Chapter 1

1.5K 146 25
                                    

Joey's POV

Ramdam niya ang pamumula nang sumulyap sa kanya ang lalaki nang biglang tumunog ang tiyan niya dahil sa gutom.

"You hungry?" Tanong nito.

Nahihiya man ay tumango siya.

Bumuntong hininga ito bago nag drive sa drive thru ng mcdo. Nag order ito nang di man lang siya tinatanong. Ito nadin ang nag bayad bago paman siya maka pag offer.

"So bat ka nasa kalsada?" Tanong nito habang naghihintay sila sa order nila.

"Pinalayas ako sa boardinghouse. Di kasi ako nakabayad." Sagot niya.

Tumango ito bago bumuntong hininga na tila ba problemado.

"Sir ahm ibaba niyo nalang po ako sa parking lot ng mcdo. Maghahanap nalang po ako nang masisilungan ngayong araw." Sabi niya dahil bigla siyang inatake nang hiya.

Jusko naman kasi ano bang klaseng hangin ang nasinghot niya para magmakaawa ng tulong dito kanina. Dala ng ulan kaya siguro nasabi niya yun.

"You asked for help, and I will help you." Kaswal nitong sabi na hindi man lang siya tiningnan.

Magsasalita sana siya nang bigla itong bumaling sa kanya at tiningnan ang kanyang mata. "What kind of help do you need? As what I see eh Kailangan mo ng matutuluyan. So what's next?"

Napakurap siya bago napahigpit ang hawak sa sling bag niya.

"T-trabaho po sir."

"Hmm anong klaseng trabaho?"

"Katulong po pwede na. Hanggang high school lang kasi ang natapos ko."

Tumango ito bago di na nagsalita pa. Ibang klase din sa tahimik nitong tao ay ang lakas nang dating. Oo aaminin niya talagang nagulat siya sa itsura nito. Ang gwapo kasi, tipong may halong banyaga.

Nang dumating na ang order nila ay nagdrive na naman ito at sinabing kumain na siya na hindi naman niya tinanggihan. Kahit naman ginago siya nang ama nang anak niya ay di niya kayang pabayaan ang pinagbubuntis niya.

Habang nagdadrive ito ay kumakain naman siya, inalok niya ito pero umiling lang ang lalaki kaya di na siya namilit. Hinayaan nalang niya ito sa kung saan siya nito dadalhin.

Oo dapat takot siya o kaya kabahan siya dahil di niya kilala ang kasama pero ewan lang sadyang kampante ang loob niya dito, siguro dahil tinulungan siya?

Tamang tama na tapos na siyang kumain nang pumasok ang kotse nito sa isang may kalakihang gate kung saan nasa loob nun ang magandang bahay na talagang ikinatulala niya.

"Let's go." Dinig niyang sabi nito bago ito bumaba.

Itinabi niya ang pinagkainan bago bumaba at sumunod dito. Halos mabali ang leeg niya sa kakalingon dahil sa ganda nang mga nakikita. Ang mga kasangkapan nang bahay ay yong mga magagarang kagamitan na nakikita niya lang sa tv.

Napahinto siya sa paglalakad at paglinga sa paligid nang tumikhim ang lalaki.

"What's your name?" Tanong nito.

"Joey Entrata po." Sagot niya.

Tumango ito bago inilahad ang kamay sa kanya. "Zero Barber is my name and this is my house. Ako lang mag isa dito pero may mga tagalinis at taga bili ako nang grocery na nagpupunta dito every other day. The whole house is automatic and can detect the outsider so kailangan kong kunin ang fingerprint mo at scan yang mukha mo para makalabas masok ka dito para di ka nakakulong sa pagtira mo dito." Kaswal nitong sabi.

"D-dito ako titira?" Gulat niyang tanong.

Tumaas ang kilay nito bago nag cross arm sa harap niya. "Bakit? Gusto mo sa kalsada?"

Napanguso siya na ikinailing nito. "You need help so I will help you. And don't worry if ever naman na gagawa ka nang masama o kaya ay pagnakawan ako. Di ka pa nakakalayo sa subdivision na to ay may huhuli na sayo kaya di ako nag aalala." Sabi nito bago tumingin sa suot na relo.

"I need to go back to my office. Your room is on the second floor left wing yung puting pinto. May pagkain sa kusina ikaw nalang ang bahala. Feel free to roam around just don't get inside my room which is the black door in the second floor. But before that you rest. Namumutla ka." Sabi nito bago tumalikod.

Napakurap siya nang pumasok ito ulit sa bahay dala ang maleta niya. Nilagay nito iyon sa gilid nang hagdan bago siya sinulyapan.

"Rest and we will talk about your situation pag uwi ko." Sabi nito bago umalis.

Nang madinig ang papalayo nitong sasakyan ay napatingin siya sa paligid bago nanghihinang umupo sa sofa na ubod nang lambot.

"Nananaginip ba ako?"

---------####---------
Gabriel143

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon