Joey's POV
"So tell me about yourself Joey." Biglang sabi ni Zero kaya napatingin siya dito.
Silang dalawa lang sa kusina at kakatapos lang nilang kumain nang pagkain na luto nito. Oo nagluto ito nang steak, habang siya naman ang nag ayos nang lamesa.
"Ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong niya.
"Anything, Everything."
"Hmm Well ako si Joey Entrata, 23 years old at ulila na. Di ako nakapagtapos nang pag aaral at ngayon ay Magiging dalagang ina pa. Wala namang interesante sa buhay ko maliban sa niloko at iniwan ako nang ex ko." Sabi niya na ikinatango nito. "Ikaw ba sino at ano ang ginagawa mo sa buhay?"
"Negosyate ako. And I am Zero Barber, older than you by 5 years. Just like you I am an orphan also but I do have a sister who's now living in germany with her family." Kaswal nitong sabi.
"Ahh." She said bago yumuko. "Pwede mag tanong?" Sabi niya at tumango ito. "Bat mo ko tinulungan? Thankful ako pero talagang diko maiwasan na itanong yan."
"Do I need to have a reason para tumulong sa isang tao? Kung kaya ko namang tumulong bat pa ako mag hahanap ng rason diba? Isa pa hindi ko maatim na may isang tao lalo na at babae ang pagala gala sa kalsada. May kapatid akong babae at pamangkin na babae, I don't do bad stuff to woman that will make them pay because of that thing called Karma."
Napatitig siya dito.
"Isa pa ngayong nalaman ko na buntis ka, mas lalong kailangan mo nang tulong. Sabi mo mga ulila kana at wala kang matakbuhan para hingan nang tulong. May bahay naman ako na ginagamit ko lang para matulog at may matawag na bahay so why not have you stayed here. It will not break my bank account to feed you anyway." Sabi nito sa napaka kaswal na paraan.
"Salamat." Taos puso niyang sabi na tinanguan nito bago ito tumayo at lumapit sa pharmacy bag na pinaglagyan nang binili nila kanina.
Nang makalapit ito ay may inabot itong mga tableta sa kanya at baso nang tubig. "Here drink your meds. At pag di ka makatulog mamaya, uminom ka lang ulit nang gatas." Sabi nito.
Napangiti siya bago inabot ang gamot at ininom iyon. Kahit sinabihan niya itong siya ang bibili nang mga gamot na kailangan niya ay di ito nakinig. Bagkus ay may stock siyang prenatal medicine sa loob nang anim na buwan at mga gatas pang buntis.
Kung totoo man ang mga anghel sa lupa, alam niyang si Zero ang pinadala nang diyos sa kanya. Dahil literal na hulog ito nang langit sa buhay niya ngayon.
Zero grab all the dirty dishes bago nito iyon nilagay sa lababo. "Don't wash it, hayaan mong si Aling bebang ang mag linis niyan." Sabi nito bago siya sinulyapan. "May iba ka pabang gustong gawin?"
Umiling siya kaya tumango ito at nagsimula nang maglakad patungong pinto sa kusina.
"Zero."
"Bakit?"
"Pwedeng payakap?" Sabi niya at alam niyang halos kulay kamatis na siya dahil sa tanong niya. Pero sht lang di niya mapigil.
Mula nang lumapit ito at ibigay ang medicine niya at maamoy ang bango nito talagang ibayong pagpipigil ang ginawa niya para di ito yakapin at singhotin. Oo singhotin talaga.
"Why?" Walang emosyon nitong sabi kaya napalabi siya.
"Ang bango mo kasi, gusto kong amuyin ang leeg mo." She said at kung sana lang ay lamunin na siya nang lupa dahil sa pinagsasabi niya. Nakakahiya.
"Ok."
Napakurap siya. "Huh?"
Nagkibit balikat ito bago ibinuka ang mga braso.
"2 minutes." He said na ikinatigagal niya. "Ayaw mo? Ok." He said bago tatalikod na sana ulit kaya agad siyang tumayo at yumakap dito habang ito naman ay nakadipa lang.
At nang maamoy niya ang amoy nito ay napabuntong hininga at napapikit siya.
Ang bango....
-----------####-------
Gabriel143