25: One In A Million

52 9 0
                                    

JESSIE

" Uy! Blooming ang bakla! " bungad sakin ni Rolando.

" Anong blooming ang sinasabi mo? Baliw kang bakla ka! " ganti ko at inilapag ang mga gamit ko sa upuan.

Sinundan nya ako at nanunukso akong tinignan. " Ay! Bakit? Hindi ba? Pinagpalit ka na ba? Feeling ko nakahanap na yon ng panibago. Kaloka! Sikat na sikat ang lola mo! "

Inis ko syang tinignan. " Ang aga-aga, Rolando! Manahimik ka nga! Sinisira mo yung mood ko eh! Yari ka mamaya kay Sir Harry pag ako na-badtrip! "

Pero hindi pa rin nya ako tinantanan. " Sus! Alam ko naman na kahit isang linggo kong sirain ang mood mo eh waley pa rin ang effort ko! "

Kumuha ako ng bola at nagpunta sa service line. At bwiset na Rolando, ayaw talaga akong tigilan.

Daig nya pa ang mga reporter sa sobrang kulit!

Nagpractice ako sa pagseserve at nagfocus na lang sa ginagawa ko pero daldal pa rin sya nang daldal. Parang scripted na nga ang mga sinasabi nya dahil kahit paulit-ulit lang naman sya ng mga sinasabi eh kinukulit pa rin nya ko.

Napatingin ako gilid ko nung may pumito, si Sir Harry. " Rolando! Jessie! Dito na muna kayo! May sasabihin ako! "

Natahimik na rin sa wakas si Rolando at sabay kaming lumapit sa pwesto ni Sir Harry. Bumuo kami ng bilog at pinalibutan sya.

" Ngayong araw, ang grupo na kalaban natin noong finals nung nakaraang taon ang makakalaban natin ngayong araw... " panimula ni Sir Harry.

Biglang nag-iba ang aura ng mga kasamahan ko. Hindi pa rin siguro nila nakakalimutan yung nangyari last year.

Nung nakaraang taon kasi ay nakalaban namin sila. Matatangkad naman talaga ang players nila, magagaling din. Pero naging masakit pa rin para samin ang nangyari kahit pa kami ang nanalo sa laban namin.

Ang orihinal na setter kasi ng grupo namin ay hindi sinasadyang nakabangga ang isa sa mga kagrupo nila. Nagkainitan sila noon pero akala namin ay hanggang doon na lang yon.

Pero mali ang akala namin, maling-mali.

Inabangan ang setter namin at binugbog. Nagkaroon sya mga bali sa buto kaya pinili na lang nyang umalis na sa team. Nagtransfer na rin sya sa ibang school, kung saan ay hindi rin namin alam.

Kumuyom ang mga kamao ko, tinitimpi na wag kumawala ang galit sa loob ko.

Sa amin kasing lahat ay kaming dalawa ang close ng setter na yon. Kaming dalawa talaga ang magkasundo nung dalawang yon kaya ngayon naman ay naninibago ako sa setter namin at nangangapa sa mga ibinibigay nyang toss sakin.

Narinig kong pumalakpak si Sir Harry kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin. " Alam ko kung ano ang nararamdaman nyo ngayon, pero sana ay wag nyong kalimutan na wag na wag kayong gaganti sa kung anong ginawa nila satin. Maglaro lang kayo. Mag-enjoy at mananalo para dumeretso na tayo ng finals, okay? "

" Opo, Sir Harry! " sabay-sabay naming sigaw.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang laban namin. Mainit ang laban, kahit noong simula pa lang ng game. Palaging hindi nagkakalayo ang mga score namin.

5th set na, 13- 12 ang score. Lamang kami ng isang point.

" Go Swerd! Kaya nyo yan! "

" Go Jessie! "

" Dalawang points na lang! Go Swerd! Laban lang! "

Isinet ang bola at hiningi ko yon. Tumalon ako at pinalo ang bola para umiskor.

14-12. Isang point na lang.

Pumunta ako sa service line at nanghingi ng bola. Kinalma ko na muna ang sarili ko saka ako nagserve.

Pinalo ko yon at sumakto ang lapag no'n sa linya. Sumenyas ang referee na samin ang score at nagtatalon ang mga kasama ko.

" Ang galing mo, Jessie! "

" Congrats, Swerd! Ang galing nyo! "

Pumila kami at nagbatian. Kahit nanalo kami ay seryoso ang mga mukha namin. Nagkamayan sila at nagpasalamat.

Bumilog kami at nagpasalamat sa mga nanood. Dumeretso na agad ako sa pagliligpit ng mga gamit ko nung matanaw ko si Madrigal na kausap yung isa sa mga players ng kalaban naming grupo.

Tsh! Pati ba naman ang Vitamin P ko, inaagaw sakin?!

Lumapit ako sa kanila at hinila si Madrigal palapit sakin. Napatingin sya sakin pero nasa kausap nya lang ang paningin ko.

" Hey... Congrats sa laban nyo pala kanina... " paningit ni Madrigal.

Tumingin ako sa kanya saglit at ngumiti. " Thanks, baby ".

Ngumiti rin sya sakin at tumingin sa lalaki sa harap ko. " A-Ah... I-I don't know his name... hindi ko na tinanong ".

Tumingin ako sa kaharap ko. Awkward syang nakangiti samin at naglahad ng kamay. " A-Ahm... I-I'm Drake--- "

Inis akong tumingin sa kanya. " I don't care. Maghanap ka ng ibang babaeng kausap mo. Alis! Bago pa magbago isip ko't samain ka ".

Ngumisi sya. " Bakit? Gusto mong magaya sa setter nyo dati? "

Tinuro ko ang sarili ko saka ko itinuro si Madrigal. " Ako? Matatakot sa inyo? HAHAHA! Bakit? Sino ka ba sa tingin mo? Saka sana tinanong mo na muna sya kung papayag ba syang saktan mo ko ".

" Tsh! Eh mayabang ka lang naman kasi nandito tayo sa Swerd! Ingat ka. Baka mamaya eh tumigil ka na rin sa paglalaro " ngingisi-ngising aniya.

Sumingit sa usapan namin si Madrigal. " Woy! Woy! Tigil-tigilan mo bakla ko ah! Ikaw ang tatamaan sakin! "

" Tsh! Alis! " dagdag ko.

Ngumisi muna sya saka umalis. Bumaling naman ako kay Madrigal saka sya sinamaan ng tingin.

" Bakit? " tanong nya.

" Ikaw! 'Wag ka ngang makipag-usap kung kani-kanino! Ginagalit mo ko! Kainis ka ah! " bulyaw ko.

Tumawa lang sya at hindi nagsalita. Tumingkayad sya at hinalikan ako sa pisngi saka tatawa-tawang tumakbo palayo sakin.

" Puntahan ko na muna sila Sir Harry. Malapit na yung laban namin eh " sigaw nya saka tuluyang umalis.

Lintek talaga! Nakahanap na sya ng kahinaan ko!

Nagulat ako nung paglingon ko ay nasa tabi ko na si Rolando. Nakangiti sya pero nakatingin sya sa linakaran ni Madrigal.

" Kung makabakod parang may 'kayo' ah... "

" Ha? Ano bang sinasabi mo? " maang na tanong ko.

" Tsh! Bakit? Nanliligaw ka na ba sa kanya? " tanong nya.

Natigilan ako. " B-Bakit? K-Kailangan pa ba yon? Hindi naman kasi sya nagsasabi eh... "

Binatukan nya ko. " Ano ka ba naman! Syempre! Kailangan mong gumawa ng mga gano'n no! Palibhasa kasi hindi mo pa nararanasan! "

Nanlaki ang mga mata ko. " Bakit?! Nanligaw ka na?! "

Iniwas nya lang ang paningin nya sakin at itinikom na ang bibig. Natahimik na lang din ako at napaisip.

Yeah, right. She gotta know that she's one in a million.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon