Chapter Fifteen

16 2 0
                                    

Author's Note: Dedicated kay @tricaLab... Uy eto na yung hiling mo ahaha.. xD

~~

Ramjey's POV

"Ramjey!! Ang daya mo talaga!! Bakit si Haidee lagi mong nililibre! Kami hindi!? Nung nasa yatch tayo nilibre mo sya, ngayon naman nilibre mo ulit sya? You're so unfair Ram!." Yugyug ni Daisy sa balikat ko. Natawa naman ako sa kanya tsaka dahan dahang giniya paupo sa upuan nya.

"Grabe na ba tampo mo sa akin Daisy? Hehe, alam mo naman why I'm doing this diba?." Explain ko kay Daisy then tumingin ako kay Haidee na nakangiti while watching us. She's so pretty! Sheyt! Nabakla pa ako anu ba yan! iba na talaga pag na in love no? Haha. 

"Hahahaha sabi na nga guys eh! Duma-the-moves!" sigaw naman ni Jeff. Pinagtinginan tuloy sya ng ibang students. Actually konte lang naman students dito...

"Halata naman eh." Sabi naman ni Erica na nagsisimula nang kumain. Napatawa na lang ulit ako dahil sa sinabi nila. Si Haidee naman napatingin lang sa akin.

"Ahm, guys... na out of place ako... he..he.." singit ni Haidee.

"Naku po! Na Op na ang prinsesa ng isla. Lagot!."

sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita... when we realize na si kurt yun ay sabay sabay kaming napasigaw.

"Kurt!!" sabay sabay naming sigaw...

"Geezzz... we missed you Kurt!." Yakap ni Erica kay Kurt.

"Yah.. how was the game?." Tanong ni Daisy tapos bineso beso naman nya si Kurt.

Kami namang mga lalaki ay nakipag shake hands lang kay kurt.

"I missed you too guys... Its not okay Daisy... Oh hi there Haidee." Bati nya kay Haidee na halatang nagulat.

"Kilala mo ako?." takang tanong ni Haidee. Uh-oh...

"You know her?." takang tanong din ni Jeff.

"Ahhh yeah?? Lagi syang kinukwento ni R--."

Tinakpan ko kaagad yung bibig nya bago nya pa mailabas yung pangalan ko... walangyang lalaki to pahamak!

"Guys hiramin ko muna tong kengkoy na to huh."

"Oh? Something fishy ey?." Irap na lang ni Daisy..

Agad ko namang hinila si Kurt palabas ng Cafeteria.

"Aray naman bro! Ang sakit huh! Makahila wagas?." Reklamo nya saka hinimas yung braso nya.

"Para kang bakla! kelalaking tao ganyan magsalita?."

"Eh ikaw kasi eh! Bakit naman kasi makahila ka parang hinabol ka ng sandamakmak na kabayo!?."

"Anong eh ako... eh ikaw nga jan eh! Bakit mo naman sasabihin na lagi kong kinukwento si Haidee sayo? Edi inisip nun may gusto  ako sa kanya!."

"Bakit wala ba?" Mapang asar na tanong nya... Natahimik naman ako...

"W-wala... Basta ang akin lang ayokong malaman nya na may gusto ako sa kanya. Kaya wag na wag mong mabanggit banggit sa kanila huh!." banta ko.

Bigla naman nya akong hinampas sa balikat ko.

"Yun tayo eh! Wala daw pero ayaw naman malaman agad! You're so unbelievable... Okay okay i will shut my mouth." Sabi nya tapos tinaas yung dalawang kamay niya na parang nag su-surrender na.

"Good. Mabuti na yung nagkakaintin--."

"GUYS!!! SI RAMJEY NANDITO!!."

"WAAAHHH ANDITO NA SI PAPA KURT KO!!."

Island Dotted LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon