17: The Reason Why feat. Jelly Jelly

62 10 0
                                    

PENELOPE

Naiiyak ako sa mga nangyayari pero wala akong magawa. Kasalanan ko naman.

Cold ang pakikitungo sakin ni Jessie at hindi rin nakakatulong ang mga pambwibwisit ni Nami. Mas lalo ko lang nararamdaman na mag-isa ako.

Umuwi ako sa bahay at nagpalit na ng damit. Pumunta ako ng kusina at hinanap si Mama.

" Ma? " malakas na tawag ko.

" Bakit? " malakas din nyang sagot.

Nandoon si Mama, naghahanda na sa pagluluto. Naghihiwa sya ng sibuyas at tinawag ako.

" Iabot mo nga sakin yung toyo " utos nya pero hindi ako sumunod. Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap sya sa likod.

Nagulat sya pero hindi sya nagsalita. Nagsimula na kong humikbi kaya bumuntong hininga sya at humarap sakin.

" Eskwelahan o yung lalaking nakita ko sa office nung pumunta ako ro'n? "

Lupet naman ng mama ko.

" Bakla po sya... " umiiyak na sabi ko.

" Oh? Eh ano naman? " mataray na aniya. " Mahal mo, no? " mapanuksong dagdag nya pa.

" Natatakot ako, Ma... " mas lumakas ang iyak ko nung maaalala ko sya.

" Sa'n naman? " takang tanong nya. " Hindi naman ibig sabihin na bakla sya ay hindi na sya pwedeng magkagusto sa babae ".

" Yun na nga, Ma. Bakla sya. Pa'no kung hindi naman pala talaga nya ko mahal? Pa'no kung naninibago lang pala sya kasi may mga bagay na nagawa ako sa kanya na hindi nagawa nung iba? Ayokong sa huli ay ako rin ang maiwang mag-isa... "

" Pero mas pagsisihan mo kapag hindi ka umamin sa nararamdaman mo. Yan ang 'wag mong gagawin. Don't underestimate his feelings for you. Lahat ng bagay ay nakakamit kung susubukan mo. Walang mangyayari kung uunahin mo ang takot at pangamba. Sigurado akong mas hindi mo kakayanin kung kailan wala na sya ay saka ka lang kikilos. Mahalaga ang bawat oras " mahabang litanya ni Mama.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Mama. Nagpaalam na ko na pupunta na ko ng kwarto. Nahiga ako sa kama ko at napatulala sa kisame.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano namang gagawin ko? May magbabago kaya kung sasabihin ko ang nararamdaman ko? Eh pa'no naman ako aamin sa kanya?

Kaya ko'to. Sya nga nagawang umamin, ako pa kaya?

Namasa ang gilid ng mga mata ko. Miss na miss ko na sya.

Tama siguro talaga si Mama. Mahal ko talaga sya. Takot lang siguro akong sumubok dahil pinagduduhan ko ang nararamdaman nya.

Tsh! Ang sakit sakit ng loob ko nung binuhusan nya ako ng juice kanina. Pero mas masakit pa rin nung talikuran nya ako at umalis na parang wala syang pakialam sakin.

Mas hindi ko nga kakayanin kung mawawala sya. Nakakapanghina ng mga tuhod.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang pagod at pag-iisip.

Nagising ako nung may narinig akong ingay sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko.

1: 54 am.

Nagtaka ako. Gising pa sila eh mag-aalas dos na?

Pinakinggan kong mabuti ang usapan nila. Si Mama yung nagsasalita at parang may kausap sya na lalaki.

" Basta bilisan mo lang ah? Baka magising yung papa nyan. Maabutan ka pa rito " mahinang sabi ni Mama.

" Hindi rin naman po ako magtatagal. Gusto ko lang talagang sya makita ".

Nanlaki ang mga mata ko nung makilala ko ang nagmamay-ari nung boses.

Pumasok sa kwarto si Mama at kasunod nyang pumasok si Jessie!

Oo, si Jessie!

Nagulat pa silang makitang gising ako. Bumangon ako at umupo sa kama.

" A-Ah. Maiwan ko na muna kayo " ani Mama at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naiwan kaming dalawa pero walang nagsalita saming dalawa.

Nagulat ako nung naglakad sya palapit sakin at pinagpantay ang mga mukha namin.

" Bakit? " tanong ko pero hindi sya nagsalita. Halos maduling na ko sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Nanlaki ang mga mata ko nung halikan nya ko. Kinagat nya ang pang-ibabang labi ko kaya mas lumalim ang halik nya.

Niyakap ko sya para hindi sya lumayo. Napaluha na lang ako sa sobrang relief. Mahal pa rin naman nya ko, diba?

Pinutol nya ang halik at nagtatakang tumingin sakin.

" Bakit? " tanong nya at pinunasan ang mga pisngi ko.

" I-I love you... " lumuluhang saad ko.

Napanganga sya ng ilang segundo at umayos ng tayo.

Hinalikan nya ako sa noo at bumulong. " Mag-usap tayo bukas, okay? "

Humihikbing napatango na lang ako sa sinabi nya.

Ngumiti sya sakin nang tipid. " Sige na, matulog ka na. Uuwi na ko. I love you... "

Narinig ko ang pagsarado ng pinto namin at pag-andar ng sasakyan.

Napangiti ako nang malaki. Yung parang ngiting aso? ganern.

Hindi na yata ako makakatulog. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Maya-maya lang pumasok si Mama sa kusina.

" Ano? Kamusta ang pag-uusap nyo? " tanong nya.

Uminom ako ng tubig saka ngumiti nang malaki sa kanya. Sinugod ko sya ng yakap at natawa.

" Mag-uusap kami bukas, Ma ". nakangiting pagkwekwento ko pa. Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang saya kahit wala naman talagang nakakatawang nangyari.

Baka magulat na lang ako, mamatay na ko bukas.

" Ano? Sabi ko sayo eh umamin ka bago pa mahuli ang lahat " usal nya saka tinapik-tapik ang likod ko.

Indeed, mothers know the best.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. " Thank you po, Mama. You're the best! "

Natatawa naman syang humiwalay ng yakap sakin. " Sus! Nambola ka pa! Manang-mana ka talaga sa Papa mo! "

" Sige na, matulog ka na. Anong oras na oh. Ayaw mo naman sigurong magmukhang zombie sa harap nya bukas, diba? " natatawang pagtataboy nya.

" Ikaw rin, Ma. Papanget ka tapos iiwan ka na ni Papa ".

" HAHAHA! Ikaw talagang bata ka oh! Takot sakin yang Papa mo no! Hindi ako nyan iiwan kahit ako pa ang maging pinakapanget na babae sa mundo! Mas malakas kaya akong bumatok sa kanya! Subukan lang nya! Hinding-hindi ko sya aatrasan! Baka nga ako pa ang maghanap ng iba eh! "  confident na sabi nya.

Natawa naman ako. " Hanep sa confidence ah? Panatag na panatag! Kapag nangyari yung sinabi ko, ako ang unang tatawa sa inyo! " biro ko pa.

Iwinasiwas nya ang mga kamay nya naparang tinataboy ako. " Sige na! Matulog ka na! Baka mamaya ikaw ang iwanan nung bakla mo! Pwedeng pwede yong maghanap ng iba! Hindi pa naman yata kayo! "

" Mama naman eh! " atungal ko pero umalis sya sa kusina.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon