakialam na alamin kung ano ang nararamdaman ko.

At natagpuan ko ang sarili ko na nagkwekwento sa kanya. Lahat-lahat sinabi ko.

" Ang parents ko... parehong busy sa business namin. Only child din ako kaya sanay na akong maid ang kasama ko.... " napatawa ako nang pagak tuwing naaalala ko na mas close pa kasi kami ni Yaya Tanya keysa sa sarili kong parents.

" Alam ko namang disappointed na talaga sakin dahil hindi ko dahil hirap talaga ako sa academics. Hindi ko nga alam kung bakit parang hindi ko maramdaman na anak nila ko. Basta, namalayan ko na lang na may mga kasama naman ako, yet I feel so alone... " sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko.

Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at sunod-sunod para pigilan ang sarili ko na mapahikbi nang malakas.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko para hindi nya ko makita.

Baka ang pangit ko na! Nakakahiya!

" Haha! 'Wag kang mag-alala, gwapo ka pa rin naman kung itsura mo ang inaalala mo ". Nakangiti nyang usal sakin.

Tumigil ako sa pag-iyak. Dumating na rin pala ang order namin kaya natahimik kaming dalawa saglit. Nung kami na lang ulit dalawa ay saka ako nagsalita habang humihigop ng kape.

" Ikaw naman ang magkwento ".

" Ako? " tinuro nya pa ang sarili nya.

" Hmm " tumango pa ko sa kanya.

Umayos naman sya ng upo. " Ano bang gusto mong malaman? "

" Bakit ayaw ng mama mo na maglaro ka? " napasinghal naman ako nung may maaalala. " Naglalaro ka naman pala. Feeling ko tuloy ako lang din ang napahiya ".

Napatawa sya saglit.

" Ahm... ang mama ko, sya talaga ang tutol na maglaro. Ang papa ko naman ay suportado ang kung anong gusto ko. Basta yung nakakabuti lang daw sakin " tumikhim pa at huminto saglit na parang nag-iisip. " Ewan ko ba. Basta sabi ng mama ko, mag-aral na lang daw ako. Hindi yung kung ano-ano ang inaatupag ko. Sinabi ko naman sa kanyang kaya kong pagsabayin pero ayaw nya talaga... "

Napabuntong-hininga kaming dalawa. Parehas lang kaming dalawa. Gusto lang naman naming maging masaya, pero sadyang marami ang humahadlang.

Natahimik na kaming dalawa at inubos na lang order namin. Marahil ay pareho kaming may iniisip. Hindi namin maintindihan kung bakit kung ano pa yung nakakapagpasaya samin, iyon pa ang tinututulan.

Nang matapos kami ay nagbayad lang AKO tapos ay saka kami naglakad ulit papuntang school.

Tahimik pa rin kaming dalawa nung makabalik kami. Kataka-taka na bagamat walang nagsasalita samin ay hindi naman awkward.

" Sige na " nagulat ako nung tinapik nya ako sa balikat. " Cheer up, okay? Sabay nating patunayan na mali sila. Kaya nating maging masaya pero sumusunod pa rin tayo sa kanila ".

Salamat, Madrigal.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon