Zero's POV
Wala silang imikan ni Joey sa loob nang hospital room na yun. Hawak niya ang kamay nito at nakatitig lang ito sa kanya.
"Ok lang ako Ze." Sabi nito kaya napaangat ang tingin niya dito.
After what she said ay binihisan niya ito pati sarili niya at agad itong dinala sa ospital. He asked doctors to do some test on her right away.
Naramdaman niya ang paghaplos nito sa pisngi niya kaya napapikit siya bago nag init ang mga mata.
"Wag kang umiyak." Sabi nito.
"Natatako ako baby." He said at wala siyang pakialam na tumulo ang luha niya sa pagmulat nun para tingnan ang dalaga. "Natatakot ako."
Ngumiti ito nang malungkot. "Ako din." She said at doon niya lang napansin ang panginginig nang mga kamay nito. "Natatakot akong mamatay Ze. Napagdaanan ko na to, at alam ko ang hirap na pagdadaanan ko kung sakali mang bumalik ang sakit ko. Pero mas natatakot ako para sa baby."
Magsasalita sana siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.
"Good evening." Sabi nito bago siya tiningnan at si Joey. "I won't sugarcoat anything, and base on her record ay positive ang pasyente. Her leukemia is active again."
Nahigit niya ang hininga habang ramdam niya ang higpit nang hawak ni Joey sa kamay niya.
"Stage?" Joey asked.
"Two." The doctor said. "At alam mong mabilis itong lalala pag di agad naagapan. You need to undergo chemotherapy and drink some medicine that will kill the cancer cells in your body pero buntis ka. So I suggest you guys need to talk about it." Sabi nang doctor bago siya tiningnan. "Kailan mong mamili." Sabi nito na ikinatiim bagang niya.
"Diyos ka ba?"
Napabaling ang tingin niya kay Joey, galit itong nakatingin sa doctor.
"Sino ka para sabihin yan sa ama nang dinadala ko yan."
"Misis I'm sorry pero hindi ka makakapag chemo kung buntis ka. At ikakamatay mo naman kung itutuloy mo ang pagbubuntis mo. You're only six months pregnant, at alam mo kung gaano ka brutal ang sakit mo."
"Walang mamamatay." Joey answered bago siya tiningnan sa mata. "Wala kang pipiliin Ze. At kung dumating sa point na wala na tayong choice piliin mo ang bata."
"B-baby."
Tumigas ang anyo nito bago bumaling ulit sa doctor. "Itutuloy ko ang pagbubuntis ko, di ako magpapachemo hanggat hindi lumalabas ang anak ko."
"Misis."
"Final desisyon na yan. May buhay sa loob ko, hindi lang to basta basta dugo na pwedeng kunin at alisin sa sinapupunan ko. Bata to. Anak ko." Joey said at kita niya ang masaganang pag landas nang luha nito. "At wala kayong karapatan na alisan siya nang buhay dahil lang sa sakit ko. Bigay ko to sa akin nang diyos.
Bigay to sa amin. Kaya ipaglalaban ko to kahit pa buhay ko ang kapalit.""Joey!."
Ngumiti ito sa kanya bago hinaplos ang pisngi niya. And while looking at her eyes he wanna cry. He never felt so devastated in his whole life. Ngayon lang.
"Mahal kita Ze, kaya lalaban ako." She said bago bumaling sa doctor. "Maraming option para mabuhay kami nang anak ko. At kahit 1% pa yang tsansa na ibibigay mo kukunin, gawin niyo lang ang trabaho niya. Lalaban ako, makikinig ako sa mga gusto niyo. Wag niyo lang kaming papiliin kung buhay ko o buhay nang anak ko. Dahil kahit anong mangyari diko isusuko ang buhay nang anak ko." Determinado nitong sabi.
"Well then , let me talk to your obgyne. Maghahanap kami nang sulusyon para sayo at sa anak niyo." Sabi nang doctor bago ito nagpaalam.
When the door shut closed ay niyakap niya agad ang dalaga nang mahigpit.
"I love you."bulong niya. "We will fight this together ok?"
Tumango ito bago ngumiti sa kanya. Ngiting kahit papano ay kumalma sa puso niyaNg nagdurusa.
"Para sayo at sa bata lalaban ako. Mahal ko kayo Ze, higit pa sa subra."
----------####---------
Gabriel143