20: Knock Knock!

70 10 0
                                    

JESSIE

" Hatid na kita " sabi ko kay Madrigal nung matapos yung laban namin. Syempre, dahil inspired--- panalo!

" Ha? 'Wag na. Baka pagod ka na eh. Magpahinga ka na lang. May laro pa tayo bukas " sagot nya.

Nagpumilit pa rin ako kaya wala na syang ginawa kundi pumayag. Inalalayan ko sya pasakay sa kotse ko at maya-maya lang ay tinatahak na namin ang daan papunta sa kanila.

" Dito na lang ". Inihinto ko ang kotse sa isang bahay na may dalawang palapag. Pang-karaniwan at tipikal ang itsura ng bahay nila. Katam-taman lang din ang laki nito,  pinaghalong asul at dilaw ang kulay.

Bumaba kami sa kotse ko at pumasok kami sa loob. Simple lang din ang loob ng bahay nila, hindi ga'nong madisenyo. Konti lang din ang mga gamit na nandoon.

" Welcome sa PBB! " sigaw nya sa mukha ko saka itinaas ang dalawang kamay nya.

Natawa na lang ako, kagaya nga nung bahay ni Kuya ang itsura ng bahay nila.

" Ate! " sumulpot ang isang batang babae sa harap namin. Nung makita nya ako ay nanlaki ang mga mata nya. " Hala! Ikaw yung kahalikan ng ate ko! Isusumbong kita kay Papa! "

Tinawag sya ni Madrigal pero huli na dahil tumakbo sya palabas ng bahay nila at nagsisigaw.

" Papa! Nandito yung kahalikan ni Ate! " dinig ko pang sigaw nya.

Bumaling ako kay Madrigal. " N-Nakita nya tayong--- "

Tumango na sya bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Maya-maya pa ay dumating ang dalawang tao kasama yung batang babae kanina.

Yung isa sa kanila ay nakita ko na. Sya yung babaeng nagpunta sa office ni Sir Harry.

Sya yung mama nya.

Sa tabi nya ay isang lalaki na masama ang tingin sakin. Mas matangkad lang sya ng konti sakin, malaki rin ang katawan nya pero hindi sya mataba.

Sya siguro yung papa nya.

Napalunok ako sa sobrang kaba. Makakauwi pa naman siguro ako nito diba?

Agad akong tumango sa kanila. " I-I'm Jessie Graciano. Penelope's.... "

Naputol ang pagsasalita ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano nga ba nya ako? Friend? Boyfriend? Classmate?

" A-Ah, n-nililigawan ko po sya " pagpapatuloy ni Madrigal sa sasabihin ko.

What the f*ck?!

Gulat na nagpalipat-lipat silang dalawa ng tingin samin. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa sinabi nya.

" A-Anong...I-Ikaw pa n-nanliligaw sa kanya? " maang na tanong ng papa nya.

" Syempre. Pakipot sya eh. Kaya ako na nanligaw ". Parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi nya.

Nung matauhan ang mga magulang nya ay sabay silang lumapit kay Madrigal at binatukan sya.

" A-Aray ko naman! "

" Siraulo ka ba? Tigil-tigilan mo ko, Penelope! Ano 'tong sinasabi ni Pacific na iyang lalaking yan ang kahalikan mo? Sumagot ka nang maayos kung ayaw mong tamaan ka sakin! " sigaw ng papa nya.

Bumaling naman sakin yung mama nya. " Ano bang relasyon nyong dalawa ha? "

" Magkaibigan po kami " sagot ko.

" Boyfriend ko sya " sagot naman ni Madrigal.

Nagkatinginan kami. Umayos ka! Gusto ko pang maglaro bukas!

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon