29: 1 to 10

55 9 0
                                    

PENELOPE

" Bakla! Halika rito! " tawag sakin nung baklang kaibigan ni Jessie. Sa pagkakaalam ko ay Rolando ang tawag sa kanya ni Jessie.

" Bakit? Nakita mo ba si Jessie? Kanina pa sya umalis pero hanggang ngayon hindi pa rin sya bumabalik. Kanina pa kasi ako naghihintay rito " balik tanong ko sa kanya.

" Aish! Wag ka ng maraming tanong! Sumama ka na lang sakin! Bilis! Sirang-sira na ang beauty ko eh! " aniya at hinila ako sa braso.

" Asan na ba kasi si Jessie? Ang tagal kasi nyang bumalik " tanong ko sa kanya ulit.

" Mamaya ka na kasi magtanong! I swear! Ito na ang una at huling beses kong gagawin 'to! Kaloka! " maarteng wika nya.

Hindi na lang ako nagsalita pa at hinayaan na lang syang kaladkarin ako. Nagulat ako nung matanawan ko si Sir Harry na nakangiti kaming sinalubong.

" Here. Pinabibigay ng bakla mo ".

Inabot nya sakin ang isang stuffed toy na may nakadikit na papel. Kinuha ko ang papel at binuklat iyon.

Isa. Ikaw lang ang nag-iisang babae na kayang magpatibok ng ganito sa puso ko. Baka pwedeng paganti naman ako?

" Huh? Anong kabaliwan na naman 'to ni Jessie? " takang tanong ko.

Iminuwestra lang sakin ni Sir Harry ang daan at ngumiti lang sakin. Tumango pa sya kaya gumanti na lang din ako ng tango.

" Halika na, bakla! " tawag ulit sakin ni Rolando. Hinila nya ulit ang kamay ko at kinaladkad ko ako papunta sa kung saan.

" Saan naman tayo ngayon? " tanong ko pero hindi na sya nagsalita pa.

Maya-maya pa ay nakita ko naman yung mga kasamahan ko sa volleyball. Mga nakangiti sila sakin habang yung iba ay halatang kinikilig pa.

Nung makalapit kami ni Rolando ay iniabutan na naman nila ako ng isa pang stuffed na gano'n din naman ang itsura, iba nga lang ang kulay.

Kinuha ko ulit sa kanila ang sa kanila yung stuffed toy at may papel na naman na nakadikit do'n. Binuklat ko ang papel at binasa ang nakasulat.

Dalawa. Alam mo bang mahigit dalawang buwan pa lang kitang kilala? Pero heto ako ngayon, binabaliw mo nang sobra-sobra.

" Tsh! Bakla talaga... " komento ko matapos kong basahin ang sulat nya. Hindi naman napigilan ng mga kasama ko na matawa dahil sa sinabi ko.

" HAHAHA! Swerte mo, Penelope! "

" Ang gwapo kaya ni Jessie! Haba ng hair mo, girl! "

" Effort naman talaga ni Jessie sayo! Pak na pak! "

Natawa ako at nagpasalamat sa kanila. Sumunod na lang ulit ako kay Rolando matapos kong magpaalam sa kanila.

" Hmm? Sino naman kaya ang susunod? " bulong ko.

Ano naman kaya ang naghihintay sakin sa dulo?

Pumunta kami sa kung saan at nakita ko si Piri-Piri na kasama si Jetro at tatawa-tawa silang kumakaway samin. Tsh! Pati ba naman dito eh kasama 'tong lukaret na 'to?

Nung makalapit kami sa kanila ay binatukan ko agad ang kapatid ko. " Ano na naman ang ginagawa mo rito? Bakit magkasama na naman kayo ni Jetro, aber? "

Ngumiti lang ang lukaret at ibinigay sakin ang pangatlong stuffed toy.

Tatlo. Hindi sapat ang 'tatlong salita' para maiparamdam ko sayong mahal kita.

" Kalokohan ng baklang 'to... " panunuya ko nung matapos kong basahin ang nakasulat sa papel.

Inirapan ko na lang ang kapatid ko at umalis na. Sumunod na lang sakin si Rolando at nagpunta na naman kami sa kung saan.

" Anak! " sigaw ni Mama. Sinalubong na agad nya ako at pabatong ibinigay sakin ang stuffed toy. " Ang effort naman ni Jessie! "

" Pati ba naman ikaw, Mama? " hindi makapaniwalang usal ko.

Binasa ko na lang ang sulat pero nakiusyoso pa rin ang nanay ko.

Apat. May sasabihin ako sayo, alam mo bang apat na beses pa lang kitang nahahalikan? Di bale, hindi na ko mapaghintay na nadagdagan!

Hindi ko na hinintay pa si Rolando at basta na lang tumakbo sa kung saan. The nerve of my gay!

Nung matanawan ko si Papa ay walang sabi-sabi kong kinuha ang stuffed toy sa kanya at mabilis na binasa ang nakasulat do'n.

Lima. Siguro na ay nasa limang libo na ang nagagastos ko sayo. Wag kang mag-alala, pwede mo kong bayaran kahit kailan mo gusto!

" Baliw talaga! " inis na wika ko. Natawa lang si Papa sakin at tinapik ako sa balikat.

Ngumiti ako kay Papa at mabilis na tumakbo. Nakita ko yung babaeng assistant na kinausap dati ni Jessie para makapagpractice kaming dalawa.

" M-Ma'am May Ann... " ngumiti ako sa kanya.

Gumanti lang sya ng ngiti sakin at inabot ang stuffed toy. Natawa sya nung makitang hirap na ko sa paghawak.

Anim. Binato kita ng anim na beses ng bulok na strawberry, naalala mo? Feeling ko nga ay mas masarap tikman yon kung nasa labi mo.

" Tsh! Bwiset talaga 'tong baklang 'to! Kainis talaga! "

Nagpaalam ako kay Ma'am May Ann at tumakbo ulit. Nakita ko ang mga kasamahan ni Jessie sa volleyball at winawagayway pa sakin ang stuffed toy.

Lumapit ako sa kanila at inabot naman nila sakin ang stuffed toy. Binasa ko ang nakasulat do'n at nagmamadaling nagpaalam sa kanila.

Pito. Pitong araw mula nung makilala kita, ginulo mo ang buhay ko. Unfair naman yata kung hindi sakin umiikot ang mundo mo?

Tumakbo ako ulit nung makita ko ang Papa ni Jessie. Tuwid syang nakatayo at bahagyang kumaway lang sakin nung matanawan ako.

" Good day po... " bati ko.

Tumango sya at binigay sakin ang stuffed toy. " Kaya mo ba? " tanong nya nung makitang nahihirapan akong dalhin lahat.

" Okay lang po " sagot ko. Ngumiti ako sa kanya at binasa ang nakasulat sa papel.

Walo. May walong letra ang Graciano, bakit hindi mo subukan? Bagay kaya sayo!

Natawa ang Papa ni Jessie nung makitang ngumiwi ako matapos kong basahin ang nakasulat. Para akong matatae na ewan eh!

" Sige po... " pamamaalam ko sa Papa nya at nung tumango sya sakin ay saka ako tumakbo ulit.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang malaking ngiti ng Mama ni Jessie at patakbong sinalubong ako ng yakap.

" HAHAHA! Finally! Kumilos na rin si Jessie! " sabi nya saka ako binitawan sa pagkakayakap. " Eto oh ".

Inabot nya sakin ang stuffed toy at mabilis ko iyong binasa.

Siyam. Siyam na beses na yata kitang nalibre? Tsh! Hindi yon kung ano lang no! Magbayad ka! Pero kung gusto mo ay halik mo lang, tatanggapin ko na.

" Baliw po yata ang anak nyo " untag ko sa Mama nya.

" Baliw sayo?--- Oo! " sagot nya pabalik saka tumawa.

Tumawa na lang ako at nagpaalam na. Tumakbo ako at dinala ako ng mga paa ko sa coffee shop... kung saan kami unang nagkausap nang maayos.

Nakatayo sya habang hawak nya ang isang malaking stuffed toy. Triple yata ang laki no'n keysa sa mga hawak ko. Ngumiti sya sakin at niyakap ang stuffed toy.

" Hey, baby... " wika nya.

I'll still end up with him, I guess?

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon