11: Rainbow

74 9 0
                                    

PENELOPE

" Oy! Punta tayo mamaya ng coffee shop pagkatapos ng practice " yaya ni Jessie habang naglalakad kami papuntang gym. " At oo, libre ko ".

Naningning naman ang mga mata ko. " Talaga?! Sige! "

" Mukha ka talagang libre " kuda nya. " Sya nga pala, yung claw machine nasa bahay na nung isang araw pa. Nakalimutan ko lang sabihin sayo ".

" Hmm... bukas na lang ako pupunta sa inyo. Magpapaalam pa ko ".

Tumango sya at dumeretso na papuntang CR para magpalit. Nagpalit na rin ako at sabay rin kaming lumabas.

Nagkatinginan pa kami nung parehas kaming nakapulang jersey na may number 7. Magkaiba nga lang ng school.... at ng apelyido.

Hindi ko yun ginawang big deal pa at nagsimula na sa pagprapratice.

Nagtoss ako nang nagtoss at paminsan-minsan ay nakikisali sa mga nagseseserve. Pumito nang malakas si Sir at sinenyasan kaing lumapit sa kanya.

Bumilog naman kami at saka humarap sa kanya.

" Naisip ko, maglaro tayo kahit practice game lang. Yung tayo-tayo lang muna " panimula nya.

Agad na sumang-ayon ang karamihan samin kaya mas naging excited ang lahat. Ito kasi ang kauna-unahan na magkakaroon na kami ng laban, kahit na practice game at kami-kami lang din ang magkakalaban.

" Sige. Girls versus boys lang siguro ".

Nagsimula ang laban at isa lang ang masasabi ko, magaling talaga ang boys. Kapansin-pansin ang pagiging ganado ni Jessie kahit simula pa lang ng laban.

" Nice one, Jessie. Ang galing mo, bakla! "

" Good job, Jessie! "

" Whoa! Ang gandang spike no'n, Jessie! "

" Lupet! Siguradong ikaw na naman ang MVP! "

Nagsisimula na akong mainis. Kahit practice game lang ay masyado nyang sineseryoso. 12-15 na ang score. Sila ang lamang.

Nung ako na ang magseserve ay may sinusulyapan ako sa harap. Hinahanap ko si Jessie. Alam ko na ang kahinaan nya.

Kung gaano kasi sya kagaling sa pagpalo ay sya namang kulelat nya pagdating sa receiving ng bola.

Tinarget ko sya sa serve. Sinasadya kong sa kaya mapunta at hindi naman ako nabigo. Nakapuntos ako dahil sa ace.

" Nice, Penelope! Isa pa! "

Sya ulit ang hinanap ko at napansin ko naman ang pangungunot ng noo nya. Nung sinerve ko ang bola ay nagulat ako nung biglang humarang yung libero nila dahilan para makuha nila yung bola.

Pumalo si Jessie pero nareceive yon ng libero namin. Pero alanganin ang pwesto ko. Masyado akong malayo para magset. Itinaas naman yun ng kasamahan ko at tinawag ako.

Ako? Mag-iispike ng bola? Kaya ko kaya?

" Penelope! Sayo! "

Bumwelo ako at saka tumalon nang mataas. Sakto lang ang pagtaas ng bola kaya napalo ko ito at nakascore kami!

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Napapansin ko ang mga sulyap nya pero nagfocus na lang ako sa paglalaro.

Sa huli ay tie lang kami. Ipinatigil na rin kasi ni Sir ang laro dahil maggagabi na raw. Nung matapos ang practice ay hindi na kami nagkapagpalit pa ni Jessie dahil sa pagmamadali nya. Hinila nya na lang ako basta sa braso saka kami tumakbo papunta sa coffee shop.

Humihingal na naupo kami sa bakanteng upuan at natawa na lang kaming parehas sa kagagahan namin.

" Ang sweet nila! Tignan mo, parehas silang nakajersey tapos pareho pa ng number! Nakakakilig! "

" Ganyan ang goals! Imbes na pinagbabawalan ka, sinusuportahan ka pa sa ginagawa mo ".

Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap tungkol samin. Nagbubulungan pa rin sila habang nakatingin samin.

Napailing na lang ako at tumingin kay Jessie na nakatingin din sakin. " Bakit? "

" Anong bakit? " takang tanong nya.

" Bakit ka nakatingin sakin? " taas-kilay kong tanong.

" H-Hindi ka ba oorder? " muling tanong nya at saka sya ngumiwi. " Libre ko naman eh ".

Tumawag sya ng waiter at lumapit naman ito samin. Umorder naman ako nang sobrang dami saka tumingin sa kanya.

" Alam mo, napapaisip talaga kung bakit ka naging bakla " sabi ko at iniwas ang paningin sa kanya.

Napatitig sya sakin ng ilang minuto saka bumuntong hininga. Ipinagkrus nya ang mga braso at nag-isip ng mga sasabihin. " Ahm, pa'no ko ba sisimulan? K-Kasi... diba, busy ang parents ko? Wala silang time para sakin kaya kay Rolando ako napasama. Yung bakla na mukhang shokoy? Sya yon " pang-iinsulto nya sa baklang laging nyang kasama. " Tapos, yon... One time, nagising na lang ako na parang may iba sakin. Nagkakagusto rin naman ako sa mga lalaki pero hindi ako tulad ni Rolando  na nagboboyfriend "

" Yeah... ang pangit lang tignan na mas gwapo ka pa sa boyfriend mo " ani ko at sabay naman kaming natawa.

Dumating ang order namin kaya nanahimik kaming dalawa saglit.

" Alam mo ba, kung bakit 7 ang number ko sa jersey? " pambabasag nya sa katahimikan. " Ang rainbow kasi, may 7 kulay. Dahil ang rainbow ay may special na meaning para sakin. Kung para kasi sa iba, ang nagpapacomfort sa kanila ay ice cream, movies o kung ano-ano pa, ang iba ang sakin "

Tumingin sya sa malayo na para bang may naaalala. " Tuwing pinapagalitan ako ng Mom ko dati, maiiyak na lang ako kasi, pakiramdam ko mag-isa ko.  Pero hindi, dahil sa tuwing tatahan na ko sa kakaiyak, titila na rin ang ulan. Pagkatapos ay saka lilitaw ang isang magandang rainbow... "

Nagkwentuhan lang kami at nagkape, walang pakialam sa lahat ng bagay. Nung matapos kami ay saka SYA nagbayad ng mga kinain namin.

" Narinig ko yung mga babae pala kanina. Ang sabi, bagay raw tayo! HAHAHAHA! " tawa nya.

" Sus! Wala talagang sinabing gano'n kanina yung mga babae! Ang sabi lang nila, ang sweet natin parehas dahil pareho tayong nakapulang jersey! Nagkataon lang yon no! "

" Tsh! Ba't ka naninigaw? Crush mo ko, no? Wag kang mag-aalala. Kapag may party tayong pupuntahan, ako magmamake up sayo! "

" Anong crush kita? Kapal ng mukha mo! Oo nga't gwapo ka, pero wala akong crush sayo no! Ano yon? Ako parati ang nasa taas? Kapal mo! "

" A-Anong nasa t-taas? What the f*ck, Madrigal? Pinagnanasahan mo ko? How dare you! "

Binatukan ko sya. " Ano ka ba? Anong pinagnanasahan? Wala naman akong sinabing pinagnanasahan kita no! Ang tigas tigas talaga ng---- "

Inilapit nya sakin ang mukha nya. " Ng ano, Madrigal? Anong matigas sakin? " ngingisi-ngising sabi nya.

Susuntukin ko sana sya pero nasalag nya yon saka hinila ang braso ko at saka ako hinalikan... sa lips!

First kiss ko!

Tatawa-tawa syang tumakbo pabalik ng school habang ako naman ay inis na hinabol sya.

Argh! Humanda ka sakin, Jessie!

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon