Joey's POV
Isang linggo na siya sa bahay ni Zero pero madalang lang silang magkita. Kahit agahan niya ang pag gising ay di talaga niya ito maabutan. Tas late din itong umuuwi.
Hindi niya alam kung anong klaseng tao ito pero sapat na sa kanya ang patirahin siya nito sa bahay nito at bigyan nang makakain para masabi niyang mabuti itong tao. Sino ba sa panahon ngayon ang magpapatira sa bahay niya ng taong di niya kilala diba?
At para makabayad sa utang na loob niya ay tumutulong siya sa paglilinis nang bahay nito kahit na sinabi nitong may tagalinis ito doon. Isa pa ang dali lang namang linisan ang bahay nito dahil mukhang binili lang nito ang bahay para may matulogan ito.
"Ma'am tapos ko na pong linisan ang kwarto ni Sir at nasa labahan na po ang maruming damit niya tsaka yung sa inyo."
Agad siyang napalingon sa nagsalita at nakita si aling bebang, ang tagalinis at taga laba ni Zero. Si Aling cora naman ang taga bili nang mga pagkain at ibang pangangailangan ni Zero dito sa bahay.
"Joey nga po nay." Sabi niya bago ito nginitian. "Meryenda po muna tayo?" Sabi niya bago bigay nang juice dito na tinimpla niya.
"Salamat iha." Nakangiti nitong sabi bago umupo upuan sa harap niya.
At habang nag memeryenda ay nakipagdaldalan siya dito. Naaliw siyang makinig sa mga kwento nito tungkol sa mga anak at apo nito. Hindi siya makarelate eh dahil ulila na siya.
"Aherm."
Sabay sila ni Aling bebang na lumingon sa may pinto nang may tumikhim at sabay napatayo nang makita si Zero na pawis na pawis habang naka sandong itim at jogging pants na itim. Mukhang di ito pumasok at nag jogging lang sa labas.
"Can I have some water?" Tanong nito bago lumapit sa kanya.
Jusko dai kahit pawis na pawis ang bango.
"A-ah oo." She said bago tumalikod at kukuha sana nang baso nito nang maramdaman niya ang lalaki sa likuran niya at ito ang kumuha nang baso.
Ramdam niya ang init na singaw nang katawan nito at hindi niya alam pero halos lumabas ang puso niya sa subrang tibok nito. Tumingin siya dito at nakita itong nakayuko sa kanya kaya ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isat isa.
"Good morning." Paos ang boses nitong sabi bago walang ngiting lumayo sa kanya at dumeretso sa fridge para kumuha nang tubig.
Napalunok siya nang tumingin ito sa kanya habang umiinom nang tubig. Jusko bat nauhaw ako? Sabi ng isip niya bago niya pinilit ang sariling tumingin kay Aling bebang na nakamasid pala sa kanila. Magsasalita na sana siya ng unahan siya ni Zero.
"Nagpapacheck up kaba sa pagbubuntis mo?" He asked na nagpasinghap kay Aling bebang.
Namumulang tumingin siya kay Zero bago umiling. "D-di pa. K-kulang kasi ang pera ko pambayad sa check up. Tas diko pa nalilibot ang subdivision na to para malaman kung may barangay clinic ba kayo dito."
Napakunot noo ito sa sinabi niya bago nito ibinaba ang basong hawak. "Then get dressed, ipapacheck up kita." He said bago ito lumabas nang kusina at naiwan sila ni Aling bebang na nakasunod ang tingin dito.
"Buntis ka pala iha..nako wag ka nang tumulong sa akin sa paglilinis."
"Pero nay bebang."
"Ay nako maligo kana dun at mag ayos para mapacheck kana nang boyfriend mo at malaman kung safe ba ang pagbubuntis mo." Sabi nito bago siya iniwan sa kusina at nagtungo ito sa laundry area.
Hala siya!
-----------####-------
Gabriel143