15: Get Loud feat. Swing

64 10 0
                                    

JESSIE

" Pen! Pen! Desarapen! Baklang Jessie, single pa rin! How! How! Dekarabaw! The one na nya baka ikaw! " kanta ni Rolando saka umakbay kay Madrigal.

Papunta kami sa park na malapit lang din sa bahay namin. Tsh! Bakit kasi sumama pa 'tong baklang 'to? Istorbo lang naman sya.

Tinapik ko ang braso nyang nakaakbay sa kanya. Ngingisi-ngisi naman syang tumingin sakin, nang-aasar.

" Madrigal... lumayo ka nga sa kanya " tawag ko sa kanya pero ni hindi man lang nya ako nilingon.

" Ay, bingi ka? Ate girl? " pang-ookray ni Rolando pero tinignan lang sya ni Madrigal.

" Penelope... dito ka nga " usal ko pero hindi pa rin nya ako pinapansin.

" Penny... halika rito sa tabi ko " pero 'wa epek pa rin sa kanya.

Isa na lang talaga.

" Baby.... come here, please? " agad naman nyang iniwan si Rolando at tumabi sakin.

Nagulat ako nung iniyakap nya yung isang braso nya sa likod ko kaya napangiti na lang din ako.

" You really like me calling you baby, don't you? " mahinang tanong ko pa.

Tumango sya at tumingin kay Rolando'ng mukhang shokoy na yakap-yakap ang sarili. " Yeah. I like it. " Napangiti pa sya habang nakatingin sa kawalan. " Very, very much ".

Napangiti na rin ako at umakbay sa kanya. Wala naman syang naging reklamo hanggang sa makarating kami sa park.

" Uy, cotton candy! " nagulat pa ko nung binitiwan nya ko at tumatakbong lumapit do'n sa nagtitinda ng cotton candy.

Lumapit na rin ako at napatingin sa mga kulay ng cotton candy. Pink, blue, purple, orange.

Tsh! Wala man lang rainbow!

" Anong gusto mo? " tanong nya sakin.

Hmm? Himala yata 'to. Hindi na sya magpapalibre. Papatulan ko na, baka mamaya ito na pala ang huling beses na gagawin nya 'to.

" Yung orange na lang " sabi ko. Nagtaka naman ako kung para saan yon. " Bakit? "

" Oy! Ano ka, baliw? Syempre kailangan ko ng pambayad! "

Binabawi ko na yung sinabi ko. Hindi na pala talaga sya magbabago kahit kailan.

Inabot ko sa kanya ang wallet ko. " 'Wag kang mag-alala. Magbabayad naman ako sayo, no ".

Hindi na ko sumagot pa sa kanya at iniwan na sya ro'n. Lumapit ako kay Rolando na nakaupo sa isang swing.

" Kamusta ka naman, bakla? Mukhang happy'ng happy eh? " pang-aalaska nya pa.

" Hmm. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Masyado yata akong masaya kaya hindi ko maipaliwanag nang maayos ".

" Tsh! Halata namang masaya ka! May pa-'baby' ka pang nalalaman eh! "

Natawa na lang ako sa kanya. Napatingin ako kay Madrigal na bumibili pa rin.

" Hoy, bakla! Ikaw ba ay may balak na umamin sa kanya? " maya-maya ay tanong nya.

Napabuntong hininga na lang ako. " Hindi ko alam ".

Maya-maya pa ay bumalik si Madrigal na may dalang 5 cotton candy.

" Ang dami naman nyan " takang tanong ko. Inabutan nya kami ng tig-isang cotton candy at ibinalik ang wallet ko sakin.

" Syempre. Iniisip lang naman kita eh " sagot nya.

" Talaga? Edi tigdalawa pala tayo? "

So thoughtful.

" Ha? Anong tigdalawa ang sinasabi mo? Itong cotton candy ba? Akin 'tong tatlo, no! " inilayo nya pa sakin yung mga cotton candy.

" Ay, patay gutom? Ate girl? " mahinang bulong ni Rolando. Siniko ko naman sya dahil baka marinig ni Madrigal yung mga pinagsasabi nya.

Maya-maya pa ay tumayo na si Rolando. " Gora na ko, bakla! Anong eksena ko rito, third party? Alam ko namang kahit hindi mo sabihin eh istorbo ako sa moment nyong dalawa! Balitaan mo ko, bakla! Sige na. Babush! " at saka sya tumalilis ng alis.

Nanatili pa kami sa park saka nagkwentuhan.

" Ay, oo nga pala... " bigla ay sabi nya.

" Bakit? " takang tanong ko.

" May nakalimutan kasi akong gawin... "

" Ha? Ano ba yon? " nalilito na ko sa mga sinasabi nya.

" Nakalimutan ko pa lang magbayad ng utang ko ".

Tumayo sya sa harap ko at inilapit ang mukha nya sakin.

" Isa... " sabi nya at hinalikan ako sa noo.

" Dalawa..." yung kaliwang mata ko ang sunod nyang hinalikan.

" Tatlo... " ang kanang mata ko ang sumunod.

" Apat... " tungki ng ilong ko ang sumunod na hinalikan nya.

" At lima... " this time, sa labi ko na. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nya pero lumayo na sya.

" Bayad na ko ah! " natatawang aniya.

" Tsh! Hindi pa kumpleto! Baby, c'mon! Halika rito! " ibinuka ko pa ang mga braso ko sa harap nya pero tatawa-tawa lang syang pinagpatuloy ang pagkain ng cotton candy.

Tsk! So bitin!

" Hindi ka pa ba uuwi? " tanong ko maya-maya.

Napanguso sya. " Gusto ko na ring umuwi. Tumakas lang din naman ako kanina eh ".

Natawa ako at inalok ang kamay sa kanya. Agad naman nyang tinanggap yon at sabay kaming naglakad pauwi.

" Ah... m-may sasabihin p-pala ko sayo... " kinakabahang ani ko.

This is it, Jessie! Now or never!

" Ano yon? " tanong nya.

Napabuntong hininga ako nang malakas. " Alam ko naman sa sarili kong bakla ako. Hindi kailanman ako nagkagusto o naattract sa babae. Siguro, naiingit ako sa kanila. Gusto ko ring maging babae. Yung may pamilya ako at ako ang magsisilbi para sa kanila. Ang mag-aalaga ng mga anak ko... "

Tahimik lang sya at nakikinig sakin.

Napalunok ako bago pinagpatuloy ulit ang pagsasalita.

" Pero simula nung nakilala kita, nagbago lahat. Yung mga pangarap ko. Yung kagustuhan kong maging babae. Parang ibang tao na ko ngayon. Hindi na nga ako sure sa kung ano ang kasarian ko eh ".

" Kung dati, sinusumpa ko na naging lalaki ako, ngayon naman ay ipinagpapasalamat ko pa. Kung dati, hinihiling ko na sana ay naging babae na lang ako, ngayon yata ay pinandidirihan ko na. HAHAHA! "

" A-Ah, Wala na bang ibibilis yan? Nagmamadali na rin kasi ako eh " aniya.

" Tsh! Teka naman! Ang dami dami ko pang gustong sabihin eh! "

" Ishort cut mo lang! Ang haba-haba pa nung mga sinasabi mo eh. O di kaya sabibin mo agad yung punto mo--- "

" I-I am i-inlove with y-you... " there. Sa wakas, nasabi ko na rin.

Napapikit-pikit sya at natigilan.

" I-I don't k-know what to s-say... " saad nya matapos ang ilang segundong pananahimik at pagkabigla.

" A-Ah, hehehehe.... A-Ako rin eh. H-Hindi ko alam kung anong s-sasabihin ko " napapahiyang sagot ko sa kanya.

Muli kaming nanahimik at nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Ano kayang iniisip nya?

" I-I think I-I don't feel the s-same way..." nakatungong saad nya. Hindi agad ako nakapagreact sa pagkabigla.

" H-Ha? P-Pero..."

What the f*ck, baby?

" I-I'm s-sorry... " huling sambit nya saka ako tinalikuran.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon