Epilogue: The Best Thing I Ever Did

80 11 0
                                    

JESSIE

Isa-isa nang nagsi-alisan ang mga kateam namin, syempre boses ni Rolando ang pinakamalakas. Maging si Sir Harry at Ma'am May Ann ay nagpaalam na rin.

" Jessie! Una na kami! " pamamaalam ni Sir Harry habang unti-unting naglalakad palayo samin.

" Sige! Sige! Salamat, Sir Harry! Thank you, Ma'am May Ann! Maraming salamat po sa tulong! " ani ko pabalik.

" Ingat kayo, Jessie! Uwi na kami! " kumaway-kaway na sigaw ni Sir Harry.

" Ingat po sa pag-uwi! " sigaw namin pabalik.

Hinatid namin sila ng tingin at nung hindi ko na sila natanaw ay saka ako bumaling kay Madrigal.

" Alam mo, may napapansin ako sa dalawang yan... " bulong nya pero ang tingin nya ay nanatili pa rin sa dinaanan kanina nung dalawa.

" Hmm... talaga? May napapansin din nga ako eh... " tugon ko.

Nilagay nya yung kamay nya sa likuran ko at tinapik-tapik yon. " Halika na. Gumagabi na ".

Pumungay ang mga mata ko at kinuha ang kamay nyang nasa likuran ko saka pinagsalikop ang mga kamay namin. " I love you... " madam-daming sabi ko.

" K ".

Pabiro ko syang binatukan dahil sa sinagot nya. " Bwiset ka talaga! Ang ganda ganda na ng moment natin eh! Panira ka! "

Bumitaw sya sa kamay ko at humarap sakin saka ako pinameywangan. " Eh bakit kailangan mong mambatok?! Ang sakit kaya nung ginawa mo! " sigaw nya.

Nameywang din ako at tinaasan sya ng kilay. Alam nyo yung nanay na pinapagalitan yung anak nya? Gano'n. Gano'n ang ayos ko.

Syempre, ang pinagkaiba nga lang, sumasagot yung anak ko!

Sarkastiko ko syang nginisihan, nang-aasar. Bakla mode? On!

" Hoy, Graciano! " aniya at dinuro-duro pa ko. " Tigil-tigilan mo ko sa mga kakaganyan mo ah! Sinasabi ko sayo, may paglalagyan ka sakin! "

Pero hindi ako natinag. Nanatiling gano'n ang posisyon ko. " Ah, talaga? Sinong tinakot mo ha, Madrigal? "

Tumingin sya sa mga kuko nya na parang sinusuri yon. " Hmm... parang gusto ko na agad maging single... "

" So, sa tingin mo matatakot mo ko sa mga ganyan mo? " mataray kong ganti.

Dahan-dahang lumipat sakin ang tingin nya at saka nagkibit-balikat. " Oh edi sige. Break na tayo, baby " aniya saka ako tinalikuran.

Humabol agad ako sa kanya at hinawakan sya sa braso. " Joke lang, hehe. Love you! " saad ko at mabilis syang hinalikan sa pisngi.

Ngumuso na lang sya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Inalalayan ko sya pasakay ng kotse ko. Pumasok na rin ako sa driver's seat at nagmaneho papunta sa kanila.

Tumingin ako sa kanya pero sa nasa labas lang ang paningin nya. Bumalik ulit sa daan ang tingin pagkatapos ay babalik ulit sa kanya.

" Sa daan ka nga tumingin. Para kang baliw. Pag tayo bumangga, humanda ka sakin. Pipilayan kita ".

Tumingin ulit ako sa kanya at inabot ang pisngi nya saka kinurot yon. " HAHAHA! Hay! Ang taba taba talaga ng pisngi ng girlfriend ko! Kaya mahal na mahal kita eh! "

Tinapik nya ang kamay kong may hawak sa pisngi nya. " Ah talaga? Edi sana nag-girlfriend ka ng sumo! Ayon, hindi lang mataba ang pisngi! Pwede mong gawing unan! Bwiset na 'to! "

Natawa naman ako. " Hmm... konti na lang naman ang kulang sayo " ani ko at pinasadahan ng tingin ang kabuuan nya. " Malapit ka na namang pumasa ".

" Ha? Naaaning ka na ba? " tanong nya, bakas ang kalituhan.

" Sabi ko, malapit ka ng pumasa ".

" Saan? " takang tanong pa rin nya.

" Bilang sumo ".

Inangar nya ang paa nya at nagulat ako nung tadyakan nya ako sa hita. Napahinto ako sa pagmamaneho, mabuti na lang ay hindi marami ang dumadaang sasakyan. Pinarada ko na muna sa gilid ng daan ang kotse ko at saka ko hinawakan ang parte na sinipa nya.

" A-Aray! " atungal ko. Kung maluwag lang siguro ang kotse ko, malamang ay naglupasay na ko sa sakit.

Iniangat ko ang binti ko sa kinauupuan ko. Tinignan ko yon at namumula ang halos buong hita ko. Yung ibang parte nga ay unti-unting nagvi-violet, malapit na akong pasain.

" Masakit? " tanong nya, halata ang pag-aalala sa boses.

Inis ko syang tiningnan. " Ano sa tingin mo? "

Ngumuso sya at sinubukang hawakan ang hita ko pero iniiwas ko yon sa kanya. " Sorry... "

" Not effecting... " saad ko at tumingin ulit sa hita ko. " Kiss mo ko para bati na tayo ".

Hinampas nya ang braso ko at sinamaan ako ng tingin. " Ano ba! Umayos ka nga! Nagsosorry na nga ako sayo eh... "

" Hindi ko pa rin tatanggapin ". Umiling ako nang umiling bago hinaplos ang binti ko. " Kiss mo lang ang tatanggapin ko ".

Hinalikan nya ako sa pisngi. " Yan. Tama na yan ".

Ininguso ko ang labi ko at tumaas-taas ang mga kilay. " Sa lips ".

" Ayaw " aniya at umiling.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Hindi ko na sya kinibo at nagfocus na lang sa pagdridrive. Paminsan-minsan ay napapangiwi ako sa tuwing sumasakit ang hita ko.

Mapipilay na yata ako bago pa kami ikasal. Baka nakasakay na ako sa wheel chair habang hinihintay ko syang maglakad papunta sa altar.

Hanggang sa makarating kami sa kanila ay walang nagsalita samin. Ipinarada ko sa harap ng bahay nila ang kotse ko pero nanatiling tahimik.

" Good night. Sige na, pumasok ka na. I love you... " bulong ko.

Hindi pa rin sya bumaba at tumingin sakin. Nagulat ako nung inilapit nya ang mukha sakin saka ako hinalikan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nya at isinandal sya sa kinauupuan nya.

Naihiwalay ko ang mukha ko sa kanya nung makaramdam ako na parang may basa.

Hinawakan ko ang pisngi nya at pinahid ang mga luha nya.

" W-Why are you crying? " tanong ko, tinitignan ang kabuuan nya. Baka kasi may masakit sa kanya o ano.

" Wala lang. Narealize ko lang kung gaano kita kamahal. Mas mahal pa nga yata kita keysa sa kapatid kong lukaret eh. Mahal na mahal kita, Jessie. I love you, despite of all your flaws and imperfections. I love you just the way you are. I love the MVP Jessie. I love you--- gay or not. Basta wag mo na kong aasaring mataba ah? Para magtagal tayo. Hehe ".

Natawa ako at niyakap sya. " Do you know that loving you is the best thing I ever did? And yeah, I love you too. Wag kang mag-aalala, mas mahal din kita keysa kay Rolando'ng bakla. Pero syempre, mataba ka pa rin sa paningin ko kaya nope. That's not gonna happen. Aasarin pa rin kita, na may kasamang pagmamahal! "

---

THE END.

ATTRACTING THE SAME MAGNET POLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon