JESSIE
Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik nung makaalis si Madrigal. Maririnig mo na nga ang tunog ng aircon.
Napailing si Ma'am Saboro. " Hindi porket ikaw ang pinakamatalino, hindi ka na susunod sa patakaran. Balewala ang lahat ng katalinuhan na mayroon ka kung wala kang disiplina. Alam nyo naman na mahigpit ang pagbabawal ng eskwelahang ito sa pagsusuot ng hindi kumpletong uniporme, may sumuway pa? "
Tama si Ma'am. Hindi ko nga rin alam kung bakit kailangan na ipagbawal ang pagsusuot ng t-shirt sa school. Kaya nga kahit napipilitan, kailangan mong sumunod. Nagdadala na lang kami ng mga extra na uniform para hindi kami mapagalitan.
Ewan ko ba ro'n sa echoserang palaka naming principal. Daming knows. Fake naman yung pwet!
Nagpatuloy ang klase ni Ma'am Saboro at nung matapos sya ay break time na. Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng room.
" Baaaaklaaaa!! " 'wag na kayong magtaka. Si Rolando yon. " Gaga ka! Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap! "
" Bakit ba? Anong ganap? " tanong ko.
" Pinapatawag tayo ng aking minamahal na guro! Halika na! Excited na kong makita ang future ko! " hinila nya ako papunta sa office ng mga teachers.
Nang makapasok kami ro'n ay problemadong mukha ni Sir Harry agad ang bumungad samin.
" Oh! Buti naman at nandito na kayo! " napabuntong-hininga si Sir nang malakas.
" Bakit honeybunch? Ano bang problema? " malanding tanong ni Rolando sa kanya. Kadiri talaga 'tong lukaret na 'to.
Walang nagbago sa itsura ni Sir Harry. Mukhang malaki ang problema.
" Eh diba... mahigit isang buwan na lang ang mayroon tayo bago ang sportfest? " tumango kaming dalawa ni Rolando. " Kulang pa kasi ng player ang volleyball sa girls ".
" Ha? Pa'no nangyari yon? Eh diba isa naman ang volleyball sa paboritong sports ng mga babae? Bakit tayo kinulang tayo sa players? " nagtatakang tanong ko.
" Eh sa arte ba naman ng mga babae rito sa Swerd? Kung pwede nga lang na naka-wheel chair na sila para hindi na sila maglakad, baka ginawa na nila! Yun pa kayang tumakbo sila para lang habulin yung bola?! " makatotohanang sabi ni Sir.
Tsh! Sa sobrang arte ng mga yon, tinulak lang feeling naman nila inaragabyado na sila.
May kalokohang pumasok sa isip ko nung maalala ko si Madrigal.
" A-Ahh... Sir, ano na lang po ba yung kulang? " tanong ko, nagpipigil ng ngiti.
" Kulang tayo ng setter. Nagtatanong na nga ako sa iba kung may kakilala ba silang interesadong sumali ".
Isa na lang pala, kung gano'n. Cry, Madrigal.
" Sir Harry... M-May kakilala po akong marunong maglaro... Sa totoo lang ay setter din ang position nya " singit ko. Kitang-kita ko kung pa'nong nagliwanag ang mukha ni Sir Harry.
" Sino naman itong girlalou na itech? " taas-kilay na tanong ni Rolando.
" S-Si Penelope M-Madrigal po " nauutal na sagot ko. Sa isip ko ay naiisip ko na ang ngingising mukha nya. Hehe. Konting sakripisyo lang naman 'to, Madrigal.
" Sige, sige. Buti na lang talaga at maaasahan ko kayo. Sige na, balik na kayo. Isusulat ko ang pangalan nya para mapasa ko na ang list ".
Tumango naman kaming dalawa at lumabas ng office. Sakto naman na tapos na ang break time kaya naglakad na lang kami pabalik ng building.
" Hoy, bakla ka! Sino yong babaeng yon? Di ko sya knows ".
" Yung babaeng tinamaan ko ng bola kahapon " pigil ang tawang sagot ko pa.
" Kaloka ka! Baka naman busy ang lola mo! "
Hindi na lang ako sumagot at ngumisi na lang nang maluwag. Natutuwa talaga ako. Masayang ganti 'to.
Bumalik na ko ng room dahil magsisimula na ulit ang klase.
Pasensya na, Madrigal. Pero, don't give up.... dahil hindi pa ito ang huli.
PENELOPE
Mabilis na natapos ang lunch time at nagsimula ang panghapong mga klase. Mabuti na lang talaga ay wala nang nagpalabas sakin sa klase. Kanina kasi ay isa-isa kong pinuntahan ang mga teachers ko na kung pwedeng pumasok ako kahit incomplete uniform. Nagpaliwanag din ako sa kanila isa-isa at naintindihan din naman daw nila yon. Basta raw sa susunod ay hindi na mauulit pa.
Kahit nga kay Ma'am Rodora ay pumunta rin ako para magpaliwanag. Mabuti na ay hindi sya nagalit nang tuluyan sakin.
Maya-maya pa ay may pumasok na gwapong lalaki sa room. Batid kong teacher din sya dahil sa uniform nya.
" Good afternoon, Ma'am. Sorry sa abala. Itatanong ko lang sana kung dito si Penelope Madrigal? "
Nagtaka ako. Ano na naman bang nagawa ko?
Tumingin sakin si Ma'am. " Ito sya, Sir Harry ".
Napatingin na rin sakin yung lalaking teacher. " Hija, 'wag ka na munang umuwi. Pumunta ka ng gymnasium pagkatapos ng klase nyo ".
Napatango na lang ako, wala pa rin sa sarili. Ano na naman ang atraso ko sa kanila?
Nagpaalam na yung teacher pero hindi ko na yun pinansin pa. Pakiramdam ko ay nakalutang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
" Miss Madrigal? " tawag sakin ng teacher.
" Po? " umayos ako ng upuan at ibinagay sa kanya ang atensyon ko.
" Give me the 9 elements of communication ".
Tumayo ako. " The 9 elements of communication are speaker, message, encoding, channel, decoding, receiver, feedback, context, and barrier ".
Ngumiti si Ma'am. " Thank you ".
Naupo akong muli at itinuon na ang atensyon sa discussion. Mahirap na. Baka mapahiya na naman ako.
Mabilis na natapos ang panghapong klase. Hindi talaga mawala sa isip ko kung bakit ako pinapapunta sa gymnasium. Iniisip ko nang mabuti kung ano ang nagawa kong malupet kung kaya't kailangan pa talaga akong papuntahin doon.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng room. Pero this time, medyo nagpahuli na ako para iwas na sa gulo.
Baka kung ano pang magawa ko sa babaeng yon. Mukha pa namang tigreng kinulang sa turok.
Naglakad ako papuntang gym. Pagpasok ko ay mayroon ding iba pang mga estudyante. Parang nasa higit dalawampu kaming lahat. Nandoon din yung dalawang bakla na nakatingin din sakin at yung teacher na nagpunta kanina sa room.
Sinalubong ako nung teacher. " Oh, Madrigal. Buti na lang dumating ka na ".
" Po? Bakit po ba ako pinatawag dito? " hindi ko na napigilan pa ang magtanong.
" Ah, pinatawag ko na kayo para magawa kaagad ang mga jersey nyo ".
Tumaas ang kilay ko. Anong meron?
" Po?! Anong jersey? "
" Ha? Eh hindi ba sinabi sayo ni Jessie? Kasali ka na volleyball girls " nakangiti pang anunsyo nya.
" Pooooooo?! "
![](https://img.wattpad.com/cover/223315345-288-k101676.jpg)
BINABASA MO ANG
ATTRACTING THE SAME MAGNET POLES
Fiksi RemajaJessie Graciano has everything that a girl could wish for. He has the looks and the wealth. Yun nga lang, kabaro rin ni Adan ang hanap nya. Sayang at rainbow ang favorite color nya. While on the other hand, Penelope Madrigal is an ordinary girl. Pay...