Chapter Four

23 1 0
                                    

Haidee's POV

Naalimpungatan ako sa umiipit sa daliri ko. At sa tubig na dumadampi sa balat ko.

Putik! Ang sakit!!!! Ano ba 'to?

Unti unti kong dinilat yung mata ko. Una kong namulatan ang puting puting bagay na kinadadapaan ko. Nangtuluyan ko nang maimulat ang mata ko ay puro puting buhangin. Nakadikit na din sila sa mukha ko. May nakalagay na dun sa ibabaw ng styro.

Sinulyapan ko din yung kamay ko.

Halos magtatalon talon ako sa nakita ko lalo pa at nakaipit pa yung pang sipit nya sa daliri ko.

"AHHHHHH!! ALIMANGOOOOOOO!!! AHHHH---" Nagtatalon ako habang winawagwag ko yung kamay ko maalis lang yung alimango. Ang laki pa naman! Nung nahulog sya ay tumakbo sya pabalik sa tubig.

Pulang pula yung hintuturo ko dahil sa bubwit na alimango na yun! Nakakainis sya!

Tinignan ko yung paligid ko habang hinihimas himas yung hintuturo ko..

Ang daming malalaking bato. Ang dami ding punong kahoy. Ang ganda ng buhangin. Ang sarap ng simoy ng hangin.

Teka???

Teka???

Nasan isla ba ako?

NASA ISLA NGA AKO!!! BUHAY AKO!!

kinapa kapa ko yung sarili ko.

"WAHHHH BUHAY AKO!!! HUHU THANK YOU LORD!!!" Tuwang tuwang sigaw ko.

Di ako makapaniwala. Kung hindi siguro dahil kay Herson pat----

Teka? Si Herson nga pala? Wag nyo sabihing nalunod na yung kumag na yun!? Wag nyo sabihing mag isa lang ako sa isla na to!?

HINDI PWEDE!! DI KO KAYA MAG ISA!! PANO KUNG MAY MABANGIS NA HAYOP DITO? PANO KUNG MAY MGA PIRATANG PANGIT NA MAY ISANG MATA LANG ANG PUMUNTA DITO AT BIHAGIN AKO? PANO NA AKO????---

Oh? may napansin akong naglalakad sa kabilang side ng isla. Inaninag ko ang itsura na. Nang matanto ko na si Herson yun ay tinakbo ko sya at saka niyakap ng mahigpit.

"Hey!? What are you doing!?." Maktol nya.

"Eh akala ko kasi natangay kana ng alon kaya sobrang nag alala ako. Pero nung makita kita ayon tinakbo kita at niyakap kasi buhay ka naman pala." kamot ulong sagot ko sa kanya.

"Wow! Kapal mo naman! Ako matatangay samantalag ako nga nagligtas sayo?." galit na sabi nya tapos nilagpasan ako.

"A-ah... Sorry na." Sinundan ko sya. Grabe ano nanaman bang masamangpagkain ang nakain nya at masungit sya? Ay wala nga palang masamang nakakain yan. Ay wala pala, Talagang bad na pala sya dati pa.

"Pero salamat huh. Kung di dahil sayo siguro nasa heaven na ako." sabi ko parin habang sinusundan ko pa rin sya.

Humarap naman sya sa akin.

"You mean HELL not HEAVEN!." tapos nagpatuloy uit sya sa paglalakad.

Napahinto naman ako sa sinabi nya. Ang sakit!? Bakit ba ganun ang mayayaman? Mapang api at mapang mata sa mahihirap?

Kaasar sya!

Lumakad nalang akopabalik sa kinaroroonan ko kanina at dun unupo. Nangalumbaba ako at nag muni muni.

Bwisit na lalaki! -_- Pano ba pinalaki ng magulang nya yan!? Walang good manners right conduct! Kaasar sya! Di marunong mag isip kung bawat salita at galaw niya ba ay may masasaktan ba sya o wala. Sa pagitan ng pag pitpit at pag tiris ko kay Herson sa isip ko ay kumulo naman bigla yung kalamnan ko. Haist, gutom na ko.

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon