18: I Want You Back feat. Missing U

61 10 0
                                    

PENELOPE

Maaga akong pumasok ng school. Ayon pa rin ang mga bulong-bulungan pero hindi ko na sila pinapansin. Nginingitian ko pa nga sila kaya parang natatakot silang iiwas sakin.

" Gold digger na nga, baliw pa! "

" Abnormal yata yan eh! "

" She's creepy! Nababaliw na yata sya! "

" Hala! Tuluyan na nabaliw ang lola mo! "

Napahagikhik na lang ako sa mga sinasabi nila. Pumasok na kaya sya? Anong oras kaya kami mag-uusap?

Lumaki lalo ang ngiti ko kaya parang maiihi na sa takot yung mga nakakakita sakin. Paakyat na sana ako sa building namin nung may humatak sakin papunta sa kung saan.

Sisigaw na sana ako nung hinalikan ako nung humatak sakin.

Si Jessie!

Ihinawalay ko sa kanya ang mukha ko at binatukan sya. Napa-aray naman sya sa sakit.

" A-Aray ko naman! " inis na sigaw nya at pinanlakihan pa ko ng mga mata.

" A-Ano ka ba naman kasi! N-Nanggulat ka kasi! A-Ang aga aga, nanghahalik ka agad! " singhal ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nung ngumisi sya at inilapit ulit ang mukha nya sakin. " So mamaya, pwede na? "

" A-Anong p-pwede na?! A-Ano bang sinasabi mo?! Tatamaan ka sakin! "

Tumawa lang sya sa sinabi ko at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. " Good morning, baby... "

Lumamlam ang mga mata ko at ako na mismo ang tumingkayad para halikan sya.

" Good morning ". Ngumiti ako at yumakap sa leeg nya.

Ngumiti rin sya sakin pero hindi sya nagsalita. Bumaba ang ulo nya at ipinirmi nya ang mukha nya sa leeg ko.

Sinuklay ko lang ang buhok nya at hindi nagsalita. " Mamaya na tayo mag-usap. Siguro lunch time o di kaya ay sa uwian, pagkatapos ng practice natin, okay? " kalmadong aniya.

Tumango ako nang konti habang sinusuklay pa rin ang buhok nya.

" I miss you.... " mahinang saad ko pagkalipas ng ilang sandali.

" I miss you too, baby... " sagot nya. Narinig kong tumawa sya at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. " Akala ko ay nakalimutan mong sabihin sakin ". 

Umayos na kami ng tayo at sabay na umakyat papunta sa room namin. Patuloy pa rin ang bulungan nila pero wala kaming pakialam parehas.

Nung pumasok kami ng room ay hinarang agad ako ni Nami. Kasama nya rin si Sharon at Yuna na parehas mataray ang tingin sakin.

" What are you doing here? " tanong nya agad.

" Sa tingin mo, para saan ang school? Siguro pasyalan?! " pairap na tanong ko. " Maganda nga, abnormal naman " bulong ko pa.

" Freak " asik nya.

" Utak-talangka " ganti ko.

Nagulat ako nung hinawakan ako ni Jessie sa braso, pinapatigil ako. Napatingin ako sa kanya, inilapit naman nya sa tenga ko ang mukha nya at bumulong.

" 'Wag ka na kasing pumatol. Sa susunod na lalapitan ka nya, ako na mismo ang sasabunot sa kanya ".

Natawa ako sa sinabi nya at nilampasan na namin sila Nami. Umupo na kami sa upuan namin at nagbasa na lang.

Tsk! Tsk! The perks of having a gay boyfriend.

Napasimangot ako sa naisip ko. Hindi ko naman sya boyfriend. Hindi rin naman sya nanliligaw.

Sya ang magiging girlfriend ko, hehe.

Mabilis na lumipas ang klase at nung lunch time naman ay hindi rin kami nakapag-usap dahil pinatawag daw sya ng teacher. Kaya naman no choice kundi sa uwian na kami mag-usap.

Nung matapos ang practice ay sabay kaming nagpalit ng damit at saka nagpahuling lumabas ng gym.

" Tara sa bahay? " tanong nya nung nasa parking lot na kami.

Tumango ako at ngumiti. Mabilis syang nagdrive papunta sa kanila.

Tsh! Kinakabahan ako! Hot seat yata ako nito!

Nung makarating kami sa kanila ay inihatid nya ako sa kwarto nya. Sumigaw lang sya sa Yaya nya na 'wag mang-istorbo.

First time kong papasok sa kanya. Baka hindi na ko makalabas!

Naupo ako sa gilid ng kama nya habang sya naman ay nanatiling nakatayo at ipinagkrus ang mga braso nya.

" Now, talk " seryosong aniya.

Napalunok naman ako sa sobrang kaba. " A-Ano k-kasi.... A-Ahm... "

Hindi na ko makapagsalita sa kaba! Matatapos pa kaya ako sa pagkwento nito?

" Kasi ano? Come on, magsalita ka na. Tumatakbo ang oras " mas seryoso nyang sabi.

Feeling ko talaga tinatakot nya ko eh.

" S-Sandali naman k-kasi! N-Nanakot ka kaya! 'Wag ka na kasing magsalita! H-Hindi ako makapag-isip ng sasabihin eh! "

Tumaas naman ang kilay nya, seryoso pa rin. " Ano ba kasing sasabihin mo ha? ". Nagsisimula na syang mainis dahil tumataas na rin ang boses nya.

" Anong ako? Ikaw kaya ang gustong makipag-usap sakin! Ang kapal mo talaga! "

" Ako? Bakit ako? Umamin na naman na ko diba? Ang dami-dami kong gustong sabihin sayo nung araw na yon! Pero anong ginawa mo? Pinutol mo nga yung mga sinabi ko eh! Tapos ngayong wala na kong sasabihin, ako naman ngayon ang pinipilit mong magsalita! Ikaw kaya ang may sasabihin! " sigaw nya.

" Hoy, Graciano! Hindi kita pinipilit na pakinggan ang mga sasabihin ko! Oo, ako nga ang may sasabihin pero ikaw naman ang gustong makipag-usap sakin! Eh ano 'tong ginagawa mo? May nalalaman ka pang dalhin ako rito sa bahay nyo tapos sisigaw-sigawan mo pa ko?! Batukan kita r'yan eh! " mas malakas na sigaw ko. Syempre, hindi ako papayag na mas malakas ang sigaw nya.

Ang kaninang inis na ekspresyon nya ay napalitan ng ngisi. Natawa na pa sya kaya nagtaka ako.

Maya-maya pa ay naipailing-iling sya at nameywang sa harap ko.

" Oo nga naman. Nasa bahay kita. Sa kwarto ko, to be exact " ngisi nya kaya  tumaas ang kilay ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nung marealize ang ibig sabihin nya. Lumayo ako sa kanya at pumwestong animong makikipaglaban sa kanya. " Try and die, Graciano. 'Wag mo kong susubukan ".

Natawa na lang sya sakin at hinigit ang kamay ko palapit sa kanya. Niyakap nya ako nang sobrang higpit, yung tipong hindi na ko makakahinga.

" J-Jessie! A-Ano ba! H-Hindi ako m-makahinga! P-Pakawalan mo nga k-ko! B-Bwiset ka talaga! " hirap na hirap na usal ko.

Medyo lumuwag naman ang pagkakayakap nya sakin kaya nakahinga na rin ako nang maayos.

Nanatili syang nakayakap sakin at inilapit ang mukha sakin. Hinaplos nya ang pisngi ko at tumitig sakin.

" On the other hand, you don't have to say anything. Alam ko rin namang mahal mo ko! HAHAHA! " confident na aniya.

" Taas ng confidence level mo ah! Siguradong-sigurado? " mapang-asar na tanong ko.

Pinantayan nya ang ngisi ko. " Sabihin mong hindi? "

" Hindi " sagot ko at kitang-kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon nya.

Sumeryoso sya ulit at bumuntong hininga. "  Say that you want me back, please? " nagmamakawang aniya.

Nangilid ang mga luha ko. Tumango ako at saka ngumiti. " Yes. I want you back. I want my baby back, please? "

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon