Chapter 6

1.3K 149 30
                                    

Joey's POV

"Joey mag out kana daw." Sabi ng kasama niya sa mcdo.

Awa nang diyos ay nakakuha naman siya nang trabaho bilang service crew sa mcdonalds. At apat na buwan narin ang tiyan niya at alam nang mga kasama niya na buntis siya pero di na niya sinabi kung sino ang ama.

Trabaho ang gusto niya at hindi awa nang mga kasama niya kaya hindi siya nag kwento nang kahit ano sa buhay niya.

At tatlong buwan mahigit na rin siyang nakatira sa bahay ni Zero. At sa loob nang tatlong buwan na yun ay masasabi niyang ok naman sila.

May mga araw na sabay silang kumakain, minsan nagkekwentuhan o nag uusap nang mga limang minuto. Oo ganun lang ka ikli. Busy kasi lagi ang lalaki, pero hindi ito nakalimot na lagi siyang paalalahanan na ingatan ang sarili niya at uminom nang gamot para sa anak niya.

He even give her a phone na madalang pa sa patak nang ulan kung mag text o tumawag ito. Siguro sa tatlong buwan nilang magkasama wala oo wala siyang maalala na tinawagan siya nito. Text lang na may nakalagay drink your medicine. Yan lang isang text sa isang araw.

At yung ex niya? Patay na ata. Galit siya at nasasaktan parin pero mahal? Kadiri di na no. Masaya na siya sa buhay niya na mag isa. Well di naman talaga mag isa dahil may parating na baby sa buhay niya at ang superman niya na si zero. Kahit medyo suplado at kadalasan walang emosyon ang mukha ay mabait naman ito sa kanya.

"Ang gwapo."

Dinig niyang sabi nang kasama niya habang nag lalog out naman siya sa register niya.

"Joey."

Agad siyang napaangat nang tingin at napangiti nang makita si Zero. Oo si Zero.

"Ze." Masaya niyang sabi. "Bat ka andito?"

Tumingin ito sa kanya. "Sinusundo ka, nagkasakit si mang boy at dilikado na sunduin ka niya baka mahawa pa kayo ni baby." Kaswal nitong sabi.

Oo may tagahatid at sundo siya courtesy of Zero. San ka makakahanap nang service crew sa mcdo na sinusundo at hinahatid nang mamahaling kotse ha? Siya lang ata.

"Ganun ba? Sige wait lang pa log out na ako." Sabi niya na tinanguan nito bago ito tumalikod at lumabas ng mcdo na ikinailing niya.

Dali dali niyang binilang ang pera sa register niya at nang matapos at madeposito iyon sa safety box ay agad siyang nag log out. Halos takbuhin niya ang pag labas sa pinagtatrabahuan ignoring the calls and questions nang mga kasamahan niya.

"Careful." Zero said nang makita siyang nagmamadali.

Napahinto siya at napatingin dito. Nakapang opisina pa ito at kahit ilang hakbang ang layo ay amoy na niya ang mabangong amoy nito na ikinangiti niya.

Nang makita nito ang mukha niya ay napa iling ito at napa tsk bago ibinuka ang braso. Agad siyang lumapit dito ay yumakap sa bewang nito. Oo sanay na ito sa hiling niya.

Ewan ba sa gusto niya ang amoy nito. Narerelax ang katawan at isipan niya. Buti nalang at pumapayag ito kahit na ba hindi ito yumayakap pabalik. Nakadipa lang ito hanggang sa matapos siya sa pagyakap dito.

Sabi ni Nay bebang pinaglilihian ko daw si Zero at mukhang alam nang binata iyon dahil hinahayaan siya nito na amoyin ito kahit ba ramdam niya ang pagiging awkward nito pag nakayap siya dito.

"Done." She said bago kumalas dito na ikinabuntong hininga nang binata bago nito ibinaba ang mga kamay na nakadipa. He then open the door for her at inalalayan siyang sumakay sa kotse.

Gentleman na gentleman bakla.

"Uwi na ba tayo?" Tanong niya nang mag simulang umandar ang kotse.

Sinulyapan siy nito saglit. "Hmm..bakit may gusto kabaNg puntahan?"

"Gusto ko nang mango ice cream." Sabi niya.

"May ice cream sa bahay joey."

"Ubos na." She said na ikinalingon nito kaya napakagat labi siya. "Naubos ko kanina bago ako pumasok."

Napailing ito. "I'm tired, pwede bang bukas nalang?" He said.

Napasimangot siya bago tumango at tumingin sa kalsada. "Pero gusto ko ngayon." Mahinang bulong niya.

Titiisin nalang niya ang cravings niya. Nakakahiya namang pilitin ito eh pagod ito sa trabaho.

"Ugh Fine." Bigla nitong sabi kaya napalingon siya sa lalaki.

"Huh?"

"Tsk saang tindahan ba mabibili ang ice creAm na gusto mo? Bibili na tayo wag ka nang mag mukmok diyan." Sabi nito na agad niyang ikinangiti.

"Talaga?" excited niyang tanong na ikinangiti nito bago tumango. "Wah kahit sa 7/11 lang meron nun sigurado." Sabi niya.

"Ok."

"Zero." Tawag niya dito kaya napalingon ito saglit sa kanya.

Without thinking twice ay yumakap siya patagilid dito.

"Thank you." She emotionally said. Naiiyak siya bigla.

Napa tsk ito bago nag salita nang mahina pero nadinig naman niya.

"Why I can't say no? Damn."

----------####---------
Gabriel143

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon